Bridge for Love

101 2 1
                                    

“Siyempre dapat iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya” sabi ko.

“Eh pano naman yun?” tanong niya.

“Make her feel important. Na parang dota siya, na kinaaadikan mo.” sabi ko

“Tulad nito?” sabay hawak sa kamay ko. Tinatanggal ko yung kamay ko pero masyadong mahigpit yung hawak niya. At syempre kinikilig naman ako :”””>

“Uy!” sabi ko. Kunwaring ayokong nakahawak siya sa kamay ko. Hehe

“Nakakaadik kasing hawakan ang kamay mo, sobrang lambot.”

Sheeet! Kinikilig nanaman ako. At para mapigilan ko ang sarili ko kiligin sa harap niya eh iniba ko na lang yung topic.

“Eh sino ba kasi yang babaeng mahal mo? Antagal-tagal na kitang tinutulay diyan pero hindi ko naman siya kilala.”

Tinutulay ko kasi siya dun sa babaeng mahal niya by giving him some advices, kung pano manligaw at kung pano niya mapapasagot yung babaeng yun. Martir ko ba? Hindi naman masyado :P Okay lang yun, basta masaya siya. Andrama na. Haha.

“Andito na tayo” sabi niya. Hindi man lang sinagot ang tanong ko.

“Okay! Babye baby :)” sabi niya ulet sabay kaway at abot tengang ngiti. Ang cute ng dimples niya. Hay. Sana ako na lang yung babaeng yun.

Ako nga pala si Ella Bea. Wag kayong magtaka, Bea talaga surname ko. 4th year highschool student at umaasa na mamahalin ng taong mahal niya.

 Siya nga pala si Alex, gwapo at gentleman pero di pa nagkaka-gf (how I wish ako na lang yun). Pero sadyang tanga lang ako dahil pumayag akong itulay siya dun sa babaeng mahal niya na never ko pang nakita, pero base sa description niya, eh parang dyosa na hinulog este binaba ni Lord mula sa langit. Wala akong panama :(

Nakahiga na ko sa kama ng marinig kong nag-beep yung cp, meaning may message. Binasa ko:

From: Alex baby ko <3

            Baby, sorry hindi ko nasagot yung tanong mo kanina. Bukas, bukas malalaman mo kung sino siya. Aabutan ko siya ng bouquet of red roses sa may canteen tulad ng sabi mo. Punta ka dun ah, gusto ko makita mo lahat ng naituro mo sakin. Sige, pahinga ka na baby.

Kinabahan ako bigla. Kahit sabihin kong wag akong umasa, umaasa pa rin ako. Hayy. Bahala na.

-Kinabukasan, Recess time-

Napansin ng bestfriend kong si Erika na ambagal kong maglakad. Pano kasi parang nababaliw na natatae na kinakabahan ako.

“Oy chill ka lang. Relax ka lang friend!” kinuwento ko kasi sa kanya kagabi yung plano ni Alex sa telepono.

Nakaupo na kami sa isang table nang marinig kong nagsigawan yung mga estudyante sa canteen. Nang lumingon ako, nakita ko si Alex na papalapit sa amin.

Oh my God!

^______^

Ako ba?

:”””>

Ako ba talaga?

Teka…

Naglaho lahat ng pag-aassume ko ng may humarang na lalakeng matangkad sa harap ko. Nag-“excuse me po” ako at gumilid naman siya at nang makita ko si Alex….

-_________________-

Eh ginusto ko nang lamunin na lang ako ng lupa. May kausap siyang babae. Si Lady. Yung babaeng “perfect” ng school namin. Alam kong patulo na yung luha ko kaya tumakbo ako papuntang CR. Dun ko ibinuhos lahat. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Monday ngayon, hindi ako pumasok for 2 days pagkatapos nang nangyari sa canteen. Ayoko kasing makita niya na mugtong-mugto yung mata ko. Baka kasi magtaka siya at mapaamin pa ko. *Bell rings*

Lumabas na kami ng Science lab, napansin kong tumatakbo yung mga kaklase kong lalake. Ewan ko kung baket. Naka-shabu ata sila.

“Bat sila tumatakbo?” tanong ko kay Erika na kasabay kong naglalakad.

“Ewan ko :)” sabay ngiting tagumpay na parang kinikilig. Hindi ko na lang pinansin.

“Ah” sabi kong nanlalata.

“Alam mo friend, cheer up! Eto ang day mo ngayon! Expect the unexpected ;)” sabi niya. Hindi ko maintindihan tong loka-lokang to. Nagshashabu din ata.

Nang makapunta na ko sa corridor. Nagulat na lang ako ng may madikit sa sapatos ko. Heart-shaped na colored paper. May nakasulat na: “sabe mo, I should learn how to make an effort; eto na ginagawa ko na, ayos ba? At hinding-hindi ako magsisisi kahit paulet-ulet pa kong mapahiya o magmukhang tanga basta para sa’yo ;)”

“An----“ hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nawala na sa tabi ko si Erika. Langya, iniwan ako.

Pinulot ko pa yung isang heart, “sabe mo ang mga babae, minsan magulo yan at hindi maintindihan pero kahit ganun pa man, dapat intindihin sila. Kaya kahit nagtatantrums ka minsan o kahit araw-araw may topak ka, iintindihin kita. Iintindihin kita at hindi ako magsasawa.”

Naiiyak na ko. Alam kong siya ‘to. Pero sana hindi na ko magkamali this time.

Sabe mo ang mga babae dapat pinapangiti hindi pinapaiyak. Sorry pero hindi ko magagawa yun. Dahil araw-araw kitang paiiyakin sa sobrang kilig at saya. Sabagay, kahit ano namang gawin ko, kinikilig ka. Joke lang :)) Basta itong tatandaan mo. Lagi kitang pakikiligin tulad ng ginagawa mo sa akin :)”

Isang heart na lang ang natira at nasa tapat yun ng pinto. “Alam kong alam mo na kung sino ako. Ako yung lalaking laging nakatitig sayo hanggang sa matunaw ka. Ako yung lalaking abot tenga ang ngiti pag kasama ka. Kinikilig pag hawak ang kamay mo. Ayaw ko nang bitiwan kahit nasa bahay ka na. At yung taong mahal na mahal ka. Oo. Oo, ako yun.”

Nang binuksan ko yung pinto ng classroom…

O.O

Tumambad sakin yung madaming balloons sa may ceiling at sa may lapag. At sa bawat balloons na nasa ceiling ay may picture na nakatali dun. Puro picture naming dalawa na magkaholding hands, nagkukulitan, nakatingin sa isa’t-isa at marami pang iba.

O/////O

Tapos biglang may nag-strum ng gitara at lumabas si Alex mula sa isang pinto.  At kumanta ng My one and only you o Your song ng Parokya ni Edgar. Naiiyak na ko sa sobrang saya. Kinikilig na ewan yung nararamdaman ko. Tama nga si friend, expect the unexpected.

Nang matapos na yung kanta. Bigla siyang nagsalita.

“Di ba tinanong ko sayo dati kung pwede ka bang maging tulay para maging kame nung taong mahal ko. Pumayag ka at sinabi mong “Oo”. Sana ngayon, ganun din ang sagot mo kung tatanungin kita ng: Ella, pwede na ba kong tumawid papuntang puso mo?”

Naghiyawan yung mga kaklase ko at napangiti naman ako sabay sabe ng….

“Matagal na matagal ka nang nakatawid dito sa puso ko.”

END :) Hope you like it. Votes & comments are accepted. Thankyou! :* //Erika.Ella.Evita.Shella//

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bridge for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon