Zhianna Celestiana Terra/ Zhian
"May limang section ang Academy. Ang Beginner's Section ay para sa mga pinakamahihina, mga hindi pa alam anong klase ng mana ang meron sila. Ang Basic Section ay para naman sa mga mahihina ang nailalabas na mana. Ang Intermediate Section ay para sa mga estudyanteng may malakas na nailalabas na mana. Nasa Advanced Section naman ang mga royalties dahil malalakas ang mga mana na nailalabas nila. Lastly ay ang Premier Section kung saan ang pinakamalakas, sa ngayon ay si President at ang tatlo niyang knight lang ang student doon" Pagku-kwento ni Myra habang nasa Cafeteria kami. Gutom na ko eh.
"May kanya kanyang privilege bawat section gaya ng pagkain dito sa Cafeteria. Mas mataas ang section mo mas madami at mamahalin ang pagkain mo. Pagdating naman sa dorm mas mataas ang section mo mas maganda ang dorm mo. Nakatira sa isang bahay ang mga royalties pero nasa mansiyon ang premier students" Akala ko talaga tahimik itong si Miro pero madaldal din eh.
Uminom ng juice si Myra bago magsalita ulit. " Ang mga nasa Beginner's Section at Basic Section ay nasa iisang building, needs ng may ka-dorm mate dito. Ang Intermediate Section ay nasa kabilang building at may tig-iisa silang room. Unfair man tignan pero ginawa daw nila yun para ma-challenge ang bawat estudyante na mag grow"
"Paano ka mapupunta sa mas mataas na section?" Tsaka ko lang siya tinignan pagka-ubos ko ng sandwich. Nakikinig naman ako sa kaniya pero nasa pagkain ang attention ko.
"Every five months may ginaganap na Ranking Battle kung saan maaaring malipat sa mas mataas na section ang isang student depende sa makikitang improvement nito" Sagot ni Miro na tapos na din pala kumain sa dami ng sinabi ng kambal niya.
"Kahit na anong gawin ng section ninyo ay hindi kayo magle-level up"
Tinignan ko ang isa nanamang papansin na sumisingit sa usapan ng iba. Pfttt.... Mukha silang Powerpuff Girls. Really? Bakit ganito mga damit nila? Yung nagsalita naka-all red, yung nasa left niya naka-all blue then naka-all green yung nasa right ampt.
Nakita ko pa ang pagkusilap ni Miro. Sabi na eh bading ang isang toh.
"Lalo na ang isang Prinsesa na desperadang naghahabol sa isang Prinsipe" Dugtong ni color blue. Sila yung naiingit kay Celestiana kaya nila binu-bully. Hindi nila matanggap na isa itong Prinsesa.
Nang walang pumansin sa kanila ay dinabog nila ang lamesa na nakakuha ng attention ng ibang students. Tss...
Tumayo ako at balak sanang umalis pero humarang sila sa daan ko. Narinig ko ang agarang pagtayo ni Evren pero sinenyasan ko siyang manatili sa pwesto niya kaya inaantok siyang bumalik sa pagtulog. Oo, tulog yan kanina.
"Tatakasan mo kami? Bakit? Ahhh... Hahaha mahina ka nga pala kaya hindi mo kami kaya" Ngimisi pa siya na nang-aasar.
"Be careful. I am still the only Princess of Terra Kingdom. Anong laban ng isang anak ng nobleman sa isang Prinsesa?"
Nakita ko ang pagkawala ng ngisi niya. "Abat-"
"Do you want to see hell?" Ngumisi ako na kina-atras nilang tatlo.
"H-hindi pa tayo tapos!"
Tinignan ko sila Myra na agad tumayo para ihatid na kami sa mga dorm namin.
"Buti nga sa kanila. Lakas ng loob nila eh nasa Basic Section lang naman sila" napapa-iling na sabi ni Myra
"Sinabi mo pa sis, kaloka!" Ayan, lumabas na ang pagiging bading ni Miro.
Huminto kami sa isang building na may apat na palapag.
"Ang tatlong palapag ay para sa mga nasa Basic Section at ang ika-apat ay para sa mga nasa Beginner's Section. Konti lang din naman tayong nasa Beginner's Section eh. Ang right wing ay para sa girls, ang left wing naman ay para sa boys"
Pumasok kami sa loob. Humiwalay na samin sina Evren dahil bawal ang boys sa right wing and vice versa. Sa room 4C ang nakalagay na dorm room ko.
"Nga pala, ako ang ka-room mate mo at Mayor ng Section natin. Nasabi na sakin na nawalan ka ng memorya. Madalas kang wala noon at hindi tayo masyadong nag-uusap. Kaya pasensya na kung wala akong masyadong maitutulong sayo para maibalik ang mga ala-ala mo"
"Ok lang, salamat" Alam ko namang sincere siya.
Pumasok kami sa loob ng kwarto at tinuro niya yung kamang may puting bedsheet. "Yan ang kama mo, cabinet mo yung nasa tabi"
Tumango ako at lumapit doon para buksan ang cabinet pero puro din malalaswang damit, ampt.
"Nagtataka ka ba bakit nandito ka? Lakas ang basehan sa school na ito at hindi status sa buhay kaya kahit isa kang royalty ay dito ka napunta. Sige maiwan na muna kita para makapagpahinga ka ng maayos. Bukas ko na lamang ipapaliwanag ang ibang mga kailangan mo pang malaman. Nandiyan din sa cabinet ang bago mong uniform" Napansin niya siguro na inaantok na ako.
Iniwan niya ako pagkatapos. Malawak naman dito kahit papaano. May banyo at kitchen na din. Matapos ko libutin ang kwarto ay natulog na ako, napagod ako sa naging biyahe namin.
Gabi na ng magising ako. Dahan dahan akong bumangon para hindi ko magising si Myra. Kumuha ako ng shawl sa closet ko para makapaglakad lakad sa labas. Habang naglalakad pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Dhara. Paanong maililigtas ang mundong ito kapag buhay ako?
Hindi ko na namalayan na nakarating ako sa lawa kung saan nagpakalunod si Celestiana. Umupo at sumandal ako sa malapit na malaking puno. Ipinikit ko ang mga mata ko.
"I told you, we will meet again"
Agad akong napatayo sa narinig. Paanong hindi ko siya naramdamang lumapit? Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko siya maaninag.
"Are you scared?" I smirked. Kahit sa Death Cave hindi siya nagpakita.
Narinig ko ang pagtawa niya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay para itong musika na inaakit ako.
"Why would I?" Naririnig ko ang mga yapak niya papalapit
"Then show yourself because if not I will fucking kill you" Seryosong sabi ko habang pinapakiramdaman siya
"Damn! You're turning me on just by saying bad words using your delicious looking lips"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko lang ito naramdaman at ayoko tanggapin.
"What a pervert you are" Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod kaya nagpakawala ako ng isang sipa pero mukhang nailagan niya.
Nagpalitan pa kami ng mga sipa at suntok ng wala man lang natatamaan sa amin pero nagulat na lang ako ng isandal niya ako sa punong sinandalan ko kanina. Ramdam ko ang paghinga niya pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya.
"You improved a lot... And you smell so good milady" Nagpumiglas ako pero hindi ko siya kinakaya. Ngayon lang ako nakatagpo ng taong mas malakas sa akin.
"Fucking let me go asshole" Naiirita kong pananakip sa kakaibang sensasyong nararamdaman ko.
"Stop moving" Nahihirapang bulong niya. Sinubukan kong gumamit ng mahika pero walang lumalabas.
"What did you do you fuck-" Hindi ko natuloy ng bigla niya na lamang akong halikan. The nerve of this guy!
Dahan dahan niyang ginalaw ang labi niya, natulala na lamang ako. Bakit pakiramdam ko nanghihina ako sa bawat paggalaw niya? Hanggang sa hindi ko na namalayan na hinayaan kong makapasok ang dila niya upang makipaglaro sa dila ko.
Sa bawat paghagod ng dila niya ay may kakaibang pakiramdam akong nararamdaman. Naging mapusok at mapaghanap ang paggalaw niya na tinugunan ko ng hindi ko namamalayan.
"Ahh... Hmp" Naitulak ko siya ng lumabas ang ungol na yun mula sa akin. Ramdam ko ang pamumula ko sa sobrang kahihiyan. Bago pa siya makalapit ay nag teleport na ko sa kwarto ko.
Nanghihinang napaupo ako sa kama. Delikadong malapit siya. Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko pero kailangan kong lumayo mula sa kanya.
Someone's POV
Napahawak ako sa mga labi ko. Kay sarap pa rin ng mga labi niya. Ang amoy niya, ang mga hawak niya at ang mga labi niyang hinahanap hanap ko. I fucking miss her. Napangiti na lamang ako ng maalala ko ang hitsura niya kanina.
Kailangan ko munang pakalmahin ang alaga kong kanina pa nagwawala. Nakangisi akong bumalik sa Mansiyon para mag cold shower.
BINABASA MO ANG
Wondrous Mystica (Reincarnated as a Weak Princess)
FantasyA weak and desperate princess of Terrain Kingdom. Princess Zhianna Celestiana Terra. She will do everything to get back the love and attention of the people around her. Which will lead her to her own death and the destruction of the Wondrous Mystica...