Big Shot (L♡ve Letter)

23 0 0
                                    

Magulo.
Nakakalito.
Nakakainis.

At higit sa lahat.
Nakaka.

Nakakatuwa kasi sa dinami-dami ng taong pwede mong pagsabihan, pag kwentuhan, pag aksayahan ng oras ako pa talaga yung napili mo.

Alam ko na kaya ako ang pinili mo pagsabihan at sandalan dahil meron kang tiwala na hindi kita bibiguin.

Sa lahat ng bigat na nararamdaman mo sa buhay mo sa isang tao mo lang iyon binagsak. At "Ako" yung sobrang napaka swerteng taong yun.

Hindi man ako kasing tigas ng adobe, kasing tibay ng kawayan, kasing lawak ng karagatan, kasing taas ng mga ulap at kasing lakas mo. Ako pa din yung swerteng tao na yun.

Wag ka magalala. Gaya nung lyrics ng your guardian angel na " I will never let you fall, I'll stand up with you. Forever. I'll be there for you through it all. Even if I saving you Send me in heaven."

Ang ganda ng lyrics na yun. Ang ganda ng meaning ng kanta na yun. Kasing ganda mo. Pero joke lang, baka ang isipin mo bola yan ee.

Nung una. Di kita pinapansin, di kita kinakausap, di kita tinitignan. Lahat ata ng suplado mode nagawa ko sayo nun ee..

Pero dati hindi talaga ako interesado nun sa mga girls. Ang gusto ko lang nung mga panahon na yun ay kaibigan, kabarkada. Yung tipong ganyan.

Pero dumating yung panahon na nag krus yung landas natin, hindi ko maitanggi sa sarili ko.

Gusto kita.

Big ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon