6

28 0 0
                                    

Bella's POV

After ng pag-uusap namin nila Thea at Jolina sa loob ng room namin ay lumabas na kami para makapag usap usap na din kami kasama ang mga ate.

"Bella, nakaayos na kayo ng mga gamit niyo?" tanong sa akin ni Ate Duke.

"Yes ate, medyo natagalan nga eh" sabi ko.

"O sige, umupo na kayo sa sala, magluluto na muna kami"

"Kailangan niyo ng tulong ate?" tanong ko.

"Hay naku, please wag naman pati ikaw. Si Jolina nga sinasabihan namin na wag na tumulong eh." sabi niya.

"Kahit maghiwa hiwa lang Ate Duke, okay lang naman sa akin."

"Hay naku kayo na nga bahala. Nandoon sila sa kusina, nandoon din si Tin at Des."

Tatawagin ko sana si Thea ngunit nakita ko na may kausap ito kaya hindi ko na siya inistorbo pa.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko sila na naghahanda na para magluto.

"O Bella, may kailangan ka?" tanong ni Ate Tin sa akin.

" May matutulong ba ako Ate? Gusto ko kasi tumulong."

" Hay naku, sige na tumulong ka na magprepare dito alam ko naman na kukulitin mo lang kami kahit maghindi kami.." sabi ni Ate Des na napapailing pa.

Magluluto pala sila ng kare-kare kaya pala ang daming gulay na nasa mesa.

Tinignan ko naman si Jolina na siyang tumitingin sa karne kung luto na ba ito.

"Bella, sikat na sikat ka nung High School ha. Isa ka sa mga priced recruit, ilang UAAP School ang kumuha sayo?" tanong ni Ate Des out of curiosity.

"Pito po Ate Des, pero gusto ko po talaga na dito mag aral at maglaro." sagot ko.

"Wow, bakit nga ba La Salle?"

"Idol ko po kasi si Ate Ara." sagot ko..

"O, parehas kayo ni Jolina! Idol niya din si Ara."

Nagtama ang paningin namin ni Jolina ng sabihin yun ni Ate Tin.

I don't know but I find it awkward staring at her eyes for a long time kaya ako na ang kusang umiwas.

"Grabe talaga impact ni Ate Ara nuh, kahit graduate na siya sa UAAP at nagpopro na, dami niya pa din fans especially athletes." sabi ni Des and I nodded.

"Ikaw Jolina? Ilang UAAP School ang kumuha sayo?" tanong ni Ate Tin.

"Si Coach Ramil lang po ang kumuha sa akin" sagot niya na ikinagulat ko.

"Seryoso ka?" napatanong ako ng pasigaw.

Nagulat ata siya dahil medyo nanlaki mata niya.

"Ay sorry" I say.

Napatawa naman siya ng mahina dahil dun, ako at naman ang ibang kasama ko ay natigilan.

This is the first time that she laughs kahit mahina lang.

"Si Coach Ramil lang po talaga ang nagpursige na kunin ako. And I always want to study here." sagot niya.

" Alam niyo, ang swerte namin kasi pinili niyo na maglaro for La Salle. Ang lakas niyo pareho at may igagaling pa kayo dahil under na kayo ngayon kay Coach Ramil." sabi ni Ate Tin.

Tapos na kami sa paghihiwa ng gulay ng dumating si Ate Duke dahil pinapatawag daw ang mga seniors ni Coach Ramil, tungkol ata sa naging meeting nila with the board.

Naiwan kaming dalawa ni Jolina sa kusina..

"Marunong ka bang magluto ng kare-kare?" tanong ko sa kanya dahil hindi talaga ako maalam.

KALEIDOSCOPE LOVE 🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon