Chapter#42

1K 63 14
                                    

Catherine POV:



Ilang araw na ang nakakalipas ng makita ko ang babae sa mall sinubukan ko hindi sya isipin pero palagi ako nanagip at bigla na lang May naaalala na hindi ko na malaman kung ano pa ba ang panaginip sa totoo sobra na ako na-curious sa pagkatao ko at kung sino ba yung babae palagi ko napapanagipan inisip ko na baka sya yung babaeng lumapit sakin na nagsasabi sya si Arianne pinuntahan ko ulit sya sa pinagtratrabahuhan nya pero wala na sya dun sinubukan ko ulit sya hanapin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula habang nagdradrive ako tumigil ako sa isang school hindi ko alam kung ano meron sa school na yun kung bakit pakiramdam ko masaya ako sa tuwing pumupunta ako dun bumababa ako para tingnan kung ano pinagkakaguluhan nila pagdating ko dun street foods lang pala sinubukan ko bumili bigla na lang May babae sumiksik sa tabi ko pagtingin nya sakin nagulat ako sa kanya kaya nagmadali ako para bumalik sa kotse ko pero naabutan nya ako at hinawakan agad ang kamay ko

Arianne:bakit ba palagi mo na lang ako tinatakasan

hinila ko naman sya at pinasakay agad sa kotse

Arianne:San ba tayo pupunta

Catherine: manahimik ka na muna dyan

Arianne:bigla mo na lang ako sinakay tapos ayaw mo naman magsalita

Catherine:marami ako gusto malaman sayo

Arianne:ako rin marami ako gusto itanong sayo ano ba nangyari sayo matagal ka na ba nakabalik dito sa Pilipinas bakit hindi mo manlang ako pinuntahan

Catherine:pwede ba diba sinabi ko na sayo manahimik ka na muna

Pagtapos nun dinala ko sya sa restaurant

Catherine:So pano mo ko nakilala?

Arianne:hindi mo na ba talaga ako natatandaan

Catherine: satingin mo kailangan ko pa ba magtanong kung naalala kita

Arianne:Sa totoo lang sinubukan kita balikan para alagaan dahil sa pagkakacomatose mo pero wala na kayo dito

Catherine:so alam mo na naaksidente ako ano pa nalalaman mo?

Arianne:talaga bang hindi mo natatandaan ang mga nangyari nuon?

Catherine:Wala ako matandaan na kahit ano nung nandun na ako sa nung nasa ibang bansa na ako lahat ng mga sinasabi sakin ni Natasha yun na lang ang pinaniniwalaan ko lahat ng memory ko nawala

Arianne:kung sasabihin ko ba sayo na sumama ka na muna sakin papayag ka ba?

Catherine:Diba sinabi ko sayo hindi kita maalala o baka nga hindi naman talaga kita kilala eh tapos gusto mo sumama ako sayo

Arianne:hindi naman kita pinipilit sumama sakin eh akala ko ba gusto mo malaman ang nakaraan mo

Catherine:okay fine sabihin mo muna kung gaano ba tayo kalapit dati kaibigan ba kita

Arianne:hindi lang tayo basta magkaibigan girlfriend mo rin ako nun

Umiinom ako ng bigla nya sabihin yun kaya nasamid ako

Catherine:ano?pano mangyayari yun eh pareho tayo babae tyaka may anak na ako pano mangyayari yan sinasabi mo satingin ko pinagloloko mo lang ako mabuti pa umalis na ako dito

Patayo na sana ako ng bigla sumakit ulo ko naalala ko yung nangyari sa hotel lumapit sya sakin agad at inalalayan nya ako

Catherine:sino ka ba talaga sa buhay ko?

Inalalayan nya ako papasok sa kotse

Arianne:mabuti pa ihahatid na kita

Habang nasa byahe kami masakit parin ang ulo ko bakit ba ganito nararamdaman ko pakiramdam ko totoo lahat ng mga sinasabi nya nararamdaman ko rin na parang sobrang mahalaga sya sa buhay ko kasabay na dun ang pagbilis ng tibok ng puso ko hinawakan niya ang kamay ko itinigil nya naman ang kotse

MY ANNOYING PA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon