CHAPTER 2

563 13 3
                                    


"SUMAMA ka na, please?" Naglalambitin pa si Iris sa isang braso ni Rich habang pinipilit na sumama sa kanila ni Tita Olivia sa pagpunta sa Lake Palakpakin. May naka-schedule uling harvest sa tatlong fish cages na hindi pa naanihan noong nakaraan. Si Rich kaagad ang naisip ni Iris nang sabihin sa kanya ni Tita Olivia na isasama siya.

Dalawang linggo nang nagbabakasyon si Iris sa San Pablo. Natuto na rin siyang magbisikleta pagkaraan ng limang araw na pagtuturo ni Rich. Ang totoo, sa ikalawang araw pa lang ng kanilang pagtuturuan ay natuto na siya. Gusto lang niyang magkaroon ng dahilan para matagal pa silang magkasama.

Parang nakakahalata na angbinatasa ikaapat na araw. Kaya sa ikalimang araw ay napilitan siyang ipakitang marunong na siya.

"Hindi nga puwede," sagot ni Rich sa pangungulit ni Iris. "Darating 'yong mga bisita ko ngayon."

"Ite-text naman sa iyo ni Tito Crisanto kung nandito na sila. Saka maaga pa. Hindi pa kaagad makakarating dito ang mga iyon."

Natatawang ginusot ni Rich ang buhok ni Iris. "Ang kulit mo talaga."

Mabilis niyang inayosang nagusot na buhok. Inirapan niya angbinata. "Sige na nga. Tinatawag mo na akong makulit." Tumalikod na siya at lumabas ng bakuran ng mga dela Cuesta.

"Iris! 'Oy, huwag kang magtampo!"

Parang natatawa ang boses ng binata. Nainis na naman tuloy siya sa sarili. Pinipilit niyang magpaka-mature. Pero lumalabas talaga sa kanya ang asal ng isang dalagita kahit anong pigil niya.

Malungkot na sumampa si Iris sa Strada pickup. Nakaupo na sa driver seat si Tita Olivia at hinihintay siya. Mabuti na lang at mapagpasensiya ang tiyahin. Hindi pa niya naranasang sungitan nito kahit minsan, kahit sinusumpong siya at nagmamaktol.

"O, nasaan na si Rich?" tanong nito. "Akala ko ba isasama natin siya sa lawa?"

"Hindi raw po siya puwede. May mga bisita raw na darating."

"Kaya pala sambakol ang mukha mo."

Sinulyapan ni Iris ang tiyahin. Nanunukso ang mga mata nito at napapangiti. Kinabahan tuloy siya.

Pinausad na nito ang sasakyan. "Gano'n talaga, kahit crush mo siya, hindi puwede na lagi mo siyang makasama. May sariling buhay din 'yong tao."

Napanguso siya, nag-init ang mukha at biglang pinawisan. Bistado na pala ng tiyahinang secret crush niya kay Rich. At kung nahulaan iyon ni Tita Olivia, hindi malayo na mabisto rin siya ni Rich! Tumingin siya sa tiyahin. Nakangiti pa rin ito.

At least hindi siya pinagalitan ng tita niya. Kaya hindi siya dapat mahiya. Nauunawaan marahil nito na sa edad niyang iyon ay normal lang ang makaramdam ng labis na paghanga para sa isang guwapong gaya ni Rich. Maunawain ang tiyahin at maaari niyang pagsabihan ng nasasaloob. "Eh, Tita, satingin mo alam na ni Kuya Rich...?"

"Hindi ko rin alam. Pero kahit paano, kilala ko na si Rich, kahit alam niya, hindi ka naman siguro aasarin o tutuksuhin." Sumulyap ito sa kanya. "Hindi kita masisisi kung magka-crush ka sa kanya."

Napangisi na si Iris. "Ang guwapo niya po, 'di ba?"

"At magalang pa. Matulungin. Mabait. Pero bata ka pa."

"Alam ko naman po 'yon, Tita. Crush ko lang naman." Pero crush nga lang ba niya si Rich? Ang sabi doon sa slum book ng kaibigan at kaklase niyang si Mikay, paghanga lang daw ang crush. Alam niya sa sarili na hindi na siya humahanga lang sa binata. Kasi si Rich lagi ang laman ng kanyangisip kapag bago siya matulog, kapag kagigising niya o may ginagawa siyang kahit na ano lalo na kung nag-iisa. Madalas mamasyal angkanyang isip kay Rich. Madalas niyang makita ang guwaponitong mukha sa kanyangimahinasyon. Malinaw niyang nakikita sa balintataw ang ngiti ni Rich, ang pagtawa nito, pati na ang kilos, at ang boses kapag nagde-day dream siya. Kung minsan, iniisip niyang parang puputok na angkanyang dibdib kapag naiisip na walang katugon ang feeling niya. At natitiyak niya na pareho rin ang magiging epekto sa kanya kung malalaman niyang crush din siya ng binata.

INSTA GROOM 1: RICHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon