CHAPTER 1

1.2K 22 3
                                    


BITBIT ang tatlong kahon ng buco pie na binili sa Crisanto's ay pumihit na si Iris para lumabas ng pastry shop. Naroon pa sila sa San Pablo. Pauwi na sila ng mama at papa niya sa bahay nila sa Quezon City mula sa pagdalaw sakanyang lola.

Hustong naitulak niya ang kaliwang dahon ng glass door nang bumukas naman ang kanan. Tumingin siya sa lalaking nagbukas ng pinto sa eksaktong sandali na tumingin din ito sa kanya.

Parang huminto ang oras habang magkahinang ang kanilang mga mata. Napigil ni Iris ang hininga. Biglang kumabog nang mabilis ang kanyangpuso. Hindi ito ang conventional good-looking guy na madalas niyang makita sa mga mall maging sa school. His face was pleasant to behold, appealing to the eye. Prompting a second look.

Napatid ang ugnayan ng kanilang mga mata. Nasundan niya ng tingin ang pagpasok nito. Nakapasok na sa loob ang lalaki ay hindi pa rin niya magawang umalis sa pintuan.

"Iris!"

Kumislot siya sa pagtawag ng papa niyang si Ramil.

"Bilisan mo at tatanghaliin tayo. Ma-traffic na."

"Opo, nandiyan na." May panghihinayang na lumabas si Iris ng Crisanto's.

Habang pauwi ay hindi pa rin mawala sa kanyangisip ang guwapong lalaki. Walang duda na na-crush-at-first-sight siya. Taga-San Pablo rin kaya siya?

PAEKIS-EKIS ang bisikletang sinasakyan ni Iris. Mabuti na lang at walang gaanong sasakyang dumaraan sa kalye ng mga sandaling iyon. Matingkad na ang sikat ng araw kahit alas-siyete pa lang ng umaga. Tahimik ang paligid. Panaka-nakang maririnig ang mahinang tunog ng makina ng washing machine. May naglalaba marahil sa kapitbahay.

Hindi pa talagasiya marunong mag-bike, pero matagal na niyang pangarap pag-aralan. Kaya kahit mag-isa ay sinisikap niyang matuto.

Kagabi pa siya nagpaalam kay Tita Olivia kung maaari niyang magamit ang luma nitong bisikleta. Nakasabit lang ang bike sa tool shed sa likuran ng bahay ng kanyang Lola Irenea. Pinagtulungan nilang magtita na maibaba iyon kagabi. Si Tita Olivia pa ang nagbomba ng hangin sa malalambot na gulong ng bike. Tinulungan din siya nitong linisin iyon.

Napausad na ni Iris ang bisikleta hanggang sa tapat ng kapitbahay nila sa kanan, ang malaking bahay ng mga dela Cuesta. Ngunit pagkalampas niya sa tapat ng bakal na gate ay natanggal ang kadena sa riles ng bisikleta. Napailing siya. Nasira na yata ang bike gayong hindi pa siya natututong magpatakbo.

Ibinaba niIris ang stand ng bisikleta bago siya bumaba roon. Namaywang siya, tumunganga sa bike na parang mauutusan iyon na umayos mag-isa sa pamamagitan ng telekinesis.

Nakarinig siyang nagtawanan. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Tito Crisanto, ang may-ari ng malaking bahay. Nasa bakuran itoat kausap ang isang lalaking nakatalikod sa gawi niya.

Ang guwapo ng likod. Napagdaop ni Iris ang mga kamay at dinala sa kanyang bibignapara bang maririnig siya ng lalaki. Hindi ito katangkaran, lean ang pangangatawan na makikita sa suot na navy blue T-shirt. Clean-cut ang gupit ng buhok na lalong nagpakita ng mahabanitong leeg.

Binawi na niya ang tingin sa dalawa. Ang kasalukuyang problema ang dapat niyang harapin. She sat at her haunches. Walang bisikleta sa bahay nila sa Quezon City. Kotse lang ang sasakyang minamaneho ng papa at mama niya kaya wala siyang alam sa mga bisikleta. At wala siyang interes sa mga teknikal na bagay.

Pinagmasdan niya ang kadena ng bisikleta. Nakalaylay iyon kaya sinubukan niyang ibalik sa riles.

Hindi kaya ng kanyangmapapayat na daliri. Namantsahan lang ng grasa ang kanyangmga kamay ngunit talagang hindi niya maibalik ang kadena sa dating posisyon.

INSTA GROOM 1: RICHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon