CHAPTER 18: Mark

5K 72 5
                                    

CELESTINA POV:

Nakarating kami sa orphanage ng tahimik, kahit ng nasa grocery store kami hindi niya ako pinapansin.

Bumaba ako sa kotse, ganun din naman ang ginawa ni kuya, balak ko pa sana kunin ang mga gamit ng magsalita siya.

"Pumasok kana Celestina, ako ng bahala rito" Saad niya sakin, tumango nalang naman ako at pumasok.

Sinalubong naman ako ng mga bata na nakangiti, kahit sila sister ay nakangiti rin sakin.

"Mommy " Sigaw ni Mark sakin.

"Hi Mark" Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge.

Si Mark ang pinaka bata rito sa orphanage.

"Masaya akong makita ka ulit hija" Napangiti naman ako sa sinabi ni sister Mary Ann.

"Matagal tagal din po nanghuli akong makadalaw dito" Saad ko sa kanya.

"Celestina saan ko ilalagay to?" Napalingon ako kay kuya ng mag salita siya sa likod ko.

"Here" Saad ko at tinuro sa kanya ang maliit na mesa.

Pagkalagay niya nun ay bumalik ulit siya sa kotse namin para kunin pa ang iba, pinatulong narin nila sister ang malalaking bata rito.

"Siya ba ay iyong nobyo?" Nagulat ako sa sinabi ni sister Anne.

"P-Po?" Tanong ko sa kanya,dahil baka mali lang ang pagkadinig ko.

"Nobyo mo ba iyon?" Turo niya kay kuya Jayden na hirap na hirap sa mga dala niya.

"Hindi ho" Sagot ko sa kanila.

"So ano mo siya?" Question and answer portion ba to?

"Kapatid ko po" Saad ko at ngumiti sa kanila.

"Kay sayang, bagay pa naman sana kayong dalawa" Saad ni sister Mary Ann at kita ang hinayang sa muka nito.

Natawa nalang ako dahil dun, kahit kilan talaga.

Napatingin ako kay kuya ng sumulpot ito bigla sa tabi ko.

"Good afternoon sister" Bati niya at nagmano.

"Dada" Nagulat ako sa sinabi ni Mark.

Kahit sila sister at kuya ay gulat dahil dito.

Mommy lang kase ang naririnig namin na lumalabas sa bibig ni Mark simula ng dalhin ko siya rito.

"Tama ba ang pagkakarinig ko Anne?" Tanong ni sister Mary Ann.

"Oho" Napatingin naman ako kay kuya Jayden dahil sa kanya nakatingin si Mark.

"Dada" Saad ni Mark at pinipilit na pumunta kay kuya.

Kaya binigay ko naman ito, kitang kita kopa ang takot sa mga mata ni kuya.

"Aalalayan kita" Saad ko sa kanya at ngumiti.

Nagulat kaming lahat ng halos yakapin na talaga ni Mark si kuya, na para bang ama niya ito.

Baka may anak talaga si kuya eh no?

"Hey little buddy" Bati niya sa bata, napangiti nalang ako dahil dun.

Para silang mag ama na matagal tagal na hindi nagkita.

"Mommy" Tawag niya sakin, lumapit naman ako sa kanya.

Kong may makakita lang seguro saming iba, segurado iniisip na nila na mag asawa kami ni kuya ngayon.

"Para kayong masayang pamilya dahil dyan" Saad ni sister Anne sakin.

Napatingin naman ako kay kuya Jayden na nakangiting nakatingin sakin.

"Maari koba kayong kunan ng litrato?" Tanong ni sister.

Tumango nalang ako, umakbay sakin si kuya habang hawak hawak niya si Mark.

Tumingin nalang ako sa camera at ngumiti.

"Ate Tina, bagay po kayo" Sabi sakin ni Kalo, isa sa mga bata rito sa ampunan.

Natawa nalang ako dahil dun.

"May mga pasalubong ako sa inyo tara" Saad ko at tumingin kay kuya "Hawakan mo muna si Mark kuya" Saad ko sa kanya.

Pumunta naman kami sa loob dahil andun ang iba naming pinamili.

Every month kase dinadalaw ko sila rito, kapag busy naman eh pinapadala ko nalang ang allowance ng mga bata.

Masaya sila ng makita ang mga bago nilang laruan.

"Matagal mo naba tong ginagawa?" Gulat akong napatingin kay kuya.

"Simula bata ako tinayo na ang Orphanage na to" I said to him.

"How?" Tanong niya sakin.

"Si dad ang dating tumutulong dito, but nung nawala siya ako na ang nagtuloy"  Saad ko at ngumiti.

How I wish na andito parin si daddy sa tabi ko.

Maybe magiging masaya siya sa achievements ko noh?

Na ang anak niya ay masayang tumutulong sa orphanage na tinayo niya.

Promise dad hindi ko hahayaang mawala ang Orphanage na to.

( Possesive Series#2) The Obsession Of My Stepbrothers  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon