O12

16 4 5
                                    

"I am so proud of you,"

I could hear my father's voice in my head.

Ini-imagine ko na lang na sinabi niya rin sa akin 'yan kahit hindi ko naabot ang expectations niya tulad ng half-sister ko. Iniisip ko rin minsan na kung hindi umalis si Mommy siguro ay happy family kami. Si Dad, mommy, Eiryel at ako. Siguro. . . hindi ako nakakalimutan na kamustahin ni Daddy.

I let out a heavy sigh. "Instead of overthinking, mag-aral ka na lang Eri."

Hindi naman kasi ako matalino, sa sipag na lang siguro ito na magpasa ng mga requirements, activities, at pagpasa sa mga tests. Hindi rin ako gaanong nakikipag sabayan sa mga matatalino kong kaklase dahil nahihiya ako. Nahihiya ako na baka kapag nag-kamali ako ay pag-tawanan ako ng ibang mga kaklase.

I slid the presentation presented in my screen and wrote down notes that I needed for our CSS quiz tomorrow. Patapos na ako sa slide nang mag-pop up ang pangalan ni Rav sa notifications ng laptop at cellphone ko.

From Brixel Rogan:
why are u still up?

Hindi ko muna ito pinansin at tinapos na muna ang slide presentation na sinusulat ko. Pag-kalipat ko ng slide ay nag-pop up ulit ang pangalan ni Rav sa screen ko.

From Brixel Rogan:
Are we okay?

Napaigtad ako sa kinauupuan ng makita ko ang message na iyon.

To Brixel Rogan:
Oo naman! :)

Bakit hindi?

To Brixel Rogan:
nag-aaral ako, sama ka?

I made that joke to make the conversation light. Ayoko kasi isipin niya na hindi pa rin ako okay dahil lang wala ako sa with honors. Baka isipin niya na ang babaw ko.

He just seen my message. I feel like the joke that I made doesn't sound like a joke to him.

Nakalimutan ko ang emoji! Iniisip ko kung ihahabol ko ba ang emoji o hahayaan na siyang mag-isip kung joke ba 'yon o hindi.

From Rogan Brixel:
Video Call?


Agad akong nag-panic ng makita iyon. Akala niya ay seryoso ako! Pucha! Paano na ito ngayon? Sasakyan ko ba siya? Magvi-video call kami? Or baka ipahiya ko na lang sarili ko sa kaniya, sabihin kong joke lang iyon at gawing awkward ulit ang conversation.

To Brixel Rogan:
'Wag na, matulog ka na pala. It's past 12.

Bumuntong hininga ako sa sinend ko. Siguro ay mas maayos na ito kaysa sa sabihin ko na 'joke lang pala', nakakahiya naman iyon dahil ang pangit ng joke ko.

Nag-sulat na ulit ako at winaglit sa isipan ko ang usapan. Sigurado naman akong matutulog na talaga si Rogan dahil alam ko na antukin ang isang 'to at hindi 'to nag-pupuyat para mag-aral. Mas prefer niya ang mag-aral ng bagong gising.

I found myself tapping my ballpen at the table. Hindi ko maalala iyong ibang definition na kailangan. Madalas pa naman na identification at true or false  ang nilalaman ng quiz ni Ms. Joferly. Mahirap ito, lalo na yung true or false na ilalagay mo kung anong nag-pamali sa sentence kapag false ang sagot.  Noong elementary ay bine-basic ko lang ito, pero ngayon ay iniiyakan ko na.

Nakakalito kasi ang mga definition, at madalas, akala mo true ang sagot pero false pala dahil napamali ng iisang salita ang buong katanungan.

Lalo pa akong nawala sa focus ng mag-pop up nanaman ang profile ni Rogan sa screen ng mga gadgets ko.

Pinag-masdan ko muna ang profile niya kung saan nakatalikod siya at nakaharap sa kalmadong dagat. Halata mo na mahangin din ng araw na tinake niya ang picture dahil sa magulo niyang buhok. He's wearing a dark blue shirt of a well-known clothing line in the Philippines.

From Brixel Rogan:
I'm not sleepy. I can't sleep.

From Brixel Rogan:
I want to check on you because I didn't see you for the whole day.

Agad akong nag-tipa ng message sa kaniya at sinara na ang laptop at notebook para mahiga.

To Brixel Rogan:
Mag-kikita naman tayo bukas.

To Brixel Rogan:
Huwag mo akong masyadong ma-miss XD

Lalo akong nainis sa sarili dahil sa pag-banat ko nanaman ng jokes sa kaniya.

To Brixel Rogan:
Joke 😅

Ibinaba ko ang cellphone at nag-dasal na. Andami kong ipinag-dasal at kasama na doon ang buong pamilya ni Rav. Andami na nilang naitulong sa akin at kay lola kaya super thankful ako sa mga Amesval.

Hindi ko muna pinansin ang pag-tunog ng cellphone ko hanggang matapos ang dasal. Kaya ng matapos na ako ay halos tumayo ako sa pag-kakahiga ng makita ang message ni Rav.

From Brixel Rogan:
Paano?

Tangina, anong paano?

Meet Me On The Next Street ( Epistolary )Where stories live. Discover now