Chapter 10

340 10 8
                                    

 ☺☻♥♦♣ Chapter 10♣♦♥☻☺

☺☻♥♦♣ What dahh!!!♣♦♥☻☺

3rd person’s POV

Bago pa nagsimula ang panghaharana ni Abra.

Bakas na sa mukha ng mga dumadaang kapit-bahay ang pagtataka kung bakit may dala-dalang gitara si Abra. Hindi lang iyon. Bakit manghaharana ang isang GWAPO at MAYAMAN sa isang bahay na napakapangit, naluma na at Haunted house na kumbaga kung tawagin ng mga taga roon.

(-.-?)

Masangsang at umaalingawngaw sa bahay nina Sandy ang mga asong umuungol.

Kung kaya’t tumindig ang balahibo ng kasamahan ni Abra sa panghaharana.

 ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++=

Matapos ang malapelikulang kaganapan, pumasok na sina Abra at Sandy sa Mansion na lambing na lambing at dikit na dikit si Sandy kay Abra na kulang na lang eh magkapalit ang mga mukha ng dalawa.

Habang masayang naghaharutan ang dalawa sa loob. Panay naman ang talaktak ng mga opinion ng mga  chismoso at chismosa sa kanilang nasaksihan.

“Hoy! Indang!!!! GURLLL!!!!. Kaila ba ka atong lalakwee kaganina???? Hastang gwapuha uie!!! SUBRA!!”—sigaw ng Visayan girl sa kanyang katabi.

“Hoy pud!!! Ayaw ra gud pagbisaya! Di kasabot ang ubang mobasa ani ba!!!!! ” bulyaw naman ng  Visayan Girl 2. (Translation: Hoy din! Wag ka ngang magbisaya. ‘Di makakaintindi ang ibangmagbabasa neto.)

“Segi na nga! De na ako magbebesaya!!! Kelala mo ba yong lalakwe kanina?? Subrang GWAFUUUU!!!!”---sigaw na naman ulit ng Visaya 1.

“ Of course noh! It’s so very very much wonderfulness, so marvelousness, so very amazingness in the sight kanina. The guy is so very handsomeness. I’m over craziness to him. He’s Abra,you know, the artista. “--- trying hard na English ng Visaya 2.

Kahit na di naiintindihan ng mga mambabasa ang mga pinagsasabi nila, atleast nagkaintindihan ang dalawa.

Sa kabilang grupo naman ng chismosang ubod ng ganda kuno.

“WAHHH! So Cute ng lalaki kanina! Crush ko na siya!! OMG!”---Babae 1

“Alam mo, ang CRUSH para yang STAR”--- sumbat naman ng nag-a-ala nerd sa laki ng eyeglass wala namang grado.

“Eh? Bakit?” – nagtatakang tanong ng Babae 1

“ Ang sarap titigan pero di talaga malapitan ^_^ hehe“ – sabi ng Nerdy raw.

“bye”—dagdag nito bago pa makasagot yung babae 1

“Argggg!! Anu ba yung babaeng yun! Sumasabat sa usapan ng may usapan.”

“Tama nga naman siya… May idadagdag lang ako sa sinabi niya. And Crush ng crush mo para rin yang STAR, di na talaga malapitan sa pait na mukhang nadaganan.Hahaha! I’m so Intelligent!!”—pagmamalaki ng katabi ng babae 1.

Sa kabilang kanto naman, may mga tambay na nagchichismisan again.

“Pare, yung nangharana kanina sa harap ng haunted house kanina yung gwapo, mas gwapo nga lang tayo ng libong dangkal.”—Tambay 1

“Ano na naman plano mo?”- Tambay 2

“Wala lang. Mamanmanan natin ulit yung mangyayari sa kanila.” Tambay 1

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"GAYUMA"[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon