Roch's

24 4 0
                                    

"Rochelle, kailan mo ba'ko sasagutin? Ang tagal-tagal ko ng nanliligaw sayo. Hanggang kailan ba ako maghihintay?" Reklamo niya habang tinutulungan ako sa mga libro kong ilalagay ko sa locker ko.


Walong buwan, pitong araw at walong oras na siyang naghihintay ng matamis kong 'oo'. Ang totoo niyan, hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya paghihintayin, hindi ko rin masasagot kung hanggang kailan ako maghihintay. Hindi ko masisiguro na may patutunguhan ang lahat ng paghihirap at pagtitiis na ibinigay niya ma-please lang ako.


Sa loob ng walong buwan na yun, kilalang-kilala na niya ako, alam niya kung kelan nag-aalboroto ang tiyan ko, alam niya kung kelan ipapasa ang mga projects ko, lahat alam niya na tungkol sakin, dahil ni minsan hindi niya ako iniwan (syempre pwera na lang kung uuwi ako sa bahay, ibang usapan na yun!). Ewan ko kung bakit gustong-gusto niya ako. Ang isang katulad niya ay hindi nababagay sa isang katulad ko.


"Paolo kung naiinip ka na, itigil mo na. Hindi naman kita pinipilit ah?"


"Ayoko nga! Si Paolo ay para kay Rochelle lang! Kung hindi ikaw, wag na lang. Tsaka ngayon pa ba ako susuko eh alam ko naman na nagugustuhan mo na din ako." Tumataas lagi ang balahibo ko pag nagsasalita siya ng ganyan. Parang natural lang sa kanya ang magsabi ng ganun. Ibang klase.


Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, ano ba'ng nagustuhan sakin nitong lalaking to? "Tapatin mo na kase ako Paolo, pinagtritripan mo lang naman ako eh. Umamin ka na. Hindi ako magagalit. Promise!"


Nagdilim na naman ang paningin niya. Lagi pag sinasabi ko sa kanya yun, nagiging ganito ang reaksyon niya. Eh matitiis niya ba ako? Hindi kami bagay! Jusko mahabag! Literal na magiging langit ka lupa ako ang peg namen pag nagkataon! At tulad ng lagi niyang ginagawa pag sinasabi ko yun, nagwo-walk out siya. Di ko na lang siya pinansin. Alam ko naman na ilalagay niya pa din yung mga gamit ko sa locker. May duplicate siya ng susi ko eh.


Lumipas ang araw at hindi ko pa rin siya nakikita. Ganun talaga yun, nagtatampo. Bahala nga siya!


"Oh wala ata yung masugid mong manliligaw Rochelle? Natauhan na ba? Narealize niya na ba na hindi kayo bagay?" Sabay tawa ni Majoy. Sanay na ako dito sa babaeng to. Ganyan naman yan, may pagnanasa kase yan kay Paolo kaya ganyan!


"Hoy! Aawayin mo na naman Maj eh! Bagay kaya sila! Kapag naging sila, may proof na ang salitang love is blind!" Nagtutulakan pa sila sa kakatawa, makapanlaet naman! Alam ko naman yun ah? Kailangang ipamukha?


"Totoo naman eh! Isipin mo naman, Campus Genius na gwapo maiinlove sa chubbytang to? Matangkad si Paolo ang bagay sa kanya yung matangkad din, di tulad nitong si Rochelle, ka-height lang ang mga grade 6. Sa tindig ni Paolo ang bagay sa kanya, yung mestiza at mahaba hair parang nag-Rejoice lang! Yung ganung klaseng mukha, mala-Liza Soberano dapat ang ganda ng girlfriend, hindi katulad nito,"


Sabay turo saken."Jusko, ewan ko na lang. Kahit saang banda, angle, perimeter at kilowatts mo tignan, wala talagang mag-coconnect, walang match, wala talaga! Hindi ko alam kung ba't biglang nagtanong yun dito kung pwedeng manligaw. Believe me 'beh, hanggang ngayon gulat pa din buong pagkatao ko!"


Hindi ko na pala kailangan i-explain kung bakit hanggang ngayon hindi ko sinasagot si Paolo, na-explain na ni Majoy. With feelings pa. Masakit malaman na kahit kaibigan mo feeling ay ganun. Pero kung tutuusin, kahit sino naman siguro, ganun din ang iisipin. Hindi talaga kami magiging bagay ni Paolo. Kahit saan mo tignan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

888Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon