Chapter 1

1 0 0
                                    


Living a life of your dreams is what most teenagers ask, actually, hindi lang naman teenagers, even 5 years older or kahit anong taon pa 'yan gugustuhin mo ding mamuhay sa paraang gusto at inaasam mo.

I never ask for marangyang buhay. All I ever want is a peaceful life, 'yung vibes e para kang nasa province.

Wala e, sa city ka pinanganak at lumaki, Elcid.

"Ely!" Lia called.

Akala mo naman napakalayo ng pagitan namin. She's just one row apart from my seat for pete's sake!

Damn this bitch. Ilang beses ko ba dapat ulitin sakaniya na 'wag ako tawagin sa nickname ko?

"Tangina mo."

"Napa-check niyo na chapters niyo?" tanong niya.

"Sana alam mong break time natin ngayon. Please lang, gusto ko namang mapahinga yung utak ko sa research na iyan. Sawang sawa na ako kung alam niyo lang."

"Daming ebas nito, nagtatanong lang." Lia said habang nakikikuha sa brownies na nasa desk ko.

"Ano pang kailangan mo?" I ask kasi nakaupo na siya sa tabi ko.

"Bukod sa baon ko na brownies."

She pouted.

Duck.

"Bakit ba ang init nanaman ng ulo mo? Nag-away kayo ng jowabels mo 'no?" Nang-aasar na ani nito.

Ingay ng bunganga nito ang sarap supalpalin.

"Isa pang buka ng bibig mo sisiguraduhin ko na iyan na ang last na information na makukuha mo saakin." I said while inililipat sa desk niya ang baon na brownies. Nakita ko naman na natuwa siya sa ginawa ko.

"Sa iyo na iyan. Inaantok ako. Alis!"

"Haha thanks!"

So annoying.

We're in the middle of creating our research since malapit na matapos ang first sem sa grade 12 and alam ko naman na hindi maiiwasan na sa isang group ay may mas mabigat pa sa neutron star, minalas lang ako sa part na lahat ng groupmates ko ay lahat sila neutron star.

Punyeta talaga.

"Punta kayo sa saturday  sa house namin, sabay sabay nating gawin 'yung chapter 2 para makapag survey na tayo."

"Ge."

Bwisit. Mas nonchalant pa sa boyfriend ko e.

"Male-late ako ng onti bukas ah," one of my groupmates said.

Wala pa nga akong sinasabing oras male-late na agad. Swerte ko talaga.

Bwisit na buhay. Dapat pinutok nalang ako sa kama e, kung ganito lang rin pala na magbubuhat ako ng groupmates.

I don't really get it why there are some punk that can sleep like a sweet child every night knowing na mayroong isang leader na naghihirap na buhatin sila sa kung ano mang group works iyan.

Tangina, kaya mas gusto ko na individual nalang eh! Less stress at kung may problema man, sarili ko nalang.

Some can go to malls but will show a duck-like face everytime hihingian ng ambag for prints.

Halos pera na nga lang ang ambag labag pa sa loob.

There are even some students that's super alcoholic! kayang iflex ang alak pero ang grades kinekeep it lowkey.

Oh, lahat iyan groupmates ko.

"How's your day went?"


"It's good. Inantok ako sa room."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our untold liesWhere stories live. Discover now