MAVIEL
MRS. HIZON was quick to respond to our call. Bandang ala-singko ng hapon, dumating siya sa cafe sakay ng kanyang black sedan. Pagpasok niya, agad siyang binati ni Nikolai at in-escort sa taas. Ako nama'y nag-request kay Landice ng chamomile tea na ise-serve sa client namin.
"—she hasn't made any transactions using her debit card and credit card," dinig kong kuwento ni Mrs. Hizon habang paakyat ako dala ang chamomile tea niya. "Based on her recent account statement, she made a withdrawal of P50,000 twice one week before her mall tour and subsequent disappearance."
Maingat kong inilapag sa mesa ang kanyang tsaa bago umupo sa tabi ni Sigmund.
"I could have sent you this piece of information," our client went on, "but you insisted on meeting me in person. I hope you have an update on my daughter's location. Otherwise, this meeting could have been a text message."
Sigmund shot me a sidelong glance. Muntik ko nang nakalimutan na ako pala ang lead sa case na 'to. I cleared my throat first bago ako nagsalita. "Hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. Pinlano n'yo ba ang pagkawala ni Charlize? Magkakasabwat ba kayo, ng PA niya at siya mismo?"
Iinom na sana siya ng tsaa, pero bigla siyang nahinto. Muli niyang ibinaba ang teacup na nasa saucer. "Excuse me?"
"Meron kaming theory na publicity stunt lang ang pagkawala ni Charlize." Napakapit ako sa tray na nasa aking lap. Medyo worried ako na baka mali ang conclusion namin. Pero heto na, nai-share ko na sa kanya. "Kaso nabulilyaso ang plano nang napagdesisyonan ni Charlize na huwag sundan 'yon. Ang scripted na disappearance niya, naging totoo na. Tama po ba kami?"
"Don't worry, ma'am," segunda ni Sigmund. "We won't tell anyone about it."
"Dahil ba may papalabas siyang movie kaya naisip n'yong gawin ang stunt na 'to?" sunod kong tanong. Tinitigan ko siya sa mata para i-observe kung ano ang reaksyon niya. I was not as good as my mentor when it came to reading microexpressions, pero mas mabuti nang subukan ko para makasanayan ko rin. "Iniisip n'yo bang makatutulong sa movie kung gagawa kayo ng ganitong gimik."
Sandaling bumaling sa ibang direksyon si Mrs. Hizon bago napabuntonghininga. Mukhang tama ang theory namin. Nagkatinginan muna kami ni Sigmund bago ko ibinato sa client ang aking tingin.
"The truth is," Mrs. Hizon began, "this publicity stunt is Charlize's idea, not mine."
Muntik nang malaglag ang panga ko. Even Sigmund was surprised dahil nanlaki ang mga mata niya. Ang akala ko'y ang client namin ang pinaka-capable na makaisip ng gano'ng strategy. We did not see this coming.
"She proposed it to me two weeks ago," she explained further as her eyes stared down at the tea. "I was against it at first, thinking that it's too risky and it may backfire on us. Pero pinilit ako ni Charlize na sumunod. Ang sabi niya, magke-create ng buzz sa social media kapag pineke namin ang pagkawala niya. That social buzz can translate into ticket sales. Reluctantly, I agreed, and we planned the scheme with her PA. Kaming tatlo lang ang nakaaalam. The fewer people know, the better at keeping it a secret."
BINABASA MO ANG
MORIARTEA: Clash of the 2 Cafes
Mystery / ThrillerSAME TREE, DIFFERENT BRANCHES. Life goes on in the annex branch of Café Moriartea. Maviel resumes her apprenticeship under Sigmund. Landice is still reading books at the barista's corner. Nikolai is still making sure that the shop is squeaky clean...