Kanina, 'yong kabataan ko pa lang 'yon...
Noong di pa ganoon na "me kaya" ang familia namin.
Ngayon, meron na. Nasama na sa news ang pangalan ng mommy ko bilang isa sa mga druglords sa buong bansa! Correct! Isa sa mga nabanggit sa expose ni former president Digong.
Ang galing.
Kaso, di naman ganun kagaling talaga ang mga nag-expose kasi nga hindi naman hinuli, kumbaga, chinismis lang. Saka di naman talaga magagaling lalo na ang mga kapulisan. Kahit sabihin pang "bato" yan, naiboto lang dahil sumikat, parehas lang din ng mga kasamahan niya, at nasa mababang kamara. Karamihan naman sa kanila, mga kilala lang: dahil artista, dahil anak rin ng politiko, at dahil mayaman, no matter how.
Ang mommy ko? Tumakbong meyor. Nanalo. Kahit sabihin pang yumaman sa drugs.
Pero totoo 'yon. Saan naman kukuha ng ikakayaman yon e di naman talaga "businessman" ang daddy ko na napangasawa niya while she was flying all over the world, 'yon ang kwentong naririnig namin pag nag-uusap silang mag-asawa... pano sila nag-meet.
Our dad is like a stooge, utusan. He is indeed a Canadian, pero ewan... mema. Memasabi lang si mama bilang pantakip. More on assist lang ke mommy, need ng pera, magwi withdraw. Need ng magde-deposit, siya inuutusan. Siya rin nakalagay na owner ng building, pero sa mommy ko yong lupa, nabili, katas ng pharma. Hahahahaha!
Okey guys, here's the deal. My mother is really a drug lord.
Ayan, kaya manahimik na kayo.
Noong panahon ni PDut, nag-lielow sila, halos mabaon kami sa utang samantalang an'dami niyang pautang na naririnig ko. Biruin mo, second year pa lang yata ni PDut n'ung madawit ang pangalan niya. E ilang years ba ang term ng presidente? Kaya papuslit-puslit lang sila noon, pahirapan pa, mga takot e. Kasi, tatlo ang tinira na mga tao nina mommy. As in patay! Sa ulo tinamaan yong isa. Yong isa, desaparecido talaga! Balita ko, inilibing nang buhay, kung saan, wala nang nakaalam pa! Nakow, yong isa, naaagnas na sa gitna ng kabukiran bago nahanap, tadtad ng bala ang katawan! Tapos, me mga nakulong din, kaso mga small time lang daw.
Not that our family is all-out dependent on drug sales. 'Kala mo talaga me pharmacy kami... Hehe.
Me paupahang building naman, but rental was not enough. Hindi lang kami nagdildil ng asin, sometimes, we skipped dinner. Buti hindi halata, mga matataba kasi kaming pamilya.
Maraming mga "kaibigan" si mommy na "malalaking" tao, meron sa kapulisan (suppliers niya yata), meron sa kabilang bayan na meyor din... Yong isang dating sumikat, nag lielow na talaga, or stop op yata pero ewan, me mga tao sa baba nila, siguro... mga tao lang ang nagtutuloy, who knew? Di ko naman trabahong magmanman. Ano ako? Pedeya? hehe, pedeya daw. Harharhar! me narinig din ako sa mga 'yan, mga laglag supot... Narinig ko lang din, sabi pa ng mommy ko, "Di na kayo naawa..."
Mommy ko? maaawa? Sabi lang niya 'yon, nakangisi pa. Akala mo talaga, pag nagbihis ang mommy ko, kagalang-galang, panay mga politicians at kapwa niya me-kaya ang mga nakakasama sa mga activities e. Minsan, di ko talaga na rin pinapansin, kaso, maiiwasan ba? E sa kanya kami humuhingi ng allowance, siempre, kung 'asan siya, minsan, hindi maiwasang kailangang puntahan.
Hindi ako ganun ka-privy sa mga ginagawa nila. But sometimes, we can't help but overhear stories. Fill-in the blanks na lang kami, lalo na ako, kasi nga di ba? makwento kasi ako. Nakikita ko rin yong mga merch nila. Merch tawag e.
Di ba? Parang sa Chinese store lang: merchandise.
Ako? Magiging drug lord din kaya ako? Pwede, BS pharmaceutical sciences ang 'pinakuha sakin na kurso. Pero ang strand ko, hums. Di ba? Kahit dun sa senior years ko na lang binawi ang gusto ko. Para daw malegalize na ang negosyo nila... joke ni manang, yong katulong/assistant ni mommy na all-around.
YOU ARE READING
Gangster nga ba?
ActionDamon attended an exclusive secondary school for boys. At nang mag-college na siya, sa isang Catholic university naman siya nakapag-enroll. He auditioned and got accepted to a music group that toured outside the country to join musical contests. Da...