"Pakshyet..... sino nag sumbong kay Niccolo na nakikipag date ako kay Raul" naiiyak na sabi gigi habang himas himas ang pang upo niya, alams na dis tinataniman na naman ni pupper si Gigi.
Tumingin ito sa akin at umakto akong walang alam, si Brie naman ay busy sa anak ni Harold. Buti na lang andito si Lino at Raul at napangiti ako sa sinabi ng dalawa.
"Nadinig ko ang pag-uusap ni Raul at Niccolo na i da-date ka daw nito" turo ni Lino kay Raul habang pakindat-kindat lang si Raul kay Gigi na nangigigil na sa inis sa kanya.
"Bwesit ka RAUL... DAHIL SA GINAWA MO BINAON NA NAMAN NIYA ANG DAKS NIYANG PINAGMAMALAKI AT WALANG SAWANG PINUTUKAN, pero salamat keshe mesherep talaga si Niccolo.. lie well ok" nadesmaya ako sa kagagahan at kaharutan ng baklang 'to.
"Punyeta ka bakla, Kala ko naman papagalitan mo si Raul... magpapasalamat ka lang pala" naiiritang sabi ni Brie kaya nag peace lang ito sa aming lahat at masayang sinasabi ang detalye nang pag lalaro nila ng apoy ni Niccolo.
Napailing na lang ang dalawang lalaki sa kakulitan ni Gigi habang kita ko ang papalapit na si Niccolo na masama ang tingin kay raul. Hinalikan nito sa noo si bakla at yumakap naman si gigi sa kanya at sinabi nitong.
"Asawahin mo na kasi ako para hindi kana paranoid at pagseselosan mo yang si Raul Daks" pang-iinis nito kay niccolo at dinig ko ang pag bulong ni Niccolo sa kanya.
"Gusto mo bang hindi ka na makalakad, isa pang pa-daks daks sa lalaking yan at papagurin talaga kita" naaasar nitong sabi at walang ano-ano'y hinawakan ni Gigi sa harapan namin ang hinaharap ni Niccolo at binantaan sila ni Brie.
"Kong mag lalandian kayo wag dito oo, may bata oh!" Naiinis nitong sabi habang tinatakpan ang mata ng anak ni harold. sabagay bitter 'e bagay naman sila ni Harold pero wala siyang paki daw sa lalaking yun.
"Mama Brie, wala po akong makita tinitignan ko yong ibon nawala tuloy" nakangusong sabi ni Hancell habang tinuturo ang lumipad na ibon galing sa pananiman ng islang 'to.
Nagulat ako sa pag tawag sa kanya ng mama brie ng bata kahit si brie nagulat kaya tinanong ko ang bata kong bakit yun ang tawag niya at bago 'to sumagot ay ngumiti muna ito sa akin.
"Mama brie po tawag ko sa kanya kasi wala na po akong papa tsyaka po gusto kong maging mama si mama brie dahil inaalagaan niya po ako pag kasama ni ninong si daddy sa kabilang bayan ng islang 'to" masayang sabi ng bata at napahawak naman sa dibdib si bakla at na touch ito sa sinabi ng bata.
"Sweet naman ni hancell, dahil diyan gusto mo ba ako makatabing matulog mamaya" tanong nito sa bata at mabilis na tumango ang bata at sinabing.
"Opo naman po, katabi natin si Daddy po ah" hala si bagets may binabalak ata sa daddy niya at kay brie. Pero bagay naman talaga sila, si Brie Chinitong bakla na namana niya ang mata niya kay tito xyriel at ang kutis niya ay namana niya kay tito bryth, ang twin brother nito ay kamukha ni tito bryth, oo.. kambal sila ni Bryanth pero hindi sila mag kamukha.
(Xyriel's PoV)
"May balita na ba Hon sa bunso natin" maluha luha kong tanong sa asawa kong si Bryth, habang inaalalayan ako ng kakambal ng bunso kong anak na si Bryanth.
"Hon, wala pa.. pero yong yatch na gamit nila ay nahanap na ngunit ang katawan ng anak natin ay hindi pa nahahanap. Sinabi sa akin ni officer dela vega ngayon lang" nanghina ang tuhod ko sa sinabi ng asawa ko
"Mimi, magpakatatag ka... palaban si Brie 'yon basta basta mamamatay mas marami ang buhay 'non kesa sa pusa" seryosong sabi ni bryanth at napangiti ako kasi totoo lahat ng sinabi ni bryanth.
Noong pinapanganak ko sila ay akala ng doctor na patay na ang bunso kong anak but segundo lang ay umiyak ito na ikina tuwa ng puso ko bilang baklang ina.
"Uwi ka na bunso, miss kana ni mimi" bulong ko habang naka tingin sa garden ng bahay namin.
"Tito" tinignan ko kong sino ang tumawag, ang panganay na anak ni kuya miguel, si Aries. His 25 now and never had a girlfriend daw. Priority niya ang lima niyang kapatid at magulang.
Oo, mula noong kinasal si Kuya kay Moi ay nagkaroon sila ng anak, 4years ang gap ng pangalawa nilang anak kay Aries at ang 4plits naman ay isang taon ang tanda sa kay aries.
Ang kambal kong anak at si Aries ay 1year ang gap, si Bryanth ay babaero habang itong si Aries ay walang hilig sa bar at party, mas gusto niya ang mag trabaho at kumita. Si brie naman ay isang achiever din, si Bryanth ang may hawak ng kumpanya ngayon ni Bryth dahil ayaw ni Brie humawak sa kompanya. Super close ni Brie kay aries at sa kakambal ni brie na si bryanth kahit palaging nag-aasaran.
Wala akong balita kay Xeiford, kuya martin. Pero si kuya manuel ay matagal ng kasal kay Colette at may dose silang anak, buti kinaya ng matres ni colette ang kahiligan ni kuya manuel.
"Pamangkin, salamat sa pag bisita" lumapit ito sa akin at nag mano.
(Seb PoV)
"Ka-ka kilala pa lang sa isa't-isa parang walang bukas ang paglalandian nila" nag-iinit na talaga ulo ko, bakit kasi may pa himas sa pisngi ang ginawa ni lito kay Roselle, may relasyon na ba sila? F*ck no!!!... ughhh!!! Na fu-frustrate na ako. Ano ba nangyayari sa akin bakit ako nagkaka ganito
"Fafa Seb, kong bet mo kaibigan ko sungaban mo na. Sige ka ba mamaya unahan ka ni fafa lito" nagulat ako sa pag sulpot ni gigi at sa sinabi niya. Bakit ko naman susunggaban 'e wala naman ako nararamdaman kay Rose.
"Wala akong gusto kay Rose" mas lalo akong inasar nito at ikinalaki ng mata ko ang sinabi niya.
"Asos, alam mo bang sa lahat ng lalaki dito sa islang 'to sa 'yo pa yan humahanga" totoo ba pinagsasabi nito, lapastangan na damdamin!!! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko sa sinabi ni gigi, may pagtingin sa akin si Rose? Lalaki ako hindi pwede.
*Hindi nga ba pwede?*
NEXT UPDATE.. JUNE 30, 2023
YOU ARE READING
DADDIE's ISLAND Series 01: Sebastian Rivera (BL NOVEL) [Non-Incest]
General FictionCollaboration with totskievon ******* Series 01: Sebastian Rivera×Roselle Austria Are you willing to be Trapped on DADDIE's ISLAND? . STARTED: AUGUST 01, 2022 TIME: 7:10 PM ENDED: SOON TIME: SOON ****