Prologue

3 1 0
                                    

99.9 % of people have common denominator, some use it wisely, some not so use wisely and others don't use it all.

And I'm belong to 'some use it wisely ' despite of what I've been through in life.

Malapit na naman ang pasukan at ngayon ay college na ako. Another milestone na naman to para sa'kin. Kumuha ako ng kursong enhinyero.

"Ehra, iyong damit ko wag mong kalimutang labhan!" Saad ng aking ama bago lumabas ng bahay papunta sa kaniyang trabaho. Hindi nalang ako sumagot kahit naman ano ang aking gawin wala pa rin akong magagawa, lalabhan at lalabhan ko pa rin iyong damit niya.

"Ate, malapit na pasukan namin...need ko ng maayos na bag. Sira na kasi iyong lagi kong ginagamit," my little sister said. Magsi-senior high na kasi siya at hanggang ngayon iyong bag na meron siya noong elementary ang ginagamit niya.

Oo, mahirap lang talaga kami. Isang kahig isang tuka lang ang buhay namin. Hindi naman sana ganito ang buhay namin kung marunong lang mag-ipon si papa. Sinusugal niya kasi ang pera kaya minsan noong nag-aaral pa akong highschool, pumapasok ako ng walang baon.

"Sige, Fiona, hahanap si ate ng paraan para mabilhan ka," sabi ko sa kaniya at agad naman siyang ngumiti at niyakap ako.

"Ate, i want ice cream!" Sigaw ng 3 years old kong kapatid.

Kinarga ko siya at nagsalita, "Sige, baby, pag uwi ni ate mamaya may ice cream kana. Basta mag paka-behave ka lang, okay?" Tumango naman siya.

"Yieeeee the best you, ate!" Sabi niya nito sabay palakpak.

"Kiss ate nga," sabi ko sabay turo sa kanang cheek ko. Agad naman niyang ginawa.

"Anak, pasensya kana ha! Alam kong nahihirapan kana sa sitwasyon natin. Kahit gustuhin ko mang tulungan nga e hindi ko magawa kasi sa sitwasyon ko," biglang sambit ni mama. Naaksidente kasi siya dahil sa sinakyan niya noon na walang preno kaya ngayon hindi na siya makalakad.

Iyon ang ang araw na gusto ko nalang sumuko. At nagkataon din noon na natalo ang pera na dapat ay ibayad sa utang ni mama kay Aling Merang.

Binaba ko si Tristan at lumapit kay mama. "Ma, wag mo akong alalahanin kaya ko pa naman. Syaka kaunti nalang talaga ito magkakaron na kayo ng engineer. Papagawa talaga ako ng magandang bahay para sa'tin, ma," sabi ko habang naluluha.

"Sipagan mo, anak, nandito lang ako para sayo kami ng mga kapatid mo." Agad kong niyakap si mama. "Tristan at Fiona, sali na kayo sa yakapan!"

***

"Ayoko na!" Kahit masakit pero ito ang kailangan naming gawin.

"I wont," he said while staring at me.

"Ayoko na, please, pakawalan mo na ako. Pagod na pagod na ako!" Hindi matigil ang iyak ko.

"Ehra, I love you! At ayokong maghiwalay tayo!" Bumuntong hininga siya habang sinabi ang mga salita na iyon.

"We're no longer work! Wala tayong patutunguhan! Hindi tayo bagay! We're not compatible...." Pinigilan kong hindi tumulo ulit ang luha ko bago bitiwan ang mga hindi totoong salita.

"Fuck. What are you saying? We're okay naman, Ehra. Bakit nagkaganito ka?" Tanong niya. Iniwas ko na lamang aking aking paningin sa taas.

"I don't love you anymore, Jordan!"

Ramdam ko ang titig niya kahit hindi ko tingnan.

"Let's end this..."

Hindi pa rin siya sumagot. Kaya nilingon ko siya.

"Maybe, I'm not your common denominator...."

"We're like asymptotes. We can only get closer, but we can never be together..." I said.

"Okay then. But i still believe, You and I are just fractions in a world of reals, but together we could be whole," seryosong sagot niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Common DenominatorWhere stories live. Discover now