p7

1K 27 0
                                    


"Sinisimulan na namin ang pag giba sa mga bahay ng eskwater na nakatayo pa" Ani ng kausap sa telepono

"Hmm Ganon ba... aasahan ko yan kumpare, malaki laki rin ang lupain ng mga eskwater na yan. Sa tingin ko nga ay hindi sapat na isang MM lang ang itayo riyan. Nag iisip pa ako ng pwedeng proyekto" pagmamalaki ng matandang si Don Lucio

"Maganda sana kung may maitayo rin riyan na.. ahh alam mo na, madali lang naman yan pag usapan hahaha"

"Hahaha oo kumpare, yan mga ganyan bagay e hindi na pinatatagal ang usapan na ganyan... sige kumpare, at marami pa akong aasikasuhin" ani ng matanda

"Sige kumpare, aasahan ko yan pinag usapan natin hahaha" sagot ng nasa kabilang linya.

'mukang may malaking proyektong binabalak nanaman si papa' napangisi ang dalaga sa naisip habang pinag mamasdan ang ama niyang si Don Lucio Montenegro na nakaupo sa sofa ng kaniyang opisina.

Binaba na ng matanda ang telepono napailing at napabuga ng hangin ang matanda.

Tumingin ang Dalagang si Lady Santillan sa ama at naramdaman naman ng matanda na gusto nitong magtanong.

"Ang mga Navarro na yan...." mahinahon nitong sinabi pagkatapos ay sumandal at hinilot hilot ang ulo.

Naningkit ang mata ni Lady sa narinig at nag focus lang sa bibig ng matanda.

"Napaka gandang ka sosyo talaga ng mga Navarro, iyan ang gusto ko madaling kausap." Napabuntong hinga muli ang matanda at napa sandal sa upuan niya.

'Napaka buti talaga ng papa', palakaibigan, hindi niya kami pinababayaan mga anak niya.... hindi kasi siya kilala ng iba ng lubos.' Aniya Lady Santi

Ipinikit ni Don Lucio ang kanyang mata at humingang malalim. Nayuyukot ang kanyang noo at napapa iling. Naiyukom niya ang kamao at napakagat labi

"Ikuha mo ako ng kape"

Binasa ni Santi ang sinabi nito at naintindihan.. nagmamadaling tumayo at gumawa sa coffee maker.

Kailangan sumunod sa sayaw si Miguel sa akin... Hindi ka pwede maging hadlang sa mga plano ko'

Binuksan ni Don Lucio ang kahoy niyang drawer at kinuha ang nasa pinaka ilalim na transparent envelope.

Tinignan niya ang mga documento at sinuri suri pa. Lalong nag sidhi ang kanyang intensyon. Kailangan niyang paigtingin ang relasyon ng pamilya niya sa mga Navarro.

Pagkagawa ng kape ay nilapag agad ni Lady sa lamesa.

Muling tinignan ni Don Lucio ang dokumento bago pinasok sa envelope at nilapag sa lamesa. Ngumiti siya sa anak na babae at tumingin sa kape.

Humigop ng mainit na kape ang matanda at binuksan muli ang drawer para ilagay sa pinaka ilalim ang dokumento.

"Mauna ka na sa Mansion, Santi"

Humingang malalim ang dalaga bilang 'ayaw' na tugon nito sa ama.

"Walang mangyayari saakin masama, Santi. Kargado ako ng Diyos." Mahinahon nitong sambit at humigop pa muli sa kape.

Yumuko ang dalaga at tumalikod para umuwi sa kanila.

Muling humigop ng kape ang matanda at tinawag si Talos, ang kaniyang kanang kamay.

"bakit po boss?"

Sumandal ang matanda sa upuan at humarap sa bintana..
"Pakisundan ang anak ko, huwag niyo ipahalata na sinusundan niyo siya... siguraduhin niyong ligtas siyang makakarating ng Mansion"

"Yes boss" tugon naman ng mga guwarja at umalis na kaagad.

Naiwan mag isa si Don Lucio sa kaniyang kwarto habang nag lilinay linay ng kaniyang mga gagawin.

*********

Ignacia

"bilangin mo yan Inja ha, eksakto yan P 6,000.00. Bilangin mo kuya ng maigi ha baka naman magkaproblema pag alis mo eh" ani ni Ignacia kay Injano na pumunta sa bahay nila para singilin ang utang niya.

"5,400... 5,600... 6...oke oke nabilang ko na three times... o sige aalis na ako" ngiti pa nito at lagay sa sling bag na naka paikot sa kaniyang katawan.

Binuhay ni Inja ang makina at nag labas ng itim na usok sa tambutso.
"Sige Inja, sige sige" ani pa ni Ignacia. Paatras na naglakad papasok ng bahay nila si Ignacia habang tinatanaw ang likuran ng motor.

Pag pasok ng bahay ay sinara ni Ignacia ang pinto at pinag dikit ang dalawang palad.

Lord thank you!

"Ate, ano.. umalis na ba?" Natuwa naman si Ignacia sa itsura ng kapatid na si Monique at nagmamadaling mag sintas ng kaniyang sapatos.

"Oo umalis na siya :) , si nanay ayos na rin ba?" Hinawi ni Ignacia ang kurtina papasok ng kwarto nila at tumambad sa kaniya ang nanay niyang nagsusuklay sa tapat ng salamin...

Perstaym kasi nila na pupunta ng mall para kumain, hindi na sana matutuloy itong pagpunta pero  sadyang magaling si Ignacia sa pagpipilit ng mga bagay kaya naman wala ng nagawa ang nanay niya kundi sumama na rin ito.

*****************
flashbacks

"Nay may pambayad na ako..." magiliw na balita niya sa nanay niya nang abutan niya itong nag wawalis ng sahig.

Napahawak sa balakang ang kaniyang nanay at tumayo ng diretso
"Akin na yan nay, akin na.. nay naman bakit naman kasi patayo tayo ka at nag wawalis pa...si Monique ng magwawalis.. Nik.... nik... tulungan mo ang nanay... nik..." tawag nito at inilagay ang walis sa tabi

"Ignacia, tulog pa si Monique.. wag mo gisingin at mahimbing ang tulog non...saka akin na nga iyan, napaka alikabok ng bahay, baka tayo magkasakit niyan."

"nay, may balita pa ako sayo nay, pero upo muna tayo.." excited nitong sabi.

Nang maupo sila sa sofa ay pumasok naman ng kwarto si Ignacia at lumabas agad.

Tumabi siya sa nanay niya at kinuha ang kamay. Inilagay niya ang kwintas sa palad ng nanay at ngumiti.

"Bakit mo ibinabalik sa akin to? Iyo na 'to anak. Sayo na yan" at binalik din ng nanay niya ang kwintas sa palad niya.

"Nay, may trabaho na ako, etong kwintas na to.. itago niyo yan..hindi po natin ibebenta yan dahil may trabaho na ako at espesyal yan. Bigay sayo yan." Imbis na matuwa ang nanay niya ay binigay ulit sa kaniya ng nanay niya ang kwintas.

"Maria Ignacia Castillo. Iyo na 'to.. regalo ko na iyan sayo."

"HAYY nanay.. ang kulit mo naman nay eh, o sige sige itatago ko na, o isusuot ko pa oh, o nay oh... hmmp.."

Tumalikod si Ignacia sa nanay niya para maisuot na niya ang kwintas, nanay niya ang nag lusot sa kaniya at nang maayos ng nailock ay humarap si Ignacia sa nanay niya.

"Nay, salamat ha..."

Hinaplos haplos gamit ng kamay ng nanay niya ang buhok niya at niyakap.

"Dahil jan nay, mag m-mall tayo, dali nay maligo ka na at gigisingin ko na si Monique para makapag bonding naman tayo"

"Nak, mall? Baka naman maubos yung pera mo agad" pag aalangan ng nanay

"Nay, akong bahala.. hindi na tayo mawawalan ng pera. Mag sisipag ako sa work ko"

Natayo ang nanay ni Ignacia at kinuha ulit ang walis.

"Ehh, gastos lang iyan anak, ibili mo nalang yaan ng mga gamit ni Monique.. isa pa matanda na ako para sa mga lakad lakad. Mas gusto ko dito ako sa bahay, kayo nalang anak ni Monique."

"Nay, kapag hindi ka sumama ibabalik ko ulit sayo tong kwintas sige ka..gusto ko nga nay na sama sama tayong pamilya e, minsan lang to"

Napahawak sa likuran ang nanay ni Ignacia. Kinuha ang tuwalyang nakasabit at naglakad papuntang banyo.

Napa YES! Naman si Ignacia sa isip niya at pinuntahan na si Monique para gisingin.

***********************************

The Billionaire's AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon