Depende

17 0 0
                                    

"Basta libre mo ko bukas. Donut."

"Donut lang?"

"Tsaka mountain dew. At Kitkat."

"Sige. Tawagin mo ko sa classroom namin."

"Sigeeee."

I'm Jullianna. Ako yung nagpapalibre. Yung kachat ko naman, siya si Nathan.

Si Nathan, magaling magbasketball kaya heartthrob, tahimik, matangkad, simple pero pogi parin.

Ang plano ko lang nung umpisa ay pagtripan siya, istorbohin, kulitin ganon. Pero sa 1 week na panggugulo ko sakanya, nagkakagusto na pala ako. Nahuhulog nanaman ako!

Ayaw ko mang mahulog kasi baka hindi nanaman ako masalo, di ko parin mapigilan kasi nga, ang sarap niyang kausap.

At eto nanaman ako, kakausapin ko nanaman siya! Online siya gabi gabi. Mga 8:30 ko siya kinukulit hanggang mga 10:30 or 11:00 ng gabi. Ako unang naghaHi. Hahaha.

"Nathan!"

After 10 seconds.

"Jullianna?"

"Hello! HAHAHAHAHA"

"Hahaha. Hi!"

"Hahaha. Wala na akong masabe."

"Tanong ka."

Yun yun eh. Kaya gusto ko siyang kausap kasi nagtatanungan kami. Nagkwekwentuhan sa mga kabaliwan namin.

"Aah, bakit ang tangkad tangkad mo?"

"Hahaha. Mana sa papa."

Mabilis siyang magreply sakin!

"Aaaaah. Bakit ang galing mong magbasketball?"

"Magaling din kasi si papa."

"Pogi ba papa mo? Hahahaha."

"Hahaha. Sakto lang."

"Kamukha mo?"

"Oo."

Kung ano-anong tinatanong ko syet! Hahaha.

"Oh, ikaw magkwento ka!"

After 1 minute, tagal niya kasing magtype.

"Nung elem ako, suki ako sa office."

"HAHAHAHA. Ano pa?"

"Kaw muna. Tanong ka."

"Kaw muna ah! Katatapos ko lang."

Masaya talaga ako kapag kachat ko siya. Di maalis yun ngiti ko kaya inaasar ako ng mama ko na may boyfriend na daw ako, eh NBSB naman ako!

"Anong hilig mo?"

Waaaaaah! Kinikilig ako sa mga ganyang tanong eh!

"Ah, magbike, magbasa, kumain ng chocolate, tsaka kumanta."

"Ay. Hahaha."

"Ikaw? Anong hilig mo?"

"Magbasketball, tulog, computer."

"Gumimik!"

"Hindi na masyado. Good boy na ko."

"Ay. Hahaha. Ano pa?"

"Ikaw kwento ka."

"Nung grade 6 ako, natisod ako sa hagdan."

"Hahaha. Maraming nakakita?"

"Yung guard lang."

"Ay. Hahaha."

Naspeechless nanaman! Kaya kailangan kong buhayin yung conversation.

DEPENDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon