Chapter : 4

79 11 0
                                    

Chapter 4

Huminga ako ng malalim at nilapag ang mechanical pen. It's already 3:45 in the morning, kakatapos ko lang sa pagawa ng floor plan.

Tumayo ako at kinuha ang phone.

Timing din na tumawag si, Eric.

"Yes?"

"Are you done?"Tanong nito. Mahagashas ang boses na parang bagong gising.

"Yes, how about you? Nakita mo na ba ang sinend kung email...?" Tanong ko.

"Yeah, kanina. You should get enough sleep, Jovi. Alas 3 y media na..." Aniya.

Napangiti ako.

"I'll I'll sleep later... Ikaw din." Saad ko.

"You too wife, love you." Sagot nito.
Agad kung pinatay ang tawag at niyakap ang sarili.

The fvck?!

Hindi pa rin ako sanay?!

Halos araw-araw niya ako sinasabihan ng mga ganito, ngunit tila ba unang beses ko pa itong narinig.

Nilapag ko ang phone sa lamisa kung saan nakalagay ang mga gamit na gagamitin.

Hahaysss

Napatulala nalang ako sa mga kaganapan sa buhay ko this past few days.

The inauguration happened last Month and my mother hired a secretary to help me sa mga bagay bagay. Akala ko noong una is maybe I don't need one but unfortunately, she helps a lot. It makes my life easier.

Pagkatapos kung maghilamos ay dumiretso na ako sa kama.

I checked my phone first bago humiga sa kama. Niyakap ko ang puti at malambot na comforter at huminga ng malalim.

Tomorrow is a very busy day in my life. I'll spend my whole day on site. It's very hot in there. Tirik na tirik pa ang araw.

Eric will also be there. We will discuss this before ipatayo ang mansion. Mrs. Socorin will also be there with her husband.

Hindi ko namalayan na habang nakatulala sa ceiling ay dahan-dahan na tumiklop ang aking mga mata at nahulog sa malalim na tulog.

My phone beeped.

Ramdam ko ang mainit na sinag ng araw. Nang binuka ko ang mata, unang bumungad ang maliwanag at mahangin na silid. Napalingon ako sa veranda at nakabukas ito.

Antok pa at kalahating gising kung kinapa ang kama at kinuha ang phone.

Rhea Texted.

"Text me if nandito na po kayo ma'am..."

I replied OK.

Tumayo ako at inayos ang higaan. It's now 9:30 am kaya may time pa ako para mag prepare.

Dumiretso ako sa bathroom at naligo ng madalian. Pagkatapos maligo ay nag make up lang ng slight at nag blower ng bohok. Sinuklay ko lang ito at nagbihis na.

I'm wearing a black Gucci shirt at isang itim na pants.

Kumuha nalang din ako ng white na cardigan.

Nag rubber shoe lang din ako at kinuha ang backpack na laman ang kakaylanganin ko sa site.

Lumabas ako ng room at dumiretso pababa.

Nakasalubong ko si Mommy sa staircase at agad napataas ang kilay nito at pinasadahan ng tingin ang sout ko.

Nakangiwi ang mukha nito habang pinagmamasdan ang sout.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpectedly You Where stories live. Discover now