"Tae, Clint, bitaw daw!" pigil ni Jake kay Clint at sapilitang tinanggal ang kamay ko.
Nang makuha ko ang kamay ko, pasimple kong hinawakan ang masakit pero nakita pala 'yon ni Warren kaya kinuha niya kamay ko at tiningnan 'yon.
"You okay?" seryosong tanong niya, tumingin pa kina Jake at Clint, nagiwasan naman ng tingin ang dalawa.
"Yeah, hindi naman masakit." Pero masakit talaga! Ikaw ba naman higpitan ng kapit eh!
"Hala!! Sorry, Reese! Na-overwhelmed lang ako!" sabi ni Clint at susubukan pang hawakan ang kamay ko ng nilayo na ni Warren.
"What did I say earlier?" seryosong sabi niya sa dalawa. Nakita ko naman ang dalawang napa-nguso nalang at walang nagawa.
"Hey, 'wag ka ngang manakot sa dalawa," sita ko kay Warren. Napakamot naman siya sa batok niya dahil sa sinabi ko.
Nakita ko naman ang dalawang nakangisi na sa'kin ngayon. Kung hindi lang ito kaibigan ni Warren, baka aakalain kong mga baliw ang mga ito.
"Reese,"
Napalingon naman ako sa likod ko nang biglang may tumawag sa'kin. Nakita ko naman si Shan at Piel na papalapit sa'kin.
"Tapos na klase niyo?" Tanong ko. Hindi naman sila magka-edad at magkaklase pero lagi silang magkasama.
Ngumiti si Piel. "Yes, Ate!"
Sasagot sana si Shan sa tanong ko pero napabaling ang tingin niya sa tatlong lalaking nasa harapan ko.
"Who are they?" tanong ni Shan, naguguluhan.
Ipapakilala ko palang sana sina Shan nang biglang nag-unahan na sina Jake sa pagpapakilala. Natulak pa nga nila ako ng konti, buti nalang nasa likod ko si Warren at nasalo ako agad, umiwas nalang ako at nagpunta sa tabi niya.
Kitang kita ko ang gulat sa mukha nina Shan at Piel dahil sa mga daldal nina Jake At Clint na talagang manghang mangha dahil sa nakikita nila ngayon.
Parang kelan lang sila yung pinagkakaguluhan, tapos ngayon, sila ang nanggugulo.
"Will you now stop?" sita ni Warren sa dalawa. Napatigil ulit ang dalawa tsaka lumayo kina Shan na naguguluhan pa'din.
"I'm sorry about these two." sabi ni Warren kina Shan, seryoso nga lang siya, walang emosyon.
"It's okay." Nakangiting sagot lang ni Shan.
"Uh, Shan, Piel, this is Warren." pakilala ko kay Warren sa dalawa.
Kilala naman nila si Warren dahil nakita nila akong kasama ito nung nakaraan. Kitang kita ko ngayon ang ngiting pang-aasar nina Shan at Piel sakin. Siguro dahil kasama ko si Warren.
"Uh, Reese, may klase kapa ba?" Tanong ni Shan sakin, nakangiti.
Inirapan ko siya tsaka tumingin sa relo ko. "Yes, 20 minutes nalang pala."
Tumingin ako kina Warren para sana magpaalam pero ununahan niya na ako. "You have class?"
"Yes,"
Tumango siya. "Great. Hatid na kita."
What?
"No, it's okay. Malapit lang dito yung building ko." I lied. Malayo dito talaga.
"It's okay." Sabi niya tsaka kinuha yung bag ko sa balikat ko at hinigit ako paalis doon.
Nakita ko naman ang kaway nina Shan na may pangaasar na ngiti sa'kin, samantalang nakita ko pang pinicturan kami ni Piel. Those people!
"Warren, it's okay. 'Wag mo na ako ihatid." Sabi ko, higit higit pa'din niya ako. Hindi siya nagsalita.
"Warren---"
"It's Court." bigla niyang sabi at tumigil. Humarap siya sa'kin ng seryoso. "Call me Court."
Court? His first name? Why?
"Why?"
Imbes na sumagot ay hinigit niya nalang ulit ako. "Because I said so."
Kakahigit niya sakin ay bigla nalang siyang tumigil, lumingon siya ng lumingon at doon ko napagtanto ang ginagawa niya. Natawa ako tsaka siya hinigit pa-kaliwa. He didn't know that way, tho.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko habang hawak hawak ko ang kamay niya na hinihigit ko.
"May meeting kami dito, hanggang hapon." sagot niya.
"Meeting?" Tanong ko.
"I also don't know, gaya ng sabi ko sayo, hinigit lang ako dito nina Clint."
"Sina Clint mismo ang may meeting dito?" Tanong ko. Tumango siya.
Nang nasa mismo na akong building, hinarap ko siya. "May meeting din kami mamayang banda, 1pm. Sa Conference Hall."
"Baka magkasama tayo?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know." tsaka umakyat pataas.
Nang makaakyat kami ng 4th floor, tumigil na ako. Hinarap ko na ulit siya.
"Nandito na ako, now, go." sabi ko at sumenyas na umalis na siya.
Tumingin naman siya sa paligid bago ako tingnan. "Sure ka na dito room mo?"
Tumango ako. "Third room."
Nagulat nalang ako nang higitin niya ako papuntang room ko. Nagpumiglas ako pero huli na, nasa tapat na kami ng room ko. Blocked section kami kaya familiar ako sa nga faces sa loob, nakatingin na mismo samin ngayon.
"Dito kana." Sabi niya at ngumiti. "Bye." Ginulo pa buhok ko.
Nakakailang hakbang palang siya nang tinawag ko siya, lumingon naman siya.
"Thank you."
Pagkatapos ng klase namin ay agad akong lumabas ng room dahil sa kantsayaw ng lahat. Nakita kasi nila ang paghatid sakin ni Warr--- Court.
"Really? Reese? Hinatid ka niya dito?" Tanong ni Raven, hindi pa'din makapaniwala. Isa siya sa nakakita.
"Please, 'wag na nating pagusapan."
"Anong 'wag? Tell me, is there something going on between the two of you?" tanong ni Raven, napatigil naman ako.
Tumingin ako sa kanya ng gulat. "What? No!"
"Then what was that?"
"I don't know, nag-pumilit siya. Hindi ko naman natanggihan at hinigit na ako paalis."
Namamanghang tumingin sa'kin si Raven. "I see it now, you didn't do anything, yet there are people who wants to be close to you."
What?
"I don't get you."
Ngumiti nalang si Raven. "See for yourself, Leigh."
"Raven!" Sigaw ko pero patuloy pa'din siya sa paglalakad palayo pero rinig ko ang tawa niya.
Anong ibig niyang sabihin?
May gustong lumapit?
Makipagkaibigan?
"Hay nako!" bulalas ko sa sarili ko at umalis na din doon.
Lumipas ang oras hanggang sa maging 1pm na. Lahat kami nandito na sa Conference Hall, naghihintay. Kumpleto kami, Managers, Handlers tsaka members. Even, Alexis is here, producer daw namin siya.
Napatigil ang lahat sa pag-iingay nang biglang pumasok ang Dean kasama ang mga hindi pamilyar na mukha sa'kin, sa likod noon ang mga estudyante din na gaya namin pero hindi dito napasok.
Nagulat nalang ako nang biglang pumasok sina Clint at Jake, huling pumasok si Court.
Dashwood University.
Pagpasok palang ni Court, mata na agad namin ang nagsalubong. Ngumiti siya sa'kin at bumulong.
"Hi, Leigh."
YOU ARE READING
In your Heart Again
RomanceIn a heartfelt tale of passion and sacrifice, a young girl's love for music clashes with her father's disapproval. Despite the obstacles, she finds solace in the companionship of a kindred spirit who helps her realize that pursuing her dream is wort...