Ang Totoo

937 5 0
                                    

Nagkaroon ng maliit na samaan ng loob sila Ser Chief and Maya. Imbis na unahin ni Maya ang kanyang dating alaga, dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape. Pumasok siya sa office at ibinigay ang isang tasa ng kape kay Ser Chief.

"Ser Chief, Kape tayo."

"I'm sorry about what I said Maya."

"Wala yun Ser Chief, aminado naman po akong minsan nawawala ako sa focus... (pabulong) lalo na kung ikaw yung kausap ko."

"Ano yun Maya? May binubulong ka ba?"

"Ay, Ser Chief, wala po!" :)

"Puntahan mo muna si Abby sa taas, kailangan kong kausapin si Mannang Fe"

"Sige Ser Chief"

(Umakyat si Maya at hinanap ang kanyang alaga habang si Ser Chief naman tinawag si Mang Fe at doon sila nagusap)

"O, bakit mo ako tinatawag Rikardo?"

"Manang Fe, Mahal ko na po si Maya"

"Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Ayokong masaktan si Maya"

"Manang Fe, simula ng dumating si Maya, nagkaroon na ulit ng kulay ang bahay at ang pamilya namin. Yung loob ko paunti-unting napalapit sakanya. Binabaliwala ko lang dati pero ngayon di ko na matangging mahal ko sya."

"Ano ang balak mo ngayon Ricardo?"

"Sana po tulungan ninyo ako. Kayong lahat. Ipagtatapat ko na mamayang gabi kay Maya yung pagmamahal ko sakanya."

"Anong gusto mong gawin namin Ricardo?"

"Lahat po tayo magtutulong-tulong. Gusto ko po sanang magkaroon kami ng date dito sa bahay, yung romantic date. Lagyan ninyo na din po ng videoke kasi yun ang paborito ni Maya."

"Sigurado ka na ba talaga dito Ricardo?"

"Di na po ako aatras Manang. Handa na po ako." 

Sir Chief and Maya: Ang PanliligawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon