Diwata

1K 15 1
                                    

(Part 1)


May isang dalaga na nakaupo lang sa ilalim ng puno na medyo malapit lang sa kanilang vacation house kung saan nasa probinsya ang kanilang pamilya na

nagbabakasyon lang mula sa Manila para raw ang mga anak nito ay makalanghap ng simoy ng hangin mas lalo na ang dalaga na laging nakakulong sa kwarto nito simula noong nagkaproblema ito sa pag-ibig kaya sinama rin ang kanyang best friend dahil sa kanya lang ito nakikipagusap pero ang best friend nito ay laging nasa kusina


Kasulukuyan nakatulala lang siya sa damuhan halos magdadalawang oras siya na ganun ng may mapansin siya na paa sa damuhan nakatayo mismo sa harap niya pagtingin nito ay isa rin na dalaga na napakaganda at nginitian pa siya nito pakiramdam ng dalaga matutunaw siya sa ngiti nito napansin rin ng dalagang

nakatayo sa harap niya na nakatulala ito sinira niya ang pagkatulala nito sa kanya


"Magandang Araw? May dumi po ba sa mukha ko?" sabi nito sa nakatulalang

dalaga napansin ng nakatulalang dalaga na kinakausap na pala siya nito napatahimik na lang siya at yumuko dahil sa kahihiyan.


"Wag kang mahiya. Uhmm ako pala si Dennise" sabi ulit nito na nakangiti kaya napatingin ulit ang dalaga kay Dennise naisip rin nito na magpakilala din siya


"A-Alyssa" yumuko ulit. Tumabi si Dennise kay Alyssa na hanggang ngayon nakayuko since nahalata ni Dennise na nakatulala lang ito si Alyssa kanina naisip niyang may problema siguro itong taong to kaya siya lumapit rito para matanong kung okay lang ba siya.


"May problema ka ba?" tanong nito kay Alyssa nagulat naman si Alyssa sa natanong nito


"P-paano mo nalaman?" pabalik na tanong kay Dennise "Kasi pansin ko kanina ka pa tulala" sagot niya rito napangiti si Alyssa ng mapait at may luhang pumatak galing sa kanyang mga mata "Patawad! P-patawad!

Di ko sinasadya" natatakot na sabi ni Dennise. Medyo napasmile si Alyssa sa sinabi ni Dennise dahil halata niyang natatakot ito kaya naman ikenwento ni Alyssa ang kanyang problema


"Wag kang matakot ganito talaga ako kapag may problema umiiyak agad" paalam kay Dennise na ngayon kalmado na kaya hinayaan ni Dennise na magkwento si Alyssa


"Di ko alam kung ano gagawin ko kapag wala siya.. Siya pa lang ang nagpapasaya ng puso ko.. Siya ang una kong minahal.. Siya na rin ang pinapangarap ko pero sinira niya rin yun lahat. Pinalit niya ako sa babaeng karibal ko pa simula pa lang noong bata pa kami nahuli ko silang naghahalikan sa tapat pa ng bahay ko ang sakit nun diba?" tanong nito kay Dennise habang umiiyak na ng tuluyan


"Anong pangalan niya? Kung maaari ko lang malaman?" inosenteng tanong kay Alyssa


"Shiela" tipid na pagkasagot nito kay Dennise nagulat si Dennise sa narinig niya dahil babae pala ang iniibig ni Alyssa kasi ngayon pa lang siya nakarinig ng ganoon kaya di naitago ang kanyang pagkagulat nakita niya rin

ang pagkagulat ni Dennise


"Okay lang kung magulat ka ganun talaga kung magmahal ka walang pinipili yan mapababae o mapalalaki man kayo, maliit o matangkad, mataba o mapayat, maitim o maputi, may sakit o wala, at mas lalo ng mapaiba ka man sa tingin nila pagmamahalan pa rin ang pinipili" paliwanag niya sa nagulat na dalaga napasmile na lamang si Dennise sa sinabi ni Alyssa dahil tama ito wala talagang pinipili ang pagmamahal basta ka na lang tatamaan nito

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Shall We SinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon