Immortal Healers

7 1 0
                                    

Hindi nila alam ang kanilang kakayahan, ngunit sa biglaang pangyayari ay kinailangan nilang ilabas ito.

xxx

Teaser

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ng isang babaeng at sinusuntok suntok ang likod ng lalaking bumuhat sakanya.

Ngunit, parang wala lang dito ang ginagawa niya. At dahil sa sobrang pagod ay tumigil na siya.

Tinakpan siya ng panyo na may halong gamot para siya'y mawalan ng malay. At mabilis itong tumalab.

~

"Hoy, bwisit kayo! Bitawan niyo ko!!! Kundi papatayin ko kayo!" Sigaw ng lalaki. Ngunit hindi pa rin siya binitawan ng mga ito.

Sa sobrang kulit niya ay sinuntok siya ng isa sa mga lalaking kumuha sakanya. Sa sobrang sakit ay nawalan siya ng malay.

~

"Ilabas niyo ang kakayahan niyo! Mga imortal na kayo! Hindi pa ba sapat iyon?! Gamutin niyo ang kapatid ko!!!" Sigaw ng hindi kilalang lalaki.

"Gago ka ba? Di namin alam ang sinasabi mo!" Sabi ng lalaking dinukot.

"Ano bang sinasabi mo? Ordinaryong tao lang ako!" Sigaw naman ng babaeng kasama ng lalaking dinukot.

"Mawawala sainyo ang kakayahan niyo kung hindi niyo siya gagamutin!" Sigaw naman ng isang lalaking katabi ng babaeng nagpadukot sakanila.

"Habang buhay kayong imortal, pero mawawala sainyo ang inyong kakayahan." Kalmadong sabi ng isa pang lalaki.

~

"Oo. Meron kang kakayahang maging shadow. Mamaya ko na lang ipapaliwanag."

"Totoo, kaya mong maging invisible. At kailangan mong gawin ito ngayon."

*

Immortal HealersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon