Sheanne POVMagkaschoolmate kasi kami noong highschool, dati kaming magkasama sa isang club sa school. Yung arts and crafts. Dahil pareho kami ng hilig naging magkaibigan kami at lagi kaming pinagsasama sa isang gawain para mas mapabilis matapos.
Flashbacks>>>>>
"Klyve ! May pinapagawa na naman si Ms. Perez. Tumulong daw tayo sa pag-aayos ng stage para sa Intrams."
"Ngek, sa atin na naman naassign :3" reklamo niya ng pabulong
"Hahah, nga ee wala tayong magagawa :3 may plus daw un ee" at nagkatinginan kami.
"Un naman pala ee, edi tara naaa !!" sabi niya at sabay kaming napatawa.
>>>>>End of Flashbacks
Klyve James De Castro ang pangalan niya. Maitsura yan may ipapalag sa mga nasabihang hearthrob noon sa school. Magaling din :)
Pero dahil lagi kaming magkasama, di maiwasang asarin kaming dalawa :(
At dahil di rin naman ako sanay sa ganung sitwasyon, kaya nakaramdam ako ng ilang sa kanya. Dumating yung time na nagkukunwaring di ko siya nakita kapag makakasalubong ko siya.
Siguro dahil doon kaya di na rin niya ako pinapansin. Biglang parang nagkaroon ng wall sa aming dalawa.
Flashbacks>>>>>
"Sheanne !!" Si Klyve habang tumatakbo sa hallway. Ano ba naman 'to tinawag pa ako. Ano naman sasabihin nito. Paano ko siya kakausapin. Tanung ko sa sarili ko, di ko pa siya nililingon, napatigil lang ako ng lakad.
"Ui, bakit ?" Tanung ko pagharap ko sa kanya. At pilit ngumiti na palang walang nangyari.
"Pinapatawag tayo ni Ms. Perez, punta daw tayo sa faculty ngayon na! " sabi niya.
Naku! nakakaasar naman. Talaga 'tong si Ms. Perez ee. Anu na naman kaya kailangan nun. Sa isip ko lang yan, mamaya marinig ako ng kasama ko ee.
Tahimik lang kaming naglalakad. Walang nagsasalita. Nagkakahiyaan kasi siguro kami and i think ramdam niya din un -_-
Pagrating namin sa faculty, eto naibungad ko agad. Hihih xD
"Mam, pinatawag niyo daw po kami?" Tanung ko agad. Para makaalis na ako dito.
"Magkakaroon tayo ng Field Demonstration at gusto ko sanang tumulong kayong dalawa sa pagpeprepare ng props para sa gagawing Production # nang ating year ngayong taon."
"Ee Ma---...." Di ko na natuloy kasi sumabat itong si Klyve.
"Sige po Mam, tutulong po kami" sabi niya.
"Huh? Ee..---" di ko na naman natuloy. Hayy naku -_- tiningnan ko nalang silang dalawa.
"Buti naman, excuse na kayo sa klase ngayon. Dumeretso na kayo at tumulong sa paghahanda." Saad ni Ms. Perez. Hayyy, dapat di nalang niya ako dito sinama.Siya lang din naman itong kumausap kay Ms. ee. Di man lang ako pinagsalita -_-
Binalak ko pa noong mga panahon na 'yon na humanap ng papalit sa akin. Pero lahat naman ng niyaya ko inaayawan :3 kaya wala akong nagawa kundi tumulong nalang din.
"Jane, mauna na ako. Excuse daw ako kasi tutulong kami sa paggawa ng props ee" sabi ko habang nagliligpit ng gamit.
"Ay girl, buti ka pa. Excuse excuse nalang ang peg mo teh" saad ni Jane. Talaga 'tong babaeng ito kakaiba magsalita. Hahaha XD