Realidad

21 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog nang maayos sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa araw na 'to. Unang araw ng pasukan, bagong eskwelahan, bagong ekonomiya, at mga bagong mukha. Napatingin ako sa aking relo dahil sa pag ring ng bell, "malapit na magsimula ang klase" sabi ko saaking sarili. Dali dali akong naglakad dahil ayokong ma huli sa klase, nagulat na lamang ako nang biglang nahulog ang aking mga gamit, nagkalat ang mga papel sa sahig. Dali dali kong pinupulot ang mga papel dahil marami ang mga nakatingin saakin at mukhang walang balak na tulungan ako. Nagulat na lamang ako na mayroong pumulot ng aking mga libro. Tumayo naman ako para tingnan kung sino ang lalaking ito. Inabot niya ang kaniyang kamay at nagpakilala.

"hi, ako nga pala si Javier" aniya.

"ako si Aliya" sagot ko naman at inabot ang kaniyang kamay para mag shake hands.

"bago ka lang ba rito?"  tanong ko kay Aliya

ngayon ko lang kasi siya nakita sa ilang taon ko nang nag-aaral sa campus na 'to.

"ah, oo, transferee ako. Ikaw?"

"almost 5 years na akong nag-aaral dito. Oo nga pala, hindi ka pa ba late? 7:10 na oh"

"HALAA! OO NGA, KAILANGAN KO NA UMALIS. salamat sa tulong mo Javier. Alam mo ba kung saan ang room 3B ?"

"Same lang pala tayo ng room eh, tara, sabay na tayo" sabi ni Javier at sabay na rin kaming pumunta sa room 3B.

RECESS

"Javier, thank you nga pala sa pagtulong mo saakin kanina ha, kundi dahil sa'yo ilang minuto pa ako magpupulot ng mga papel sa sahig".

"HAHAHA You're welcome, Some people here aren't that friendly eh". Ani ni Javier

"Halata nga" Sabi ko naman habang kumakain ng sandwich. So, simula elementary dito ka na nag-aaral?" tanong ko.

"Yup! hindi na ako nag transfer pa sa ibang school kahit na sawa na ako sa grading system dito HAHAHA. and my friends are also here, so wala talaga akong choice"

"ah ganon, tita ko lang kasi ang pumili ng school na 'to eh para dito na rin mag-aral for college"

"Oh, so matagal ka pa dito?"

"Oo, bakit? ayaw mo ba?" tanong ko kay Javier habang tinataas ang kilay.

"HAHAHA wala naman akong sinabi, sira. Tara na nga, time na naman for our last subject"

5:30 AM DISMISSAL

"uwi ka na ba?" Tanong ko kay Aliya habang inaayos ang gamit ko.

"oo eh, ikaw ba?"

"hindi pa, may practice pa ako for football"

"wow naman athlete ka pala eh. Sige, una na ako. Goodluck sa practice mo" Sabi ko kay Javier at Naglakad na palabas ng room.

Naglakad na lang ako pauwi dahil walking distance lang naman ang apartment na tinutuluyan ko. Bumili na lang ako ng ulam sa bukas na karinderya sa tapat ng. Pagkatapos ko naman kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan at naligo na rin, ipipikit ko na sana ang mga mata  ko kaso biglang tumunog ang aking cellphone.

     Javier V. Gonzales sent you a friend request

Nagtaka naman ako kung paano nalaman ni Javier kung ano pangalan ko sa Facebook. Hindi na ako nagbadyang i-accept siya dahil antok na talaga ako.

PanaginipWhere stories live. Discover now