Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko habang paakyat ng hagdanan patungong room namin sa 3rd floor.
Bawat hakbang ko sa mga palapag ng hagdan, puro bigat at makapigil hiningang pag pigil sa mga luha kong nag babadya.
Malapit na ako sa palapag ng 3rd floor ay mabilis kong pinunasan ang mga namumuo kong luha nang makasalubong ko ang mga kaibigan ko. " Oi Noah! may practice tayo ngayon ah!." Si Joseph, tumango naman ako at binilisan na ang pag akyat dumiretso agad sa classroom para kunin yung bag ko.
Mabilis kong kinuha ang bag ko at nag tungo sa banyo. Pag kapasok na pag kasapasok ko sa banyo ay nag tago na agad ako sa isang cubicle.
Umupo ako sa inidoro, at hinayaan nang tumulo ang mga pinipigilang luha ko. Napaka hina akong humikbi sa banyo.
Sa kalagitnaan ng pag iyak ko ay napa dako ako ng tingin sa binti ko na natatakpan ng palda ko. "Ang hapdi." Inangat ko ang palda ko, tumambad naman saakin ang malaki kong paso galing sa motor.
Kinuha ko ang bag ko sa gilid at hinanap ang notebook ko, ilalagay ko yung papel sa paso ko para hindi na makiskis yung binti ko sa palda ko dahil napaka hapdi.
Pag katapos kong lagyan ng papel ang paso ko, umalis naman ako agad sa banyo dahil mag prapractice kami para sa mapeh ng mga ka groupo ko.
Mabuti nalang mahaba ang palda ko hindi makikita yung ginawa ko.
"Cess? ok ka lang?" Nilingon ko si Khailyn.
"O-ok lang ako, bakit?"
"Ah, mukha ka kasing nahihirapan mag sayaw. Masakit ba yung paa mo?" Nag aalalang tanong ni Khailyn, umiling naman ako bilang sagot.
"Sure ka? cess? pwede ko naman kasing sabihan si Joseph, kain ka muna kaya?" Nilahad niya kamay niya, inabot ko naman ito. Nanghihina akong tumayo. Nilapitan namin si Joseph kasama niya ang iba naming kagroupo.
"Seph, si Noah" Nilingon niya kami.
"Oh baket? anong nangyari— oh bat ka namumutla?" Kumunot ang noo niya at lumapit saakin at chineck check kung mainit ba ako.
"Oo nga noh, cess! bakit ka namumutla? hindi ka pa ba talaga kumakain?!" Inalalayan ako ni Khailyn dahil mejo nanghina ako.
Hindi pa ako nakain simula umaga kahapon.
Akala ko makakain na ako kanina nung sinundo kami ni Tito Mil dahil lunch na, tuwing lunch sinusundo kami para sa bahay nalang kumain.Nag break na si Tito Mil at Tita Marie, sila ang nag aalaga saamin ngayon, nasa Taiwan si mama nag tratrabaho. Hindi pa nauwi si Tita Marie pag katapos nilang mag break nung isang araw kaya wala sa sarili si Tito.
Kaya pala ako nag ka paso, kase kanina nung paalis nakami sa bahay pag katapos namin kumain— hindi pala kumain, panis na yung pag kain. Hindi nag luto si Tito. Muntik na nga pala ako mahulog sa motor papasok, dahil hinarurot ni tito ang motor ng hindi pa ako nakakasakay ng ayos at nawalan ako ng balanse at napadapo ang binti ko sa tambucho. Mabuti nalang nahawakan ako ng kapatid ko nung oras na yun.
Hindi naman ganun si Tito Mil, mabait siya. Pag ka tapos ng break up nila ni Tita Marie ng walang closure naging ganun na siya. 10 years naging sila kasi hanggang nung isang araw, tapos ayun wala na. Ang sabe kase ni tita parang sa sampung taon nilang pag sasama walang inisip na pangarap para sakanya si Tito o binuo. Kaya ayun nakipag hiwalay si tita, wala na daw patutunguhan buhay niya kay Tito.
" Noah? tawagin ko ba si ma'am?" Si Joseph, napatingin naman ako sa paligid at nakapalibot sila saakin na may mga puno ang mata ng pag alala.
Umiling ako. " Si Tita Daisy kaya?" Hindi ko alam nang marinig ko ang pangalan ng nanay ko ay bumuhos na ang luha ko. Seguro dahil miss ko na si mama, kase kung nandito siya hindi ko mararanasan toh. Muntik na kase ako mamatay kanina—ang bilis nun e, at wala pa din akong kain simula kahapon.
Niyakap naman ako ni Khailyn. " Cess tawagin ba natin si Tita?" Wala na akong lakas napunta na sa pag iyak. Hindi ako nakasagot kaya kinuha nalang nila ang pag iyak ko bilang sagot.
Kinuha agad ni Joseph ang phone niya at vinideo call si mama. Puro ring ng phone ang naririnig ko hindi konna marinig ang mga boses nila na kinakausap ako, nahihilo na ako, nanghihina.
"Tita, hello! si Noah po e, mukha—" Narinig kong naputol ang sasabihin ni Joseph ng mag salita agad si mama.
"Anong nangyari???" Boses ni mama, lalong bumigat ang nararamdaman ko at bumuhos ang luha ko.
Binigay saakin yung phone ni Joseph, at sabay niyang pinalabas ang mga kagroupo namin. Kami nalang nila Khailyn at Joseph sa pinagprapractisan namin.
"Noah?" Napatitig ako sa screen sa mukha ni mama, nanginginig na ang kamay ko sa pag iyak at panghihina.
"Anong nangyari? anak?" Si mama.
"Ma, hindi pa kami nakain simula kahapon.." Panimula ko sabay punas ng luha. "Muntik na ako mahulog sa motor kanina.. Tapos hindi pa umuwi si tita.. Natatakot na ako sa bahay, natatakot na ako para saamin." Humigpit ang hawak ko sa phone. Kita ko naman ang pag kagulat ni mama.
" Ano?? ang sabe ni tita umuwi siya kahapon ah?? at bakit muntik ka na mahulog sa motor?? anong nangyarii jan kay Mil siraulo ba siya???"
"Cess? ano yang nasa binti mo?" Napatingin naman ako kay Khailyn, tinakpan ko naman yung binti ko ng palda.
" Cess?"
" Ano yun Khailyn??" Si mama.
Maya maya pa ay nalaman na nilang malaking paso yun. Nang malaman ni mama yung nangyari ay agad niyang tinawag si Daddy yung lolo namin. Pumasok paren ako sa panghapon na klase namin. Pag kauwian ay nag kita kami na kami ng kapatid ko na nag alala na saakin, tinext kami ni daddy na sa kanila muna kami mag iistay.
Sinundo kami ni daddy at idinaan muna sa 7/11 at binilhan ng pag kain bago umiwi sa bahay nila. Nanghihina paren ako kahit nakain, pero natutuwa na ako dahil sawakas ay nag kalaman na ng pag kain ang tyan namin.
Tinanong kami ni Daddy kung ano mga nangyari kasama si mama. Kitang kita ko sa mga mata nila ang galit kanila Tito Mil at Tita Marie dahil nadamay kami sa hindi nila pag kakaunawaan.
Gabi na at patulog na kami, nang may kumatok sa pinto. Bumungad naman saamin si Tita Marie, may kasamang lalake.
"Tay, si Alex po boyfriend ko po." Sabe ni Tita kay daddy, hindi sila kinibo ni daddy.
Kinuha na kami ni Tita at isinakay na sa SUV ng boyfriend niya raw. Kinamusta kami ni tita at sinagot namin siya ng ok lang, kahit hindi naman talaga.
Kinakausap kami ng bagong boyfriend ni tita, at kinakausap naman din namin ito pabalik bilang pag galang.
Nakauwi na kami sa bahay namin talaga. Wala si tito Mil. Pag kapasok at pagkasok namin ng kapatid ko ay mabilis na kaming dumiretso sa kwarto namin at natulog na.
Kalagitnaan ng gabi ay nakarinig ako ng ingay sa baba, sigawan, pag mamakaawaan, pag tangis.
Hindi ako makahinga sa atmosphere na bumabalot sa bahay na toh. Ang dami ko nang traumang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Is he, him?
Teen FictionDeja vu? Ano ba ang deja vu? Naranasan mo na ba ito? Bakit may ganito? Bakit nag kakaganito? Paano ba? Ano ba iyon? Mga salitang tanong ko sa utak ko ng marinig ang katagang deja Vu. emeee! kakasulat ko lang netoh noh