Kathryn's POV
"Kath! Bili ka nga ng suka!" Utos sa akin ni mama habang nanonood ako ng TV.
"Gabi na Ma, baka ma-rape ako," balewala kong sagot.
"Ibababad ko lang itong bangus para may ulamin tayo bukas..."
"Bukas niyo na iyan ibabad, Ma!"
Bumaligtad ako ng pagkakahiga sa sofa.
"Magsasara na ng tindahan si Aling Koring. Bilisan mo na!" hirit pa niya.
"Bukas na lang Ma. Sarado na iyon pagpunta ko!"
"KAAAAATTHHHHHH!!!!" Dumadagundong ang sigaw ni Mama.
Para akong pusa na napatalon sa sofa. "Opo! Susunod na!"
Hay kainis. Hindi umubra ang pang-uurat ko kay Mama. Favorite ko kasi iyong palabas sa TV. Ang hirap talaga kapag solong anak ka lang. Wala kang pagpapasahan ng utos ng nanay at tatay mo. Sana may kapatid na lang ako.
"Aling Koring, suka nga po," tinatamad kong sabi.
"Yung nakalagay ba sa bote?"
"Hindi po, try niyo po iyong nasa katsa para matapon. Pag-uwi ko ng bahay ubos na ang suka!"
Nakairap na inilapag ni Aling Koring sa harap ko ang bote ng suka. Pabalibag. "O, ayan!"
"Ay galit?"
"Hindi, tuwang-tuwa ako!" Pambabara din ni Aling Koring.
Umalis na ako. Grabe kahit mga senior naimpluwensiyahan na Kumareng Vice Ganda!
Pakanta-kanta pa ako ng Nasa Iyo Na Ang Lahat habang naglalakad. Grabe. Ang daming aso. Kinakahol ako! Latakot. Iyong isa kakagatin sana ako, kagatin ko nga ng una. Joke! Hindi naman ako aso noh!
Malapit na ako sa bahay ng bigla akong napasigaw ng: "Eeeeeeehh!!!!"
Sobrang katakot kasi biglang nabitak iyong lupa!
For real!
Tapos biglang may mga lava na lumabas at mga fire!
Napaupo ako at kumuha ng pop-corn. May fireworks display eh. Wear my 3D glasses para feel na feel. Pumalakpak pa ako ng biglang may lumabas na naka-costume ng Satan sa ilalim ng lupa.
"Yay! Costume partey!" Sigaw ko.
Woohooo!!! Hanep sa 3D epeks toh!
"Ikaw ba si Kathryn?" ang laim ng voice niya ha.
"AKo nga! Why?"
"Ako si Satanas!"
Tumayo ako at nagmartial-art ako. Taekwando. Cosplayer yata ito, sakyan ko na lang.
Tumbling tapos sipa sa ere. Isang suntok at, "Yaaaah! Ako si Sailooooor...Moon! Sa ngalan ng buwan paparusahan kita!"
Pose ala-Sailor Moon.
Nagsalita siya. "Tumigil ka!" Nyah! Nakakatakot kasi dumadagundong ang kanyang boses. "Ako si Satanas!"
"Weh?" Sabay belat ko sa kanya.
"Ako nga!"
"Asus! Totoo> Di nga!"
Bigla niyang pinalipad iyong bato at itinapon sa akin. Sapol ako sa noo.
Waaah!!!! Paano niya nagawa iyon. Totoo nga siya nga si Satanas!
Bigla akong lumuhod sa harapan niya. "Satanas maawa ka. Wag mo muna akong kunin please..."
"Gaga! Hindi kita kukunin!"
"Hindi pa? Bakit ka nagpapakita sa akin? Aparisyon ka ba?"
"Hindi! Sinabi nang totoo ako! Andito ako dahil may mahalaga kang misyon na dapat gawin!"
"Misyon? ANong misyon?" tanong ko.
Hmmm..Ano kayang misyon iyon?
itutuloy!
BINABASA MO ANG
Gasp! (KathNiel Fan Fiction)
FanfictionMakaya kayang alagaan ni Kathryn in one year ang Evil Baby na si Daniel?