Tricia's POV
Tomorrow comes, and I drive to church except that I want to visit the orphan there, and I also want to see that 'guy' again.
"Hi, Tricia!" Pagbati sa akin ni Sister Helena pagkapasok ko sa orphanage nasa likod lang ito ng simbahan.
"Marhay na aga, Sister Helena. Kamusta ho kayo dito?" Tanong ko naman sa kanya habang nililibot ko ng tingin ang loob ng orphanage.
"Mabuti naman iha, maraming salamat sa pag dalaw mo ngayon dito, ano ang maipaglilikod ko sayo?" Tugon naman niya.
"Wala naman po, matagal na rin po kase akong di nakakabisita dito kaya naisip ko rin pong dumaan ngayon." Naglalakad na kami ngayon papunta sa likod para makita ang mga batang naglalaro doon.
"Kamusta kayo? Bumisita rin pala dito sila Leni noong nakaraan at nagbigay ng mga regalo sa mga bata." Pagkwento niya habang ako naman nakangiti lang dahil may iilang mga bata na na sumasalubong sa amin.
"Doc"
"Ate Tricia!!"
"Doc ganda"
Hindi ko na nasagot ang tanong ni Sister Helena dahil nagsitakbohan na ang mga bata papunta sa akin.
"Oh, dahan-dahan lang"
"Ate kamusta ka po?" Tanong ni Patrick sa akin.
Kilala ko na rin ang iba dito ganon din sila dahil palagi talaga akong bumibisita dito tuwing uuwi kami sa Naga.
"Okay naman ako, kayo kamusta kayo dito?" Tanong ko pabalik habang hawak ang kamay niya at ni Alliyah pabalik sa damuhan kung nasaan sila kanina nakasunod rin ang ibang bata na nakangiti sa akin.
"Okay naman po kami." sagot nila kaya napangiti ako.
Pagkatapos kong makipaglaro at makipagkausap sa kanila ni Sister Helena nagpaalam na rin ako kase baka gabihin ako sa daan mamaya.
Bago pa man ako makalabas ng tuloyan sa mismong simbahan nahagip ng aking mga mata yung lalaking tinutukoy ko.
Ngumiti ako ng tumingin siya at naisip kong lapitan siya, mukhang nagulat pa siya sa paglapit ko.
"Hi" bati ko. Hala shems ang pogi niya sa malapitan.
"Hello, how can I help you?" He asked me habang titig na titig sa akin.
"Wala naisip ko lang na palagi kitang nakikita dito pero never pa kitang nakausap." Nahihiyang sagot ko mukhang mabait naman siya kaya kampante akong mag first move kanina.
"Ikaw si Tricia diba?" Tanong niya, narinig ata niya sa iba ang pangalan ko.
"Yes, ikaw? May I know your name, ikaw kase kilala na ako tapos ako hindi pa." Natawa naman siya sa sinabi ko.
"I'm Gino." Pagpapakilala niya at inalok pa niya ang kamay niya sa akin tatanggapin ko na sana ng magring bigla ang phone ko.
"Excuse me muna ha," nahihiyang tumalikod muna ako sa kanya para sagutin si mama, wrong timing naman oh.
"Trish, where are you na? Naghihintay na kami sayo dito para kumain na tayo sa labas." bungad ni mama sa kabilang linya.
"Pauwi na rin po," sagot ko naman.
"Okay, take care and drive safely." That's when she ended the call.
Lumingon ako sa likuran ko at naghihintay lang si Gino sa akin.
"Uh..ano nice meeting you ha, I need to go na rin, see you around here, Gino." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.
"Nice meeting you here, Tricia. Mag iingat ka sa byahe." He smiled at me, bago ito tumalikod pabalik sa loob ng simbahan.
Noong nawala na siya sa paningin ko doon na rin ako, naglakad palabas ng simbahan.
"Oh iha akala ko umalis kana?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid ko si Sister Helena.
"Uhmm..may nakausap lang po ako sa loob kanina kaya natagalan ako."
Napatingin naman si Sister Helena sa loob ng simbahan kung saan ako galing kaya napalingon din ako at ng bumalik ang tingin ko sa kanya nakakunot na ang kanyang noo.
"Ano po yon Sister?" .
"Wala iyon iha, sige na at baka madiliman ka sa daan," I bid her goodbye at tuluyan na nga akong umuwi.
Pagkauwi nga namin mula sa dinner kanina, mama and jill did their night routine, while me and Ate Aiks pinapatulog ang dalawang bata.
"Omg, Ate Aiks I forgot to tell you I saw him kanina." I loudly said that kaya napatakip ako ng bibig when I realized na karga ko si Ali.
"Who?" She asked.
"The guy sa chuch, he's name is Gino pala." I said while smiling, crush ko na ata siya.
"Gino? Hmm.. familiar yung name niya may picture kana niya?"
She asked habang nilalagay si Venice sa bed nito at kinuha na rin sa akin si Ali.
"Wala, nakalimutan ko e tumawag kasi si mama kanina diba," I said with a disappointed voice.
"Gino lang name niya?" Tanong pa niya habang papalabas na kami sa room ng kambal.
"Oo hindi ko na nakuha ang full name magkikita pa rin naman ata kami sa Sunday e."
"Sino kikitain mo Ate?" Tanong naman ni Jill na nasa sala na.
"Ang lakas talaga ng pandinig mo Jill pagchismis na." natawa naman kami sa sinabi ni Ate Aiks.
"Hindi ko kikitain baka lang makita ko yung guy sa chuch, yung kwenikwento ko sa inyo." Sagot ko naman.
"Ay mama si Ate Trish in love na ulit." Pagsusumbong niya na naman kay mama.
"Oh tapos?" Sagot naman ni mama habang naghahanap ng papanuorin namin kaya natawa sila pareho.
"Ay walang pake sayo sis." Tawang tawa naman si Ate Aiks kaya nakasimangot na ako ngayon.
"Malaki kana daw ante, di ka naman favorite kaya bahala kana sa buhay mo" Tawang tawa naman si Jill at mama sa kalokohan nila kaya tinapon ko sa mukha ni Jill yung throw pillow.
"Kidding aside anak, malaki ka na naman pero dapat ko yang makilala ha." Mama said.
"Ma hindi ko pa nga kilala yon e, excited naman kayo masyado, hayaan mo bigyan kita next month ng apo para ma meet mo na siya." I chuckled as I said that.
"Patricia." She glared at me kaya natawa ako.
"Joke lang," natawa naman ako sa reaksyon niya, kita mo 'to pag siya nagbiro okay lang pag ako parang papatayin ako.
————
- 🌷
A/N:
Hi mga bb, it's been a month na jusko sobrang busy ko na sa life and Idk naisip ko lang magsulat ngayon (Ngayong nasa kalagitnaan ako ng finals HAHAHA) Sana magustohan niyo pa rin 'to, kahit sobrang lame na.😭

YOU ARE READING
Guía (Series 2)
FanfictionS2 I found him at an unexpected time, but I had no idea faith would be so cruel to us.