“Hey, wake up. Tama na 'yong two weeks na tulog,” bulong ko sa lalaking hanggang ngayon ay tulog pa rin.
May mga nakakabit sakanyang aparato na 'di ko alam ang mga tawag.
Hawak ko rin ng mahigpit ang kamay n'ya, 'di ko s'ya iniwan dito simula nang malaman ko ang nangyari.
I'm scared. What if bigla nalang n'ya kaming iwan.
“Jack, te estaré esperando,” nanghihinang bulong ko.
Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak ng maramdaman ko ang bahagyang pag galaw ng kamay n'ya.
“Jack?” Pagtawag ko ulit at tumingin ako sa kamay ko gulat akong naibalik ang paningin kay Jack ng muli n'yang galawin ang kamay n'ya na hawak ko.
Dahan dahan na rin na nagmumulat ang mata n'ya kaya nilingon ko ang mga kaibigan namin na ngayon ay nagtataka sa ginagalaw ko.
I mouthed them. “He's awake,” nakita ko naman ang saya sa mga mata nila at agad na tumawag ng doctor ang iba sakanila.
“Gising ka na, omygad,” saad ko sakanya.
Nakatingin ito sa'kin kaya 'di ko maiwasang maiyak sa sayang nararamdaman ko ngayon.
Humawak ulit ako sa kamay n'ya, humawak din s'ya pabalik dito kaya ngumiti ako kahit walang tigil sa pag buhos ang mga luha ko.
May mga doctor na rin ang tumingin sakanya and isa lang ang nasabi nila, it's a miracle na nagising daw s'ya agad. Wala naman s'yang ibang nagawa kundi ang tumango at ngumiti lang sakanila.
Nailipat na rin s'ya ng kwarto, andito rin ang pamilya at masayang nakatingin sakanya. Andito ako ngayon nakaupo malapit sa mga kaibigan namin dahil nagsimula nang lumapit sakanya ang ilan sa pamilya n'ya.
“Kumusta ka?” Napalingon ako kay Taliyah at Angie bago sakanila ngumiti.
“I'm fine, he's awake now,” sagot ko. Ngumiti naman sila sa'kin. Lumapit sakanila ang mga boyfriend nila at yumakap ang mga ito.
Umirap naman ako sa nakita. Sakit sa mata bwesit.
Tumingin sa'kin si AJ ang boyfriend ni Angie ngumuso ito kaya nagtaka ako, nangunot ang noo dahil parang may tinuturo s'ya gamit ang nguso.
Sinunod ko naman ang nginunguso n'ya at tumama ito kay Jack na ngayon ay nakanguso rin habang nakatingin sa'kin. Lumapit naman ako dito at nagulat ako sa sunod n'yang ginawa.
Niyakap n'ya ako sa harap ng lahat.
“Thank you for waiting for me,” mahinang bulong n'ya sa'kin. Ngumiti naman ako yumakap sakanya pabalik.
“Ganon talaga siguro pag mahal mo ang isang tao handa ka mag hintay,” sagot ko. Ramdam ko na natigilan s'ya dahil sa sinabi ko.
I just confess my feelings to him.
“Huh?” Gulat na tanong n'ya sa'kin humiwalay na rin s'ya sa yakap. “Ano?”
“I said, I love you,” pag uulit ko habang nakatingin sa mata n'ya. “Why? Ayaw mo ba?” Kinakabahan na tanong ko dahil bigla nalang bumuhos ang luha sa mata n'ya.
“No, te amo más que a nada,” he said in spanish.
“Ano daw sabi ni Jack? Na comatose lang naging alien na,” rinig kong bulong ni Rocky sa mga kaibigan n'ya. Natawa naman kami ni Jack sakanya.
“Does that mean na girlfriend na kita?”
“Nope, court me while I am your girlfriend,” nakangising sagot ko. Rinig ko naman ang pag tawa nang ilan sa pamilya n'ya. Kinilig ata.
“Tol, pano ba 'yan girlfriend ko na?” Mayabang na saad n'ya sa mga kaibigan na ngayon ay gulat na nakatingin sa'kin.
“Sinagot mo na?” Nakangiting tanong sa'kin ni Emman.
Tumango naman ako sakanya habang nakangiti ng maganda.
“'Wag mo ngang ngitian ang girlfriend ko!” Sigaw ni Jack at binato kay Emman ang isang mansanas.
“Hey! Don't do that!” Saway ko sakanya at bahagyang tinapik ang kamay n'ya.
“Seloso ampota,” bulong ni Emman.
Masaya ako sobra. I don't know how to explain or write the feeling that I'm feeling right now. All I can say that I'm happy with Jack now.
The story of STEM student and HUMSS Student is now ending here.
![](https://img.wattpad.com/cover/288063919-288-k995863.jpg)
YOU ARE READING
Reply to me, HUMSS Student #3✓
FanfictionChat me Series #3: An Epistolary (Completed) Amaya Rendell Claveria Date Started: May 18, 2023 Date Finished: June 6, 2023