Chapter 1: Zoey Kim

53 1 0
                                    

~Zoey Kim~

Umagang-umaga pa lang, nagising ako dahil sa pambubulabog ng loko kong kapatid na nag-ngangalang Zion Choi.

"Zoey! Wake up! You're going to be late for college!" Sigaw nya at sabay yugyog sa kaawa-awa at sexy kong katawan.

"Mmmm... Mamaya na, kuya. I'm still sleeping. I was up 'til midnight..." Narinig ko siyang mag buntong-hininga sa halong inis at pagod dahil sa paggising sakin.

"Sino ba kasing nag-sabi sayong mag-puyat ka magdamag?" Inalis ko kaunti yung naka-patong na unan sa ulo ko at sinilip ang itsura nya. Medyo natawa naman ako dahil parang hindi maipinta ang reaksyon ng kapatid ko.

"Pffftt!" Tinawanan ko siya at sabay umupo nalang sa higaan ko.

"Para kang batang kawawa, kuya. Alam mo ba yun?" Nag-kamot lang siya ng ulo habang naka-tingin sakin ng medyo masama.

"Bilisan mo na nga diyan at baka pati ako pagalitan pa ni mommy dahil sayo." Umalis na siya ng tuluyan sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang buong paligid ng kwarto ko, at tumigil yung tingin ko sa bedside table ko. Naka-patong dun yung family picture namin, ako, picture naming dalawa ni kuya at ang picture naming magbe-bestfriends. Napa-ngiti ako ng makita ko ang mga litrato na nag-lalaman ng madaming good memories from the past.

Tumayo na ako ng tuluyan bago pa ako mabulyawan ulit ng maingay pero napaka-bait kong kuya. Nag-simula na akong mag-ayos para sa buong araw ng torture in college.

Pag-katapos kong maligo at kung ano-anong ka-ek-ekan. Bumaba ako na ako sa dining room kung saan ko nakitang kumakain sina mommy, daddy at kuya.

Kiniss ko yung cheek ni mommy at daddy bago bumati ng 'Good Morning', saka ako umupo sa upuan na katabi ng kay kuya.

"Oh, buti naman medyo napa-aga ka, Zoey. Kung hindi kapa ginising ng kuya mo, panigurado late ka na naman para sa klase mo." Natatawang sabi ni mommy.

"Kulang na nga lang sa ginawa ni kuya, buhusan nya ako ng malamig na tubig eh. Yugyugin daw ba ako para magising. Buti nalang hindi natanggal yung kaluluwa ko sa loob ng katawan ko.' Inumpisahan ko ng kumain, ng napansin kong naka-tingin silang tatlo sa akin.

"What?" Tanong ko, at ibinaba ko ang kutsarang hawak ko sa plato ko.

Umiling naman sila at nag-patuloy sa pagkain ng almusal. Ang aga-aga eh, kung mga umasta naman sila mommy't daddy, para naman akong naka-patay ng tao.

Pag-katapos kong kumain, nag-paalam na kami ni kuya sa magulang namin. Pumunta na kami sa labas ng bahay pag-kakuha namin ng gamit namin na nasa living room.

"Get in." Utos ni kuya sakin at pinag-buksan ako ng pinto ng kotse niya.

Wow ha? Mag-sasabay kami ni kuya sa isang sasakyan? Himala ata yun. Ano kayang meron at bigla niyang naisipang isabay ako? Marunong na naman ako mag-maneho.

Sinunod ko nalang yung utos niya at pumasok sa loob ng sasakyan niyang mamahalin. Pag-sakay na pag-sakay palang ni kuya, bumungad na sa kanya ang isang daang tanong ko.

"Anung meron ngayon? Nauntog mo ba sarili mo sa pader at bigla mong naisipang isabay ako? Hindi ko naman birthday? What's happening? The world's not ending right?" Inis naman siyang tumingin sa akin.

"Do I need to have a reason para isabay ka sa akin?" Napa-tigil naman ako dahil sa sinabi ni kuya Zion. Nag-kamot ako ng ulo dahil sa pag-tataka.

"Pwede. Minsan kasi kapag may good things kang ginagawa para sa akin, alam kong may ulterior motive ka eh." Nginitian ko lang siya ng maloko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Imperfectly, Perfect LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon