Ang Huling Kabanata

19 2 0
                                    

Si Erik ay isang sikat na makata,may fiancee siya at nagsusulat din ito kagaya niya.Kung tutuusin, perfect match talaga silang dalawa.Nakapagsulat na rin sila ng sarili nilang kwento at ongoing pa ito.

Nasa bahay ngayon si Erik at hawak ang kanyang ballpen at notebook.Nagsusulat na naman siya ng susunod na kabanata para sa kanilang istorya.

Nakita siya ni Angeline kaya nilapitan siya nito at umakbay sa kanyang mga balikat.

"Are you done?"malambig na tanong ni Angeline

"Almost"tugon ni Erik

"Sige,alis lang muna ako ha?May pupuntahan lang"paalam nito

Nag-angat ng tingin si Erik sa nobya at nagtaka.

"Sa'n ka pupunta!"

Lumapit ulit si Angeline sa tabi ng nobyo at umupo.Nilaro niya ang kanyang mga daliri at animo'y nag-iisip ng itutugon.

"Ah-auhm-kay Ruffa lang"pagdadahilan nito

"'Di ba wala si Ruffa dito sa Pilipinas?Nasa Amerika siya,Mahal."

Napalabi si Angeline at nag-iwas ng tingin.

"Ah-auhm ano--ang ibig kong sabihin e,kina Mari.Tama."Tumayo na siya dahil baka tanungin siya muli ng nobyo"I'll go ahead na ha?"

Bago pa maka-alis si Angeline ay naabot na ni Erik ang kamay nito dahilan para matigil si Angeline.

"W-what?"utal na tanong niya at kinakabahan.

"Be back"

Nagpakawala ng mahinang tawa si Angeline"Babalik naman ako,Mahal.At sabay nating tatapusin ang kwentong ating sinimulan."

Nagpaalam na si Angeline sa nobyo at agad na tinungo ang condo na tinitirhan ng kaibigan niyang doktor na si Nate.

"Nate, pakiwari ko ay nagtataka na si Erik sa mga kilos ko."may pangambang saad ni Angeline

"Sabihin mo na lang kaya sa kanya ang sakit mo?May karapatan naman siyang malaman ang kalagayan mo,Angeline."naglapag siya ng juice

"Nate,hindi ko pwedeng sabihin ito sa kanya.May mga pangako pa ako sa kanya.Nangako pa ako na sabay naming tatapusin ang nobelang sinusulat namin."

"Angeline,you know promises right? Promises can be happen and sometimes,it will not.Ganu'n talaga sa mundo natin,Angeline.You must admit that you can't be with your fiance forever.Ito na ang huli mong kabanata na kasama siya kaya, before it's too late, aminin mo na."pakikiusap ni Nate.

"Hindi mo ako naiintindihan,Nate.Hindi ikaw ang nasa posisyon ko,Nate!Sa tingin mo ba ngingiti pa si Erik 'pag malaman niyang may sakit ako?"medyo tumaas ang kanyang boses"Hindi Nate,'di ba?Masasaktan siya,Nate at ayaw ko 'yon."

"Angeline,hindi ba't malaking kasalanan ito?Na tinatago mo ang sakit mo sa fiance mo?Kapag nawala ka na sa mundong ito,habang buhay niyang sisisihin ang kanyang sarili.Hindi niya magagawang patawarin ang sarili niya,Angeline.Naiintindihan mo ba ako?"

Tumayo si Angeline at hinablot ang kanyang bag.Naglakad na siya at palabas na siya ng magsalita si Nate.

"One week,Angeline.One week na lang,magpapa-alam ka na.Pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo."pagpapa-alala ni Nate sa kaibigan

Nilingon lang ni Angeline ang kaibigan at tumango.

Habang naglalakad si Angeline ay pinag-iisipan niya rin kung ano nga ba ang nararapat.

Nang makarating siya ng bahay ay wala dito ang nobyo.Hinanap niya ito sa buong bahay pero hindi niya ito makita.

Tinawagan niya ito at hindi rin ito sumasagot.Kaya nag message na lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANGERIK SHORTLIST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon