Chapter 2

0 0 0
                                    

“Nagpapagod ka na naman sa trabaho mo?” bungad na tanong sa akin ni Gab.

Nginitian ko lang ito binigyan siya ng makakain.

Binisita niya kasi ako sa bahay dahil nalaman niyang nagkasakit ako.

“Umalis kana sa trabaho mo, ako na ang magta-trabaho.” saad nito sa akin na ikinagulat ko.

“Hindi pwe– Bakit hindi pwede, Erin? Kung ikaw nga pwede tapos sa akin hindi. Erin, come on parehas tayong mayaman kaya bakit kailangan mo pang magtrabaho at pabayaan ang sarili mo?” tumaas na ang boses niya.

Pag trabaho ang pag uusapan namin ay palagi kaming nagtatalo.

Umiwas ako ng tingin “S-sorry.” sagot ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at pinaharap niya ako.

“Erin, kung ayaw mong tumigil sa pagtatrabaho. Hayaan mo akong samahan ka magtrabaho.” aniya at hinawakan ang pisnge ko.

“Pero Gab...”

“Wala nang pero pero, magtra-trabaho tayong dalawa.” huling sabi niya bago ako hinalikan.

“Love, diba nakakakita ka ng future?” tanong ko kay Gab habang naglalakad kami sa park.

Day off kasi namin ngayon kaya pinili naming maglakad lakad para mawala ang problema.

“Oo, bakit?”

“Gusto ko sanang malaman kung matutupad ba ang pangarap ko bilang isang Business Woman.” ani ko sa kaniya.

Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ako.

“Oo!” sagot nito.

“Sige nga hulaan mo kung ano ang magiging future ko.” sabi ko sa boyfriend ko.

Tumigil ito at mapait ngumiti “Kayo ang magkakatuluyan ni Kuya.” sagot nito na ikinagulat ko.

Ano bang sinasabi niya?

“Gab, hindi ako nakikipagbiruan.” inis kong sabi sa kaniya.

Nanatili pa rin itong tahimik at nakatingin lang sa akin.

Alam ko kung magbibiro siya ay tatawa siya pero ngayon ay hindi.

“G-gab...” tawag ko sa kaniya at lumandas na ang mga luha ko.

Pinahid niya ang luha ko at ngumiti ito sa akin.

“Gusto mo bang tanungin ko ano ang magiging future ko?” tanong nito sa akin.

Tumango ako habang umiiyak dahil baka pag sinabi niya ay kami ang magkakatuluyan.

Pero nagkamali ako...

“Mamamatay ako, Erin.” sagot nito.

“Gab, ano ba!” sigaw ko sa kaniya dahil hindi na nakakatuwa.

Hindi naman siya ganiyan makipag biruan pero bakit ngayon ang sakit na ng biro niya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito kaya hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kotse niya.

Pagkapasok palang namin ay may binigay siya sa akin na isang envelope.

Binuksan ko ang envelope at nang mabasa ang nakasulat sa papel ay biglang lumakas ang iyak ko.

May sakit siya...

“May brain tumor ako, Erin.” umiiyak nitong sambit sa akin.

“L-love... B-bakit ngayon mo lang sinabi?” tanong ko sa kaniya habang umiiyak.

Last month lang nalaman niya na may brain tumor siya at hindi niya sinabi sa akin.

Parehas na kaming umiiyak ngayon sa loob ng kotse.

Nasasaktan ako pag nakikita siyang umiiyak.

“Dahil alam ko naman nung una palang... hindi na ako gagaling...” sagot nito na ikinanlumo ko.

Mas lalo akong napaiyak sa sagot niya.

Bakit ang dali niya lang sumuko?

“H-hindi na ako gagaling, l-love...”

My Boyfriend Can See The FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon