A/n: Lahat po ng narito ay kathang isip lamang at likha ng makulit na imahinasyon ko. Thank you for voting. Follow and vote guys :)
The Billionaire's Assistant
***************
NAGMAMADALING tumakbo ng batang si Monique galing sa eskwelahan
Huling araw na ng pasukan at hindi na siya makapaghintay na ipakita sa kaniyang ina ang kaniyang mga ribbon at sertipiko sa kaniyang ina at kaniyang ate Maria na ngayon ay nagbebenta sa palengke
Dumaan siya sa maputik at maraming tao na kalsada,Kabilaan ang mga paninda ,may mga panindang isda,gulay, mga laruang pambata at mga gamit sa bahay
"Nay!ate!" siga nito habang pilit na nakikisingit sa dami ng tao sa harapan niya
at sa wakas,Nakuha niya na rin ang atensyon ng ate niya
"Monique?" bulong ng kaniyang ate
"Ate may papakita ako sayo!" masiglang bungad sa kaniya nito
"ah oo sandali---ay suki' ilang kilo po?'' tanong nito sa kaniyang mamimili
nasimangot nalang ang batang si Monique
busy nanaman si ate' sa kaniyang isip kaya nagpasya nalang siyang umuwi
'Hay... pasensya na Monique,Mamaya nalang sa bahay,maraming ginagawa ang ate' isip ng dalaga ng makita niyang tumalikod ang kapatid at naglakad ,marahil ay uuwi na sa kanilang bahay
"Hoy Maria Ignacia Castillo! andami mong kwarta ngayon ha?Baka pwedeng maka utang naman jan girl!" bati sa kaniya ng kababatang kaibigang si Marcela habang nagbibilang siya ng kaniyang kita sa araw
Binigyan tingin niya ito at binalik ang atensyon sa pagbibilang ng kita niya
"250-254-360-480-500 plus 550! hayy...." bumuntong hiningang malalim at dalaga
"Huy! pautang sabe!ito.... tss ... damot!" sabi pa ng kababata niya at tinabihan siya.
"Wala akong pera Marcela,kulang pa nga ito pang bayad sa bahay,tubig,kuryente,baon ni Monique at -----
HOY MAGNANAKAW!"
Isang lalaking nakatakip ang buong mukha at biglang dumaan at itinakbo ang mga perang kanina ay binibilang niya at ngayon ay wala na! tinangay na ng lalaking iyon!
Sunod-sunod na may mga lalaking naka itim ang tumakbo at hinabol ang lalaking magnanakaw.
Tumaas ang balahibo ni Maria at dugo niya sa buong katawan niya papunta sa ulo niya,Nanlaki ang mga mata niya at para bang nakita si Medussa at nabato na sa kinalulugaran ng kaniyang mga paa.
"Magnanakaw!!!" saka lang lumapag ang lutang niyang isip saka niya naisip ang pangyayari.
NANGINGINIG at luhaan ang ibinugad ni Maria pagpasok niya sa kanilang bahay,Naroon ang kapatid niyang si Monique at Naynay Lita na naka-upo sa kama nila habang kumakain ng cup noodles soup.
Iniikot niya ang mga mata at tinignan ang buong bahay,
Diyos ko,paano ko sasabihin sa kanilang nanakaw sakin ang lahat ng kita ko ngayong araw?Paano ko mababayaran ang renta?Baka palayasin na nila kami dahil tatlong buwan na kaming hindi nakakabayad?
"oh anak,nari'yan ka na pala" tawag sa kaniya ng kaniyang ina
Palihim niyang pinunasan ang mga luha at tinignan ang naynay at kapatid niya.
"n-nay" nanginginig na boses niyang tawag rito
"Oh?gutom ka na ba? heto at nagtira kami ni Monique saiyo,alam kong gutom ka na,,. ano,malaki ba ang kita ngayong araw? makakabayad na ba tayo?" tanong ng kaniyang naynay habang nakangiti
"n-nay k-kasi po-----"
Hindi na naituloy pa ni Maria ang kaniyang sasabihin ng may sumigaw mula sa kaniyang likuran.
"SUNOOOG!! MGA KAPITBAHAY MAY SUNNNOOOOG!!"
Bigla nanaman huminto ang oras at hindi nanaman siya nakagalaw kaagad.
"Jusko!Monique halika at buhatin ang birhen!" nagmamadaling tumayo ang dalawa.
"o-opo!opo!" pagkatapos ay dali-daling kinuha ni Monique ang mga medalya niya at seryipiko
Kanina nanakawan ako,ngayon ay sunog? bangungot ba ito?
"Maria! ano pang ginagawa mo? magbalot-balot ka na ng gamit mo!" sigaw ng Naynay Lita sa kaniya ,sa wakas at nagising na siya at nakipagunahan mag hakot ng gamit
MAKAPAL na ang usok at mainit na ang paligid ngunit tuloy paren sa paglikas ng kaniya-kaniya nilang mga gamit,mga residente ay nagtutulungan na sugpuin ang apoy ngunit ilang mga bahay ay tuluyan ng nilamon ng apoy, . ang iba ay nagpupumilit na pumasok pa,pero hindi na sila pinayagan pa... Makitid ang mga eskinita papunta sa kanilang lokasyon kaya naman nahirapan ang mga bumbero makalapit ruon,iilan na lamang ang mga nakatayong bahay at marami ang mas natupok ng apoy,isa na ang bahay nila Maria.
"ATE saan na tayo titira"
"Ate saan na tayo ngayon"
"wala na tayong bahay"
Wala sa sariling tanong ni Monique habang pinagmasdan ang mga kapitbahay nila na kasama nila ngayon sa Candaba Elementary School na ngayon ay evacuation muna nila PANSAMANTALA.
Humingang malalim nanaman ang dalaga at tila ba hindi paren makapaniwala sa sunod-sunod na dagok ng kanilang pamilya sa isang araw lamang.
"Paano na" sunod pang sabi ni Monique at naluluha na
Tahimik na nagiisip ang dalaga,Napaka rami niyang iniisip ,.
at lahat ng iyon ay Problema.
Tinawag na ang mga residente at pinapila upang mabigyan ng pansamantalang pantawid gutom,mga damit at kumot.
Habang sila ay kumakain,lahat ay nagulat ng may matining na bagay silang narinig at kasunod ng
"Eheme ehem,Sound check, sound check,testing testing"
Lahat ay tumingin sa gawing pinanggalingan ng tunod,Duon sa maliit na entablado sa dulo .. naningkit pa ang kaniyang mga mata para tingnan kung sino ang nagsasalita.
'Aba ang baranggay Kupal pala! ang kupal talaga!' isip niya rito,Kurakot kasi eto at mukhang pera!
"Mga kabaranggay ko,kapamilya,kapatid,at kapuso.. narito po ako para kamustahin ang lagay ninyong lahat" panimula nito
"Wala na kaming bahay!"
"Wala kaming naisalba!"
"Ang mga alaga kong manok ay naiwan! ano pang ikabubuhay ng pamilya ko?!"
"kapten! Pahinge naman kami ng kaunting tulong!"
sunod-sunod na sagot ng mga residente
napahawak na lamang sa sintido si Maria
'as if may mapala kayo jan!' isip nito
"mga kasama.,.. wala akong maitutulong sa inyo,..ngunit may kilala akong susuporta sa atin!'' masigla nitong sabi at nasundan pa ng sigawang SINO!!
'Mga uto-uto,hindi na nagtanda!'isip pa nito
"Sino raw anak?hindi ko marinig at lumapit ka ruon!" sabi ni naynay lita at kahit. labag sa kaniyang loob,sinunud niya
"Si hakdlajhahskskzbsu"
sa sobrang lakas ng tilian at palakpakan ay hindi na niya narinig kung sino
Tinanong niya ang mga katabi niya ngunit hindi siya pinansin at nagpapalakpak lang.
Sino ba kasi yun?!
****
To myself 💓Stress reliever talaga,
the hard part is paano ideliver pero go go go lang. 😊Playing with the Billionaire to Thr Billionaire's Assistant.
Same Plot, same names :)
Please support! Love lots
Follow. vote. Comment. Be safe ;-)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Assistant
RomanceThe Billionaire's Assistant Pinaglaruan o sadyang planado ang lahat? Sino ba ang mag papanggap? At sino ang magpapalaya?