Haaaaaaaaaaiiiiisssssttttt.Haaaaaaaaaaiiiiisssssttttt.
Haaaaaaaaaaiiiiisssssttttt.
Haaaaaaaaaaiiiiisssssttttt.
Paulit-ulit na pag buntong-hininga ko.
Sana nga hangin na lang tong pag-ibig noh? Ang dali sigurong palitan ang mga nawawala at paaalisin ang mga walang kwenta. Hahaha
Pero hindi eh, kahit ano'ng pilit mong kumawala sa sakit hindi parin umaalis. Letseng pag-ibig kasi to, eh sino ba kasing nag-imbento nito?? Arrrrrgggghhh.
"Bakit na naman bah nakabusabos yang pagmumukha mo Chelsey hah? At kung makapagbuntong hininga ka parang nakukulangan ka ng hangin dyan, daig mo pa ang may sakit sa lungs."
"Hay naku teng. Parang hindi mo alam eh simula nung iniwan sya nung boylet nya nagkakaganyan na yan. Malala na talaga ang topak ng babaeng yan. Tsk.tsk.tsk. "
"Seriously Chel?? Eh kailan pa ba yun hah? Halos dalawang taon na yun simula nung iniwan ka ni Carlo. Chel naman eh. Hindi ka ba nagsasawa sa bunganga ko hah. Paulit ulit na lang ba tayong ganito?"
Pasaway talaga tong mga kaibigan ko noh? Pero siguro napapagod rin sila sa sitwasyon ko, paulit ulit na lang kasi ako eh. Ganito na routine ko halos araw-araw.
"Hay naku teng, mukhang hindi naman nakikinig satin yan. Tingnan mo lutang pa rin daig pa nakashabu dyan"
"Tse! Magsitahimik nga kayo dyan. Eh meron lang naman akong naaalala noh? Tssss. Teka teka. Magtrabaho na nga kayo. "
"Opo Ma'am Chelsey F. Smith.
Heto oh nagtatrabaho ako oh, eh paano mo naman nakikita eh nandito ka nga pero utak mo lumilipad kung saan-saan."Eto talagang mga kaibigan ko. Hayy pero kahit ganun sila eh mahal ko tong mga to noh. Sila lang yung nasa tabi ko nung mga panahong sawing sawi ako. Haha. Ang drama ko ba? Sensya na hah, mula nung iniwan kasi ako ng nobyo ko para lang sa ibang babae eh naging ganito na ako. And to think na 2 years ago pa yun dapat nakalimot na ko. Pero wala eh. Hanggan ngayon umaasa pa rin ako. Hayy ewan.
Nandito nga pala kami ngayon sa pastry shop na pinagmamay-ari naming tatlo.
Ang Heaven's Sweet Delight, at so far naman ay maganda naman ang takbo ng aming business. First year anniversary nga pala namin sa susunod na buwan, dapat na pala naming pagplanohan."Teka, ano na bang plano para sa anniv natin?"
"Chel, huwag ka ng mag- alala hah, meron na kaming naisip ni Sapphire. Di ba Sapph?"
"Oo nga Chelsey. Meron na kaming naisip. Mehihihi. Sigurado kaming matutuwa ka. Hahaha."
"Hey, Athena Pascual at Sapphire Gonzales, baka kung anu-ano na namang kalokohan yan! Naku kilala ko kayong dalawa."
"Hindi noh. Ano ka ba Chel, sigurado kaming ikasasaya mo toh. Pramis mamatay man tong si ateng. Hahaha."
"Hoy Sapphire!!! Kaw talaga puro ka kalokohan. Linisin mo nga yang table doon at mamaya ay dadagsa na yung mga suki natin."
"Oo na oo na. Kayo talagang dalawa ang seryoso nyo. Kaya wala kayong boypren eh. Tsk tsk."
"At bakit naman. Kami lang ba walang boypren hah?"
"Sabi ko nga eh, pati ako. Hehe."
"Haha. Kaw talaga Sapph. Tsk.tsk. Teka punta muna ako dun sa kusina baka naluto na yung chocolate cake."
Luto na nga. Hmmmmm. Ang bango naman. Hahaha.
"WELCOME TO HEAVEN'S SWEET DELIGHTS! MAPAPA- OH LA LA KA SA SARAP!"
Hayy kahit kailan talaga tong si Sapph. Puro kalokOhan. Kapag sumisigaw na siya ng ganyan ibig sabihin may customer na ubod ng gwapo. Teka bakit natahimik sila. Baka kakaibang kapogian yung dumating kaya natameme. Haha. Tong dalawang to talaga. Makapunta na nga.
"Hoy bakit natahimik kayong dalawa dyan? Sino ba yan................... C--C--CARLO!!!!!!"
Totoo ba to? Oh my Gaaaaaaadddd!!! Bumalik sya! Bumalik talaga sya! Ang gwapo pa rin nya ai hindi scratch that- mas lalo syang pumugi!!!!!
"Hi Sapph, Athena and Chelsey! ^____^"
"He-he-hello" Sapph at Ateng ¬_____¬
^_______^ heto naman ako oh. Haha. Ang lapad ng ngiti ko.
Pero biglang nawala nung may pumasok na babae at.,......
O______O hinalikan lang naman si Carlo. Ayy oo nga pala kilala ko sya. Kilalang kilala!! Sya lang naman ang nang-agaw ng boypren ko, si Ruby. Ohh di ba, pangalan pa lang ang landi nah!! Tsss. At ang pula pa ng lips! Arrrggghh nakakairita! Mas maganda kaya ako sa kanya, bakit Carlo!! Bakit!!
"Hi babe. Oh!! You! Hi there Chelsey. How are you?"
Tsss plastik talaga nito."Hi, welcome to Heaven's Sweet Delights" plastikan lang din naman ang usapan ehh di itodo mo na Chel.
" Well. My bro said that your cakes are so yummy so since my BABE and I are craving for cakes, we decided to drop here. At nasurprise talaga kami. What a small world Chelsey, haha so you work here as a waitress??" Talaga tong babaeng to at nang-insulto pa talaga!
Susugurin na sana sya ni Sapph kaso pinigilan ko. Binulungan ko sya, "Sapph , kalma lang okay" then she nodded."Actually Miss Ruby, we proudly owned this place. And we are actually planning for opening another branch, so * i stare her from head to foot* pwede kah nga! Pwede kang maging waitress namin. Sa hitsura mong yan, naku mapapagkamalan ka na hmmmm never mind. Hehe." Nanlilisik ang mga mata nya sa galit. Haha.
"Ehem ehem. Excuse me girls ah, hindi kami nandito para maghanap ng gulo, ang gusto lang namin ay......"
"Excuse me din Carlo ha, pero sana pagsabihan mo yang gf mo na umayos sya. Kasi kami dito ay maayos yung trato namin sa KAHIT SINONG CUSTOMER NAMIN. But there is always an exemption to the general rule according sa aming Law subject wayback college. So, if yang gf mo ay hindi marunong rumespeto ng kapwa, abay mas mabuting umalis na kayo habang maaga pa at habang nakakapagpigil pa kami dahil kung hindi!!!...."
"Tse! Let's go babe. Tara na akala ko masarap yung tinitinda nila. Ang BITTER lang, kasing bitter ng mga tao dito."
"SHUT YOUR FUCKING MOUTH RUBY!!!" Hala, mukhang nagulat si Ruby at may namumuong luha sa mga eyes niya. Hayon nagwalk-out ang bruha. Buti nga sa kanya.
"Ahm girls pasensya na kayo hah, its not really my intention to bring any trouble here. Im sorry. " pagkasabi nya ng katagang sorry. Nagtagpo yung mga mata namin. At umalis na nakayuko ang ulo.
Mahal talaga kita Carlo pero sa tingin ko, dapat na kitang pakawalan.
YOU ARE READING
Heaven Knows
RandomOnly Heaven knows? siguro nga langit lang makakapagsabi kung sino ang para sa atin. At kung babalik pa ba yung mga taong iniwan ka lang. Pero sana hindi na lang sila bumalik noh kasi dodoble lang kasi yung sakit na nararamdam mo. Lalo na kung makiki...