Panimula

12 3 0
                                    


Golden Tree


Tirik na ang araw ng makarating ako sa sakahan. Tapos na ang klase kaya naman tutulungan ko si Tatay. Tinigil ko ang pag gulong sa kahoy na skateboard na gawa nito sa akin. Naabutan ko ito nakasilong sa isang maliit na kubo.

"Naandito na po ako Tay."


Nagmano muna ako sakanya bago Inabot ang bimpo na dala ko. Nilapag ko sa tabi ang bag at Skateboard at hinubad na ang palda at uniporme ko. Sa ilalim kasi nito ay ang mahaba kong shorts at itim na damit.


"Nako ikaw na bata ka talaga sabi ko hindi mo na kailangan pumunta dito at pagod ka galing sa eskwela, ang assignments mo nalang sana ang ginagawa mo." Panga-ngaral ni Tatay

"Wala naman po kami masyadong ginawa kaya hindi po ako pagod at wala kami assignment ngayon." Nginitian ko siya bago ngising binigay ang tubig sakanya.

"Mamaya maya ka na tumulong at sobrang init"

Wala naman magagawa si Tatay kapag ganitong desidido ako. Alam niya rin na ako ang grabe mag asikaso sa kalusugan niya. Kaya naman wala itong nagagawa sa kakulitan ko.


"Maaga ang uwi mo ngayon Yska?" Pagtatanong ni Manong Rene. Hinubad nito ang bota niya na punong puno na ng putik bago pumunta sa katabing kubo.

"Opo, Nga po pala bakit hindi po nakapasok si Niño kanina?"

Pangalawang araw palang sa klase at absent agad ang damuhong iyon.

"Hanap mo ako?" Pagsulpot nito sa tabi ko. Napahampas tuloy ako sa balikat niya

"Aray! Grabe naman bigat ng kamay mo." Daing pa niya. "Kung Miss mo ako dapat sinabi mo nalang."

Aambahan ko pa sana siyang hahampasin ng magtago ito sa likod ng Tatay niya. Kahit kailan talaga napaka takot.

"Yskyla Tama na iyan." Pagsisita sa akin ni Tatay.

Tinawanan lang kami ni Manong Rene. Inirapan ko siya ng belatan niya ako.

"Ayan siya at tinamad pumasok ngayon kaya pinasama ko nalang dito para makatulong. Oh, siya dito na muna kami at marami rami pa ang gagawin."

"Sige po."

Napatingin naman ako kay Tatay na mariin ang tingin sa sakahan.

"Kumain ka na po Tay?"

"Ito may niluto si Ate Piang mo na Adobong kangkong. Kumain ka nalang muna at pagod ka galing sa eskwela." Napangiti naman ako.

"Sige po."

Pumunta na ulit ito sa putikan para mag araro. Mabilis kong nilantakan ang pagkain ko para makatulong agad. Sinuot ko na ang malaking sombrero pananga sa init bago tumakbo patungo doon.

"Magandang hapon po Ate Rosing." Ngiting bati ko sa ginang na malapit sa akin.


"Ikaw pala Yska. Ang bait mo talagang bata ka at tumutulong ka dito."

Lumapit naman bigla si Aling Marites sa tabi niya. Bago tinignan ako pataas hanggang baba. Problema na naman nito.

"Hindi ka ba naiirita na napagkakamalan kang lalaki sa gupit mo Yska? Naku sayang ang ganda mo "Ismid pa nito.


Nakaraang araw kasi ay pina iklian ko ulit ang buhok ko. Dahil humaba na naman ito at umabot na sa balikat ko. Alam naman na siguro nilang palagi akong nagpapagupit bakit bini-big deal na naman ni Manang Marites.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bloom Of FlareWhere stories live. Discover now