Chapter 13

168 8 0
                                    

3rd Person's POV

Nang makatalon si Daniel pababa, agad nyang pinaulanan ng bala ang mga armadong lalake. Marami dito ang napuruhan. Nang makakaba sya pinutol nya ang tali at kinuha ang espada nya.

Naging close fight ang laban dahil wala ng bala ang mga lalake. She positioned herself. She smirked. Dito sya magaling. Sa man to man combat. Sinugod sya ng mga lalake. Agad nyang pinagsasasaksak ang mga ito. May mga nakakatama sakanya. Pero hindi nya iniinda iyon. Wala syang nararamdaman. Manhid na sya. Sanay na sya.

Hindi nya inaasahan na pupukpukin sya ng baseball sa likod kaya napaluhod sya. Agad syang pinagtulungan ng mga ito.

"Daniel!" Pagsigaw ni Lucas. Agad silang sumugod ng maihatid nila si Demon sa ospital. Nakipaglaban sila dito. Habang ang nanghihinang si Daniel ay tinangay.

"Dalian mo nga!" Sabi bi Stella sa tauhang nagbubuhat kay Daniel. Umakyat sila sa second floor para hanapin si Brittany.

"Brittany! Andyan na sila!" Sabi ni Stella sa nakahigang si Brittany.

"What?! Shit! Tara na!" Paghatak ni Brittany kay Stella.

"P-Paano yung baby?" Sabi ni Stella habang pumapalag sa paghatak ni Brittany.

"Edi iiwan! Alangan dalhin ko yan!" Sabi ni Brittany. Pero nagmatigas si Stella.

"Kukunin ko yung bata!" Pag sigaw nya kay Brittany. Nakatanggap naman sya ng isang malakas na sampal mula dito.

"Baka gusto mong ipaalam ko sa mga magulang mo at sa mga herrera ang tunay na nangyare sa ate mo at sa boyfriend nito." Pagbabanta sakanya ni Brittany. Agad naman syang umiling at sumunod nalang kay brittany. Nang makarating sila sa likod itinali nila sila Daniel at ipinasok sa isang kotse.

"Ikaw magdrive nyan, Stella. Siguraduhin mong patay yan. Kundi kakalat ang sikreto mo sa buong pamilya mo." Pagbabanta ni Brittany kay Stella. Puro tango nalang ang nagawa nya. At sinimulan ng mag maneho.

Sa kabilang banda. Duguan at sugatan ang sila Lucas.

"Daniel!" Pagsigaw nila. Nakarinig naman sila ng iyak mula sa second floor. Agad silang tumakbo dun. Nakita nila si Spade nakahiga sa isang kama. Katabi ang isang bomba.

"Fuck! 30 seconds! Takbo!" Sabi ni Solar. Agad namang kinuha ni Alexander si Baby Spade at tumakbo na sila.

"10 seconds!" Pagsigaw ni Cain. Medyo nakakalayo palang sila ng sumabog ang building. Dahil sa impact ng pagsabog tumilapon sila. Sa sandaling iyon. Nawalan sila ng malay. Ang huling narinig nila ay ang Siren ng pulis at bumbero na tinawagan ni Solar kanina.

Patuloy sa pagmamaneho si Stella ng napakabilis. Nakakita sya ng isang tuck. Truck na nagdadala ng gas. Medyo malayo pa ito. Naalimpungatan naman si Daniel at tuluyan ng nagising.

"Sorry.. sorry talaga." Pagkasabing pagkasabi ni Stella nun binilisan nya yung takbo atyaka tumalon palabas ng kotse. Naiwan si Daniel sa loob ng kotse na babangga.

Nakarinig si Stella ng isang napakalas na pagsabog kasabay nun ang pagiyak nya. Maya maya pa dumating na ang ambulansya at ang mga bumbero. Tinulungan sya ng mga ito..

"Ilang ang patay?" Pagtanong ng isang bumbero sa kapwa nito habang tinutulungan si Stella.

"Lima, 4 lalake isang babae. Sunog na sunog lahat." Sagot naman ng isang bumbero. Kaya lalong umiyak si Stella.

Nakapatay ako. Pagsabi neto sa kanyang sarili.

One of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon