CHAPTER 25

93 5 0
                                    

SYERA POV

"HINDI ko alam, pero you caught my attention. Nung pinakilala ni Zygon si Lia saamin kasama ka ron diba? You're most beautiful i saw. Pagkatapos ng araw na 'yon ay hindi kana maalis sa isip ko, I don't know why? it is a love at first sight? nung una hindi ako naniniwala sa ganon pero habang patagal nang patagal ay mas lalong hindi ako makatulog sa kakaisip sa'yo, when i close my eyes i always see your beautiful face. I know this is cringe but who cares? I'm inlove with you, Syera" - mahabang pag-amin niya saakin

Hindi agad ako makareact dahil hindi ko naman inexpect na magcoconfess siya saakin at hindi ko rin ineexpect na may gusto siya saakin.

"Allow me to court you, Syera" - seryoso niyang saad saakin tumitig sa mga mata ko.

"A-ah e-eh, teka lang ang bilis naman ng mga pangyayari." - tinulak ko siya ng mahina at nagtagumpay naman ako ng lumayo siya saakin ng kaonti.

"Gusto rin kita. Pero bakit ngayon pa? nasa kalagitnaan tayo ng apocalypse. Kasunod lang natin si kamatayan" - saad ko sakaniya. Hinaplos niya ang kabilang pisngi ko at napapikit ako.

"I'm here, I'll protect you no matter what." - seryoso niyang saad.

"liligawan kita sa ayaw at gusto mo. Matulog kana." - saad niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi at pumasok na siya sa kwarto nila na katapat lang ng kwarto namin.

Tumalikod ako habang nakahawak sa pisngi kung saan niya ako hinalikan. Tangina. Nagtatalon talon ako at para akong tangang ngumingiti ngiti habang binubuksan ang pinto ng kwarto namin

KINAUMAGAHAN wala na sa tabi ko si mommy at ang aking kapatid, tumungo ako sa bag ko at naglabas ng mga damit at pumunta na sa banyo para maligo.

Bumaba ako at nakita ko silang lahat na nag-aalmusal, napansin naman ako ni mommy at niyaya na akong kumain

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Yeros, naiilang ako sakaniya dahil sa scenario kagabi. Kapag naiisip ko 'yon ay namumula lang ako.

"Pagkatapos nating kumain, aalis na tayo" - saad ni Dr. Kaizen at tumango naman kami.

Napag-usapan na namin kahapon ito at nasabi na rin sa mga magulang ni Lia ang plano namin. Nung una tutol din sila pero di naman naglaon pumayag sila dahil kasama naman ni Lia si Zygon.

Pagkatapos naming kumain ang mommy ko at mommy ni Lia ang maghuhugas ng pinagkainan namin at kami ay naghanda na.

Nagtipon tipon kaming lahat sa sala,malaki ito kaya kasya kaming lahat.
Napatingin kami sa dala ng daddy ni Lia isang mahabang kahon, inilapag niya ito sa harap namin at napanganga naman ako dahil puro armas ito.

Iba't ibang klaseng baril may rifle, may shotgun, may revolver, pistol marami pang iba. Mayroon din grenade at lagpas sa 10 kahon na naglalaman ng iba't ibang bala.

"baka hindi natin magamit ang mga baril dahil nakakaattract ito ng mga zombie" - saad ni Tyler.

"Oo nga dad" - pagsang-ayon ni Lia.

"Puwede naman nating magamit kung kinakailangan talaga" - saad ko

"Dalhin na rin natin kung sakali" - saad ni Frank at tumango naman kami.

"Dad meron ka pa diba iba't ibang klase ng patalim?" - tanong ni Lia.

"Oo nga teka kukunin ko rin" - saad ni tito at umakyat na uli papuntang taas.

Ilang saglit lang ay nakabalik na ang daddy ni Lia na may hawak na dalawang brief case, inilapag niya ito sa pahabang lamesa rito sa sala at binuksan.

Bumungad saamin ang Shears na parang gunting pero mas malaki 'to at parang espada na maliit. Mayroon ding dagger at throwing knives may bolo rin at marami pang iba.

Corps de La Ville (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon