Chapter 1

5.5K 19 0
                                    

Muntik na akong mapasigaw nang magsimula ng magsipatayan ang mga ilaw dito sa mall. Nandito ako ngayon sa loob ng isang dressing room na hindi na pinapagamit pa. Dito daw nawawala ang mga dalaga pag ginagamit nila ito pero natatagpuan din naman kinabukasan. Pag tinatanong sila kung anong nangyari, wala daw maalala ang mga ito. Ilang beses na rin na nangyari pero kahit gano'n, sikat pa rin ang mall sa mga tao. Ang iba pinapakalat na baka may ibang nilalang daw na inaalagaan ang mall para daw swerte ang lugar pero hindi naman ako naniniwala doon. Kung meron man, bakit nakakabalik pa rin ang mga babae na nawawala. Di ba dapat nakakain na sila kung sakali man na may kakaibang nilalang sa loob ng mall? Kung anu-ano na lang kasi ang iniimbento ng mga tao, pero advantage naman ito sa mall kaya ito sikat.

Nandito ako ngayon para sa initiation ng isang sorority na gusto kong salihan. Ito ang pinapagawa nila sa akin at ako naman itong si baliw at gusto ko rin namang mag-imbestiga, pumayag ako. Gusto ko rin malaman kung anong hiwaga ang meron sa lugar na ito dahil may bigla na lang nawawala na mga babae. Bakit? Anong ginagawa sa kanila? At kung matagpuan na sila, wala naman silang maalala. May ginagawa kaya silang experiment? Ewan ko ba kung bakit na-aatract ako sa mall na ito, parang may force na humihila sa akin rito na hindi ko maintindihan. Sana naman at hindi ako mahuli dahil sigurado akong makukulong ako. Wala akong naririnig at mukhang walang guards sa labas kaya naman in-on ko ang maliit na flashlight na dala ko. Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa buong dressing room. Nakita ko ang aking sarili sa malaking salamin. Hinawakan ko ito tapos ay tinulak. Nagulat ako nang bumukas ito na parang pinto.

"Oh my gosh..." sambit ko. Hindi ko maintindihan pero parang na-excite ako. Being a fan of mystery and suspense kaya parang natutuwa ako ngayon. Feeling ko may madi-discover ako na kakaiba at hindi ko mapigilan ang excitement ko. Hindi ko rin alam kung bakit wala akong takot na nararamdaman, parang dito ko na mahahanap lahat ng tanong ko. Bigla kong pinatay ang aking flashlight nang may marinig akong mga boses.

"May nakita akong ilaw dito," narinig ko sa isang boses na mukhang guard ng mall. Tinakpan ko naman ang aking bibig at pinilit na huwag gumawa ng sound. Malalagot talaga ako pag nahuli nila ako! Napapikit ako and I calm down my breath, pinigil ko na rin para wala talaga silang marinig.

"Tayo na nga at baka ano pang mangyari sa atin rito," sabi pa ng isang boses. Nakarinig ako ng mga yapak papalayo, I sigh with relief at binuksan ko ulit ang salamin. bago ko pa mailawan ang loob nito parang may kung ano na humila sa akin. Napatili na ako nang mahulog ako, tuloy-tuloy pababa na parang nasa isang slide ako. I thought it was endless at wala man lang akong makapitan hanggang sa may naaninag na akong liwanag. Nalaglag ako and I thought I have fallen on my death bed, pero buti na lang may makapal na foam. Humihingal ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot habang naka-steady lang akong nakahiga doon.

After a few minutes, unti-unti na akong bumangon at tumingin ako sa buong paligid. The underground place has a high ceiling na may malaking crystal chandelier sa gitna. Ang ganda ng itsura ng lugar, isang sosyal na interior ng bahay but the furnitures that was there is larger for humans. Bigla akong kinabahan, baka kung ano ang napasukan ko, pero nae-excite rin dahil sa na-discover ko. Sino kaya ang nakatira rito? Isa kayang half-giant, or a mutant human? Hindi ko maintindihan, although may kaba akong nararamdaman, there's not an ounce of fear in me. Isa pa there is delicious scent na hindi ko ma-describe, pero nakaka-addict siya.

Bumaba ba ako mula sa makapal na foam at napangiwi ako dahil may konting kirot sa aking likod dahil sa paglagapak ko kanina. Dito rin kaya napupunta ang mga babaeng bigla na lang nawawala? Hindi ako gumawa ng ingay in case lang na baka maistorbo ko kung sinuman ang nakatira rito. Maingat din ang aking pagkilos at paglalakad, minding everything that surrounds me. Natigilan ako nang may marinig akong kalabog and then this hissing sound. Lumingon ako at sinundan kung saan ito nanggaling.

"Hello? Uhm, hindi ako masamang tao. I just accidentally fell at napunta ako rito. Promise, hindi ako magnanakaw," sabi ko. Walang sumagot pero may nakita akong gumagalaw sa medyo madilim na bahagi ng lugar. Lumapit ako doon at nagulat nang makakita ako ng dalawang nagliliwanag na mga mata. The color is gold and the pupils are slit, gumalaw na naman ito at parang may nakita akong dulo ng isang buntot. Unti-unti akong umatras, mabilis na tumibok ang aking puso nang palapit sa akin ang nilalang na nakita ko.

Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh! This is a very bad idea! Mukhang magsisisi pa ako dahil sa kinahiligan kong mystery at suspense books kaya ako ngayon nandito. Mukhang ito na talaga ang katapusan para sa akin, ang makain ng isang halimaw. Hindi pa ako ready! Wala pa akong boyfriend at virgin pa ko! Gusto ko rin maranasan ang isang mind blowing sex mula sa isang lalake na alam ang kanyang ginagawa. Until I haven't experience that yet, walang mamamatay!!!

"Ssssssssss.... You ssssssshouldn't be here..." rinig ko sa isang malalim na boses na nagpatayo sa aking balahibo, and he's the one who is making the hissing sound.

"I-I'm sorry, hindi ko naman sinasadya... Sinunod ko lang naman ang gut ko and there's something pulling me in this place na hindi ko maintindihan. Kaya ako ngayon nandito to find out why. I'm sorry kung naistorbo kita, you can do what you want with me. Oh kaya naman sasamahan kita rito hanggang kailangan mo ko. Just don't kill me or maybe eat me?" I heard a sexy chuckle making my insides tingle.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong niya at may nakita akong anino, like something slithering in the shadows. "I won't kill you or eat you, basta dito ka lang kasssssssssssssama ko."

"Really? Pero nag-aaral pa ako..." Nakarinig ulit ako ng hiss at napalunok ako. "Or I can skip for one semester maybe..." Isang hiss ulit. "Okay, fine, I'll stay here with you kung yan ang magpapasaya sayo."

"Gagawin mo ang lahat ng gusto ko?" Tanong niya ulit at mabilis akong pumayag. Mula sa sulok nakita ko ang isang lalake, he was handsome, captivating, pero namilog ang aking mga mata nang tuluyan na siyang lumabas. He is a gorgeous man but from his waist down was a body of a snake. Pagkakita ko ng kanyang kabuuan, nagdilim ang aking paningin at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Caught In A Slither Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon