Mga Mata ng Isang Ina
Maaga palang at gising na si Aling Amelia. Abala ito sa pag-aayos ng gamit na gagamitin sa bukid na sinasaka. Nasa 38 taong gulang na ito, ngunit dahil sa hirap at mabibigat na gawain aakalain mong lagpas 40 anyos na ito.Ang mga buhok ay di pa gaanong mapuputi, ngunit sa mukha nito ay mababakas ang itsurang puspos sa gawaing mabibigat. Bukod tangi siya sa babaeng naninirahan sa lugar na iyon.Sa halip na nasa bahay ito, ay nasa bukid ito maghapon upang magsaka.Ito ang alam niyang pinakamadaling solusyon gawin para sa isang kagaya niyang balo at nagpapa-aral ng anak sa kolehiyo. Hindi niya alintana ang hirap na dinadanas sa araw-araw.Mahalaga sa kanya ang makaraos sa buhay at mapadalhan ng pera ang anak na nag-aaral sa Maynila. Mahirap lamang sila, ngunit dahil sa angking talino ng anak na si Luisa, nagawa nitong makapasok sa isang sikat na Unibersidad bilang iskolar.
Lingguhan siyang nagpapadala ng pera sa anak ngunit may pagkakataon na biglaan itong nanghihingi kahit di pa araw ng lingo kaya’t kahit nagkakandautang ay gumagawa ito ng paraan.Ayaw niyang maging dahilan ng pagkagalit ng kaniyang anak ang perang hinihingi pag hindi naibibigay.Simula nang mag-aral si Luisa sa kolehiyo ay minsanan nalang itong umuwi sa kanilang baryo.Nangungulila man siya sa kaniyang anak ay wala siyang magawa.
Tuwing nasa daan siya pa puntang bukid ay lagi niyang naaalala ang anak.Madalas niyang balikan ang mga araw na magkasama silang naglalakad na masaya.Lumaking mabait si Luisa ngunit nagbago ito ng tumuntong ng hayskul hanggang sa mag kolehiyo.At dahil doon, minsan na isip niyang sana hindi nalang siya pumayag mag-aral ang anak, dahil alam niyang isa sa nagpa impluwensya sa kanya ay ang mga taong nakilala nito habang nag-aaral.Masaya siya na nakakapag-aral ang kaniyang anak ngunit may pagkakataon din na nasasaktan siya dahil sa mga ginagaw nito sa kanya.Nariyan ang pangyayari na minsa’y hingian siya ng kung ano-ano ng kaniyang anak, at nagagalit ito pag hindi napagbibigyan. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang responsibilidad niyang ibigay ang gusto ng anak dahil nakikita niyang porsigido ito sa pag-aaral. Sa tuwing naaalala niyang ang mga pangyayaring iyon ay hindi niya namamalayang unti-unting pumapatak ang kaniyang luha.
Patuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang bukid. Nakitaan na naman siya ng bagong pag-asa.
“Malapit ng maani ang mga mais, pagnaibenta ko ang mga ito, tiyak na makakadalo ako sa araw ng pagtatapos ni Luisa” masayang bulong niya sa sarili.
Ganito na halos araw-araw ang dasal niya sa Panginoon,ang makadalo sa araw ng pagtatapos ng kaniyang anak.Malaking karangalan iyon para sa kanya, ang makitang nasa entablado ang anak at matanggap ang diploma.
Maghapon siya sa bukid upang bantayan ang kaniyang pananim at uuwi siya sa pagsapit ng dapit-hapon.
Lumipas ang apat na araw at dumating narin ang pinakahinihintay niya, ang pag-aani ng kaniyang tanim.Habang abala ang ibang magsasaka sa pagaani, siya naman ay hindi naiaalis ang mga ngiti sa mukha, na siyang napansin ng isa sa kaniyang matalik na kaibigan.
“Kumare naman, bahagian mo naman ako ng ngiti mo”asar sa kaniya ni Lydia na alam ang dahilan ng mga ngiting iyon.
“Ito naman, naman minsan na nga lang ako maging masaya, nakikihati kapa” biro niyang sagot.
“Hahaha…siya sige hindi na…”maigsi niyang sabi. “Siya nga pala. Kung luluwas ng Maynila ang trak na magdadala nitong mga mais, ang mabuti pa ay makisabay na tayo para hindi na tayo gumastos sa pamasahe”dugtong niya.
“Talaga mare?,pwede tayong makisabay?”
“Oo naman,kinausap ko na nga ang drayber ng trak eh.. at pumayag naman”.
![](https://img.wattpad.com/cover/4604283-288-k155407.jpg)