Chapter 6: Danger

2.1K 85 7
                                    

Chapter 6: Danger


Nagising ako kinabukasan ng mas maaga kaysa sa dati, dahil na rin siguro sa mga gawaing naiwan sa akin. Ikatatlong araw nang wala sina Nana Marty at Calum sa mansion. Kahit papaano ay nangungulila na rin ako sa presensya nila.


Sumilip muna ako sa labas dahil sa kulimlim ng panahon at tinatantya kung makakapaglinis ba ako dahil baka na lamang biglang bumuhos ang ulan. Napabuntong hininga na lang ako at pumasok sa kusina para magluto pagkatapos ay naglinis akong muli ng loob ng mansion, hindi na muna ako naglinis sa labas. Balak ko rin kasing bumaba sa bayan para mamalengke. Paubos na ang stock at kung hindi ako ngayon bibili ng panibago ay baka magtagalan at mahirapan na akong makapunta sa bayan.


Mabuti na lamang ay nag-iwan si Nana Marty ng pampalengke, inipit niya iyon sa ibabaw ng refrigerator. Bibisitahin ko muna si kuya sa baba upang hatidan ng pagkain, si Lucien naman ay natitiyak kong bababa mamaya. Tulad nitong mga nakaraan ay sumama sa akin si Calcifer pababa, kung madalas ay naaabutan ko si kuyang tulog ngayon ay naabutan ko siyang gising at nagbabasa ng isang lumang libro. Marahil ay binigay iyon sa kaniya rito ni Calum upang may mapaglibangan siya.


"Good morning kuya, buti naman at naabutan kitang gising." Bati ko sa kaniya habang nakangiti at inilalapag ang pagkain sa side table. Binaba niya ang libro at tumingin sa akin bago bahagyang ngumiti.


"Good morning too, baby. Are you okay? Napapadalas ang paghahatid mo ng pagkain, pinayagan ka niya?" he asked a little bit worried.


"Yes, he's true to his word, kuya, don't worry." Tumango-tango naman siya at tila napanatag. Ilang minute pa akong nanatili roon habang hinahaplos ang katawan ni Calcifer na walang kibo namang natutulog sa aking braso. I was watching my brother eat his food bago ako nagpaalam at bumalik sa kusina upang maghugas ng pinggan.


Sa kalagitnaan ng ginagawa ay agad akong nakarinig ng yapak pababa ng hagdan kaya sigurado akong si Lucien na iyon. Lumabas ako patungo sa dining hall upang alisin ang takip ng mga inihanda kong pagkain niya. Nilingon ko siya ng sandaling pumasok siya sa dining hall umaasang tatapunan niya ako ng tingin ngunit nakaramdam ako ng dismaya ng derederetso lamang itong naupo.


Bakit ba ako biglaang nakaramdam ng tila umaasa ako sa kaniya? As far as I know, I despised him. Why do I feel the opposite now?


Mabilis kong tinapos ang paglilinis sa kusina, mabuti na lang at hindi niya ako masyadong inuutusan, pansin ko simula kahapon ay 'di na siya nagpaparamdam ng kakaiba sa akin. As much as possible, ay 'di niya rin ako tinitingnan ng kahit sulyap lang. Hindi na rin niya ako kinakausap sa isip na para bang wala ako rito, na para bang isa lamang ako hangin at hindi nag-eexist sa mansion na 'to.


Matapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay nagluto na ako ng tanghalian. Mas maaga kumpara sa nakagawian dahil bababa pa ako ng bayan. Bumalik ako sa kwarto para magpalit, suot muli ang overcoat at itim na pantalon dala ang ilang halaga ay bumaba na rin ako at nagmadaling naglakad paalis, hindi na ako nagpaalam pa kay Lucien. Nilakad ko lang palabas dahil wala naman ang kotse, itinuro sa akin ni Calum dati na mayroon naman daw ilang sakayan na dumaraan sa dulo ng mansion, kaya maaari ako roong sumakay patungo sa bayan. Hindi ko alam na possible pero tama siya. Hindi lang talaga ako komportable sa tingin ng ibang pasahero roon.

The Vampire's Substitute Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon