Chapter 4

12 2 0
                                    

This thing called "Feelings"


Chapter 4

Badtrip na Badtrip si Kleio ng umupo sa upuan niya. Tinitigan lang siya ng bestfriend niyang si Zenia.

"What's with the face?" Tanong nito sa kanya habang nasa likod niya ito. Alam niyang wala siyang maitatago dito. Dahil kagabi lang ay nasa bahay nila ang mga magulang ni Zenia. Syempre dahil magbestfriend ang mga magulang nila naikwento na ng mama niya ang scenario nila kahapon. And she hate it when she make Zenia involve with it. She forgot that her tita Lily were her mother's besfriend.

"Best, there is something happening to me, I'll tell you later." Tumango lang ang dalaga. Ilang minuto din silang tumahimik ng si Zenia narin ang unang nagsalita.

"Kleio, Do you know that we will meet our new professor now." Napapoker face nalang siya sa kaibigan. Alam naman kase nitong hindi nga siya okay sa ideyang may bago silang professor.

"And... According to what I've heard sa mga chismisan nina Myralyn at Nina na yung bago nating prof. ay isang walking Adonis." Kinikilig pa nitong sabi. Hindi siya makapaniwala sa reaksyon nito. Ang pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng kaibigan. Maka sir Fel kase siya. Gusto niyang pingutin ang nagdday-dream na kaibigan pero napansin niya na nagsisipasukan na ang mga classmate nila.

"Andiyan na yung bago nating prof. Ang gwapo talaga niya." Kinikilig na saad ng seatmate niyang si Myralyn. Kaibigan din niya ito. Pero kase sa kanilang magkakaibigan, ito ang pinakamahilig sa crush-love thingy. Napaayos siya ng upo. Pero dahil wala nga sa kanya ang "curiousity" pinaikot-ikot nalang niya ang ballpen na nakalapag sa desk niya.

"Ano ba yan. Ang tagal tagal." Nang biglang nahulog ang nilalaro niyang ballpen. Dinampot niya ito. Pero dahil sa layo nito sa upuan niya ay pagapang pa niya itong pilit kinukuha. Hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya ang bagong professor. Kaya ng pagtayo niya ay laking gulat niya. Nakatitig ito sa kanya na parang kilala na siya nito. Tumititig ito na parang hindi ito makapaniwala. Napatingin siya sa likod. Baka kase hindi siya ang tinitignan nito pero... Wrong move. Ilang inches nalang ang layo nito sa kanya.

Napatitig nalang siya rito.

"Okay? Anong problema mo?" Isang Katanungan na nabuo sa kaniyang isip.

Hindi makapaniwala si Desmont sa nakita niya. Ang babaeng kahapon ay nasa waiting shed lang ay kaharap niya na. "Oh crap, I'm just joking when I said I want her to be my student." Sa isip isip niya.

Mas maganda ito sa malapitan. He can't even breathe right. He's sinking with the strange feeling.

"What's your name?" walang emosyon niyang sabi dito.

"Kleio Therese Castro po" tugon nito. Halata sa boses nito ang pagtataka. He can't stop staring at her. He can't.

"Sit Down." Walang emosyon niyang sabi.

Ganoon kase siya. Actually everybody think he's a snob. Suplado at cold. But he doesn't even care anyway. Ganoon niya gustong ipakita ang authority niya.

Umupo na ito. Halata dito ang pagka-bored. Nairita siya sa ginawa nito. Hindi ba ito natutuwa at may bago itong prof. kapalit ng...

Oh, I forgot. She likes her Sir Fel to be their professor.

He forgot that she was the girl who went at the office yesterday, and the girl he saw at the waiting shed.

This thing called "Feelings"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon