PART 2

197 6 1
                                    

It's been a month since Jethro and I got married, and I take back what I said before na hindi kami magiging magkaibigan dahil now, parang mag kaibigan na kami.

But I didn't expect that the day what I am afraid of has come.

"Wifey!!" Sigaw nito. Dali-dali akong bumaba dahil naalala ko na sinusubukan nitong mag luto kanina at baka kung ano na ang nangyari sa kan'ya.

"An'yare?" Tanong ko.

"I'm done! Tikman mo nga!" Nangasim ang itsura ng mukha ko dahil sa pakulo n'ya.  Naka halumbaba naman ito sa harapan ko habang taas baba ang kilay at iniintay akong tikman ang adobong ginawa n'ya.

Sinunod ko ang gusto n'ya but I rather be not tastes it AGAIN! "Lasang toyo!"

Nagulantang naman ito sa sinabi ko at Dali daling lumapit sa akin, hindi ko pa ibinababa ang kutsara na may kaunti pang sabaw na s'ya naman ngayon ang tumitikim. Sa ginawa n'ya ngayon ay isang dangkal na lamang ang pagitan ng mga mukha namin.

'Eto na naman ang dibdib ko mabilis ang pagkabog na tila may tumutugtog ng tambol. I can't explain this sensation na para akong kinikiliti sa loob ng t'yan ko.

"Seriously? Lasang toyo lang naman pero bakit namumula ka na? Gan'on ba talaga kapangit ang lasa?" Kunot noo nitong tanong sa akin na ngayon ay hindi pa'rin umaalis sa harapan ko. Until his phone rings.
"Yes Lucas?" Napaagwat naman kami sa isa't isa at nabalik ako sa normal. "WHAT? THE HELL! Hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi ko tinitigilan ang gallery!" Nagulat ako sa pagsigaw n'ya halata dito na galit na galita s'ya. Ngayon ko lang nakita si Jethro na gan'on, pakiramdam ko bumalik na naman ang magaspang n'yang ugali.

After ng call ay hindi na nito ako pinansin at dali-dali nang lumabas ng bahay at umalis. Hinabol ko ito pero mabilis na naka-alis ang kotse n'ya.

Napagpas'yahan ko na lamang na ayusin ng luto ang adobo para pagdating n'ya ay makakain na s'ya. But, when he returns, lasing na lasing ito kasama ang isang lalaki na umaalalay sa kan'ya.

"Hi! Sorry at ginabi na si Jet naging masama lang talaga ang hapon n'ya, I'm Lucas by the way, best friend and business partner n'ya." Inaro naman nito ang kamay n'ya na inabot ko para makipag handshake.

"Ako si RC Asawa n'ya." Nakangiti kong tugon.

"I can't believe na may asawa na 'yang loko na 'yan" Saad nito.

"It's an arrange marriage though kaya hindi n'ya kasalanan." Sagot ko.

"Yes, sa kagustuhan n'yang masalba ang business namin pumayag s'ya sa gusto ng mga magulang n'ya." May lungkot na sabi nito. Hindi ko alam na may business si Jethro, at mas lalong hindi ko alam na nagawa n'yang pumayag para d'on.

"Anong business ba 'yan?" I asked.

"It's a gallery, I don't if it's business for you." Kamot batok nitong sagot.

"Bakit sa lahat ng business, gallery ang pinili n'ya?" Out of the blue kong tanong, for me he's not that kind of person na gusto ang mga painting or arts.

"Well he's a good artist, noon pa la'ng gusto na n'ya ang arts. Kaya lang ang parents n'ya ang ayaw sa gallery kaya pilit nilang pinasasara 'yun, iyun din ang dahilan kaya s'ya lasing Ngayon." Nagulat ako sa sagot ni Lucas, marami pa'rin pala talaga akong hindi alam sa kan'ya, pero I didn't expect na gan'on ang mga magulang n'ya.

"Oh! I forgot, you want water? Juice? Or kumain ka na ba? Marami pa'ng tira sa niluto ni Jethro kanina." Napataas naman ang dalawa nitong kilay sa sinabi ko.

"Si Jet nagluto?" Tanong nito at tumango lang naman ako. " I can't believe he did that."

"Sumubok s'ya kanina, kaya lang—'yung adobo lasang toyo. Pero don't worry naayos ko na naman, ipaghahain lang kita ha." Saad ko.

When I Said YesWhere stories live. Discover now