this is my First sTory. hope you like. . .
marame akong mga kaibigan, boy and girl name them i have them both. Pero hindi ako masasabing friendly, nag kataon lng marahil na "birds with the same feather flocks together".
hapon noon sa harap ng fastfood napadaan kame ng aking kaibigan na si Cathy. Habang nag hihintay ng masasakyan dumating nman ang dating kaibigan ni Cath sa dati niyang pinapasukang university si Rui.
Yun ang una nming pag kikita.
“Hoi Cath! Kamusta? Tawag yun ng lalake mula sa likod namin ni Cath na tumatakbo patungo sa amin.
Sa pangalawang pagkakataon nakita ko ulit sya, ang gwapo nyang mukha, hindi ko lng sya basta tiningnan kundi tinitigan ko pa at sa araw na un, dahil hndi nmn kalakihan ang eskwelahang parehas na nming pinapasukan mas madalas ko na syang nakikita at dahil parehas din ang aming kurso, nag kakasabay na din kame.
Sa paglalapit namin, mas naging kumportable kami sa isat-isa at naging mabuti kaming mag kaibigan girlfiend, boyfiend yun ang turingan nmin, kumakaen kme sa labas at sya minsan ang taya, pag walang pasok ay nag aa-out of town kaming dalawa na walang plano, basta naka isip lang bigla at sya ulit ang may sagot. Hindi nya talaga ako hinahayaang gumastos ng malaki pag kami lng dalawa ang mag kasama, at sa bawat inuman at kasiyahan na aming pupuntahan lagi ko syang katabi. Sa mga pag kakamali ko lagi nya pa rin akong tinatama at lahat ng bagay sa akin ay may paki- alam sya.
Sa tatlong taon naming mag kaibigan at mag kaklase, maraming bagay kaming hindi pag kakatulad, pero pareho naming itong na oover come na hindi nag aaway. Sa paglipas ng araw aaminin ko gusto kung mahulog sa kanya at mahalin sya higit pa sa isang kaibigan pero hindi maaari. Dahil sa pag lipas din ng buwan at taon marame din akong mga bagay na naririnig pa tungkol sa kanya na kahit kelan ay hindi nya nabanggit sa akin.
Isang hapon kasama ko si Cath.
“yumi? “ Wika sa akin ni Cath. . .”sa susunod na semester ay lilipat na ako ng school, bahala kana hah, iupdate mo na lng aqoh patungkol sau”.
Pasokan na ulit at hindi na talaga nag enroll si Cath. Akala ko mag isa na lng ako at sobrang mis ko na si Cath sa mga araw na lumipas.
“may pupuntahan tayo!” wika ni Rui, nasa faculty ako noon at nakamtambay, simula ng lumipat si Cath ay madalas na doon ako tumatambay lalo na pag wala si Rui.
“at saan naman ang balak mong pumunta may dear?” tanong ko.
“gusto kong uminom,samahan mo ako!”
Dinala nya ako sa isang magandang bar, maraming halaman at ilaw. Para sa akin isa itong magandang garden. Pag dating namin sa dulo ay may nakita akong nag iinoman. Masaya sila at maingay, marahil ay natamaan na sila ng alak na iniinom nila. Akala ko naman kaming dalawa lang ang naroon.
“ui, Rui ang tagal mong dumating hah! Kailangan mo ng humabol”. Wika ito sa malambing na tono ng isang babaing naroon na kasama din nila. Sa tonong yun may kirot akong naramdaman, kung pag seselos ay hindi ko alam.
Ipinakilala niya ako sa mga taong naroon, hindi nman ako nailang dahil napaka friendly nman nila, kaya nakipag sabayan nman ako. Dahil iisa rin ang school na aming pinapasukan, mas madali sa akin na mapalapit sa kanila.
Si Jm,Abby,Chelley ang mga kaibigan ni Rui, sila rin ang bago kung mga kaibigan. Sa araw na lalabas kami ni Rui ay lagi namin silang kasama. Tuwing mag memeryenda,mamamasyal o gigimik.
Unti-unti kong nalimutan ang nararamdaman ko para kay Rui ng panang daliaan. Dahil sa bago at dagdag naming mga kaibigan.
Isang gabi nasa private resort kami at nag kakasiyahan.
“Rui, bakit hindi ka manligaw, para naman mag ka gf kana.” Wika ni Jm
Tumawa lang si Rui “wala sa plano ko! Hahahaha mag inuman n lng tayo”.
Dahil makulit si Jm “diba matagal na kayong mag kaibigan” tanong nya sa akin. “oo” ang sagot ko
“kung man ligaw ba si Rui may pag asa?”
Dahil lasing na rin ako tumawa ako ng malakas “oo, syempre sasagotin ko agad”
"Kahit hindi na ako mag karoon ng gf kahit kelan” singit ni Rui
Hindi ko nakita ang kanyang reaksyon kaya sumabay na lng ako sa tawanan ng aming mga kaibigan.
Bumalik na kmi sa aming mga tulogan ngunit nag paiwan pa ako sa labas, nakatingin sa kalangitan, nag iisip ng ewan.
“ang nangyare kanina sana hindi ko na lang sinabi yun, Hayyyy!!!!” sabay kagat sa pang ilalim ng aking labi.
Naisip ko na may mga bagay talagang hindi pwedeng ipag patuloy, hindi pwedeng ipag pilitan at hindi rin pwedeng ipag laban dahil yun ang tama para sayo.
dahil Ayoko syang husgahan sa mga bagay na sya lng ang nakakaalam ng totoo. Naging mabuti kaming magkaibigan, at hindi ko hahayaang mabalewala lng yun.
Kaya hinayaan kung paniwalaan ng ibang tao na may relasyon kami na higit pa sa mag kaibigan dahil yun lang ang bagay na kaya kung gawin para sa kanya, ang mag panggap na gf niya sa mata ng mga taong mapang husga.Dahil alam ko sa sarili niya ay nahihirapan din siya at naguguluhan, kaya hanggang kaya ko ay mananatili ako sa tabi nya, hanggang matanggap niya sa sarili nya kung anu ang tunay niyang nararamdaman.
Guto ko pa sanang mag muni-muni ngunit lumalamig na ang haplos ng hangin. Napa iling na lng ako at pumasok sa kwarto.
Napabuntong hininga ako ng makita ko si Rui na kasalukuyan ng natutulog.
Tumabi ako sa kanya dahil yun na lng ang pwede kong higaan at bago ko ipikit ang aking mga mata, Nasabi ko n lng.
“ang hirap mag kagusto sa paminta :( ”
“ang hirap mag mahal ng katulad ni Rui!”.
gudnyt. . .
BINABASA MO ANG
sweetheartfriend
Randomsince first year, campus crush na si Yumi. . .at mas naging popular sya sa lahat ng pumasok sa buhay niya c Rui na super gwapo at muntik na niyang minahal.