KABANATA 11

420 24 5
                                    

Jamaica’s POV

Sabay na kaming naglakad ni Lucca paakyat ng Isala kung saan nakahimlay ang Papa niya si Mister Lucho Salvatore ang tunay niyang Ama.

Mahangin sa tuktok ng munting bundok ng Isla kitang-kita mula roon ang Resort na ipinundar ng Papa niya. Dinama ko ang malakas at sariwang hangin ng Isla habang si Lucca nakatunghay sa libingan ng kanyang Ama.

"Papa aalis na po muna ako may pasok na po kasi bukas malapit na nga po pala akong  Grumaduate Business Management po ang kinuha kong kurso sabi nga po ni Dad mag-Abogado daw ako gaya niya para wala daw pong aargabyado sa akin iba na daw po kasi ang may alam sa Batas hmmm si Mommy naman po maganda pa din po siya Papa."  tumingin sa akin si Lucca.   "Isasama ko nga po pala si Jai pagluwas ko.". lumuhod si Lucca saka hinagkan ang lapida ng kanyang Ama.   "Mahal kita Papa sana proud po kayo sa kung anong narating ko ngayon."

Ewan pero biglang tumulo ang luha ko napakabuting Anak pala nitong crush ko kahit hindi niya nasilayan man lang ang kanyang Ama eh talagang malaki ang paggalang at pagmamahal niya para dito. Hinayaan ko munang makapag-solo silang mag-ama, minasdan ko ang paligid napakapayapa walang inggay ng mga Sasakyan talagang mga huni lang ng ibon at mga kaluskos ng mga dahon ang maririnig mo bigla ko tuloy naisip kung sakaling kami ni Lucca hanggang sa huli paniguradong dito kami titira at bubuo ng Pamilya sana nga kaming dalawa nga hanggang sa dulo.

"Jai, let's go."  untag na tawag ni Lucca na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Napangiti ako dahil simula sa araw na ito lagi ko ng makikita ang gwapong mukha nito sa paggising ko at bago ako matulog hindi ko na kailangan pang titigan pa ang mga picture niya sa cellphone ko. Lumapit ako kay Lucca saka nito nilahad ang kamay para alalayan akong makababa ng bundok dumeretso kami sa dalampasigan kung saan nakadaong ang Speedboat.

"Kaya mo bang sumampa, Jai?" 

"Medyo pero hindi ako sigurado kung talagang kakayanin ko ngang sumampa diyan."  alanganin kong sagot bahagya kasing nagalaw ang Speedboat medyo tumaas kasi ang tubig Dagat kaya naiangat ang likurang bahagi nito.

Nagulat ako ng bigla ako buhatin ni Lucca bumilis ang tibok ng puso ko lalo ng maamoy ko ang natural niyang amoy  gaya parin ng dati hindi kasi siya mahilig gumamit ng mga pabango naipikit ko ang mga mata ko saka ko nilasap ang nakakahymaling niyang halimuyak.

"Alam mo Jai masmaganda kung kumapit ka sa akin para hindi kita mailaglag sa tubig." 

Napamulat ako bigla at ginawa ang sinabi nito isinabit ko ang mga braso ko sa leeg niya sa pagkakataong ito isinandal ko din sa dibdib niya ang ulo ko ang sarap sa pakiramdam na yakap ko si Lucca muli akong pumikit ramdam ko ang pagtulo ng mga luha ko.

"Mahal kita, Lucca."  bulong ko ewan ko lang kung narinig niya o hindi. Ramdam ko lang na humigpit ng konti ang pagkaka hawak niya sa akin habang buhat niya ako.

Sumampa kami ni Lucca sa Speedboat saka ako nito maingat na inilapag.  "Kapit ka lang Jai baka malaglag ka."

"Okay."  pumuwesto na ako ng upo.

Nilapag nito ang bag ko sa tabi ng bag niya saka nito binuhay ang makina ng  Speedboat at marahang pinaandar.

***

Lexx POV

"Speedboat 'yun diba mga Pare?”  pare-pareho kaming napalingon sa tinukoy ni Arnold.

Lalo lang akong naasar nang makitang si Lucca ang sakay non at may kasama siyang Babae sa pagkakatanda ko 'yon 'yung Babaeng kahalikan niya pansin kong lahat halos ng mga Babaeng nagsa-sunbathing ngayon sa buhanginan eh nasa direksyon niya ang tingin! Kahit na kailan talagang alam ni Lucca kung paano gumawa ng Grand entrance!

"Siya 'yung owner nitong Wanda's Resort diba never thought na he is handsome sobra kaso may kasama naman siyang Girlfriend."  panghihinayang na saad ng isa sa mga Babaeng naka bikini na titig na titig kay Lucca.

May tumapik sa balikat ko.  "Lexx. Hindi ba natin sila lalapitan?"  nakangising tanong ni Brenan.

Sinalubong nang ilang mga tauhan ng Resort si Lucca saka inalalayang makababa ang kasama nitong Babae saka ko lang napansin na maganda at seksi ang kasama niyang Babae kahit pa nakasuot ito ng Jacket malakas ang dating nito. Bakit ba laging si Lucca ang nakakuha ng maraming atensyon at mga Babae pareho lang naman kaming galing sa mayamang Pamilya at gwapo din naman ako pero bakit parang halos lahat ng Babae sa School namin nahuhumaling sa kulot na 'yon!

"Gurls! Si Lucca 'yon diba? Tara lapitan natin!"  kinikilig na aya ni Stefani.

Inantay kong sulyapan ako ni Fatima saka ko siya binigyan ng isang tingin na hindi ako sumasang-ayon sa gusto ng maharot niyang Kaibigan.

Nawala ang ngiti ni Fatima saka niya ako inirapan aba at ang lakas ng loob niyang gawin sa akin 'yon! Akala siguro niya talagang patay na patay ako sa kanya e niligawan ko lang naman siya at naging kami para lang mabaling sa akin ang ibang papuri ng mga kapwa namin Estudyante. Scholar nga siya pero nasa loob naman ang kulo niyakaya hindi ko din siya mahiwalayan dahil sa magaling siya sa kama, gaya ko nagpapanggap rin lang siyang matino at malinis para dagdag puntos at papuri.

Hindi na ako kumibo ng sama-sama silang naglakad palapit sa kinaroroonan ni Lucca. Kursunada ba ni Fatima si Lucca? Ang alam ko galit siya kay Lucca o baka dahil sa Background ni Lucca kaya mukhang naging interesado siya.

Naisuntok ko sa pader ang kanang kamao ko.

"Aaaaaw. Sakit niyan Pare!"  untag ni James. 

"Wala ba kayong napapansin kay Fatima?"

Natahimik sila sabay habol ko ng tingin sa Girlfriend ko.

"Pumayat ba siya? Parang hindi naman eh?"   wala sa hulog na sagot ni George dahilan para batukan ito ni Brenan.  "Aray! ko naman Pare masakit ha!"

"Sasagot ka lang kasi ang layo naman sa tinatanong sayo ng tao. Nakahithit ka ba?"

Himas-himas nito ang tinamaang parte ng ulo.   "Ewan ko sayo Pare ang sakit kaya! Ikaw kayang batukan ko!"

"Tama na nga kayong dalawa diyan ang maganda pang gawin ninyo e mag-ayos na lang nang mga gamit diba mamaya na din tayo aalis."  siniko ako sa tagiliran ni James.   "Sigurado naman ako na merong isa dito na nadiligan."  panunukso nito.

Umiling ako.  "Humanap kasi kayo ng Scholar din para makaranas kayo ng Wild night mga ingetero!"

"Sabagay."  ngumuso si Arnold.  "Napansin ko simula nang dumating tayo dito mukhang nag-iba ata tingin ng chubby mong Girlfriend kay Lucca kapag niluwagan mo 'yan baka paggising mo na lang kinabukasan eh sila na ni Lucca."

"Ah, 'yon ba ang tinutukoy mo kanina? Naku, baka nga kasi kumbaga sa Babae maalindog 'yang si Lucca bukod sa Pamilya sila ng mga Abogado e kitang-kita naman na malakas ang S3x appeal niya pasalamat na lang tayo at hindi siya gaya natin dahil kapag nagkataon siguradong lahat ng girls sa School natin e magiging Babae ng isang 'yan saka Frat Leader si Lucca isa din 'yon sa nakadagdag ng karisma niya balita ko walang inuurungan 'yan."  mahabang saad ni  George.

Minasdan ko si Lucca at ang kasama niyang Babae.   "Ano kaya kung ligawan ko ang Babae niya."

Kanya-kanyang kantiyawan ang mga Kaibigan ko.

"Yan tayo eh! Sige kapag sinagot ka ng Bebot ni Lucca isang linggo kong sagot ang Entrance fee mo sa Demon's Club."  nakangising pusta ni James.

"Okay. Gusto ko 'yan Pare."  sagot ko.

"Deal ha kaso kapag hindi mo napasagot e ako ang ililibre mo ha!"  paglilinaw nito.

"Sure."

ako si... LuccaWhere stories live. Discover now