Chapter 1

9 4 27
                                    

Hello Everyone!! How are you?
Another update ulit kasi wala lang hehe

                         ___________

Alight Pov:

Pangatlo ako saaming magkakapatid Apat kaming magkakapatid si Kuya Zeli Ate Reese ako at si Fleaish kami na lang magkakapatid dahil ung mga magulang namin naghiwalay na at namatay si mama nung 8 years old palamang ako at ung tatay ko? Ewan ko kung saan na siya dahil hindi niya naman kami binibisita 1 years old palamang ako nung ng naghiwalay na sila Kaya hindi ko rin siya kilala

Ngayon grade 7 na ako papasok ako sa school ngayon dahil pasukan na

Si kuya ang nagpapaaral sakin at si ate naman kay flea

Lahat kami nagaaral pa nagtatrabaho si Kuya at si ate kahit na nagaaral pa sila

Gusto ko nga sa a magtrabaho para matulungan ko sila sa mga gastusin dito sa bahay ngunit ayaw naman nila sapat na daw ung tumulong ako sa gawainh bahay at nagaaral ng mabuti

Marunong ako sa gawaing bahay dahil nagpaturo ako kay ate at tinuruan din ako ni mama nung buhay pa siya

Kinuha ko na ung bag ko na nakalagay sa study table namin dun kami nagaaral tuwing gumagawa kami ng assignment

Gawa lamang ito sa kahoy ginawa ni Kuya para komportable kami pag nagaaral

"Ate Reese" tawag ko

"Bakit alight?"

"Alis na po ako" sabi ko kay ate

"sige ingat ka ha? " lumabas na ako ng bahay para pumunta dun sa tricycle maglalakad ka lang ng unti nandun kana

Nang makarating ako sa may tricycle is pumasok na ko sa loob at nagbayad na

Medyo malayo ang school nato ngunit pwede naman lakarin kaso lang baka 30-45 minutes bago ka makarating dito

Kaya nag tricycle na lang ako dahil 12-15 pesos lang naman 30 lang ang baon ko dahil magbabaon naman ako

Nang makarating sa school ay tiningnan muna ung bag namin tsaka chineck muna ung mga pangalan namin dahil wala namang I'd pa dahil pasukan pa lang namin

Umakyat nako sa may room namin hindi naman ako nahirapan dahil nga nagtanong naman ako nung orientation kasi namin hindi ako nag punta dahil nagtitinda ako

Meron kasi kami na maliit lamang na sari sari store maliit lamang ito Kaya parang punong puno ang Laman Ako ang nagbabantay sa tindahan namin dahil sa bahay lamang ito dahil si kuya at si ate kay nagaaral at nagtatrabaho

Nang makarating ako sa room halos lahat Ata nandun na 6:00 kasi ang pasok namin 5:49 ako dumating dito

Umupo muna ako dun sa pinaka dulo na upuan dahil wala naman akong kilala dito dahil wala akong classmate nung grade 6 na parehas kaming section

Maingay dito dahil siguro ung iba nung orientation is nagkilala na or may mga kilala sila

Nagpakilala lang kami nang mga sarili namin at ung teacher din

"I'm Motion Zeight R Carniza and Reading that's all" sabi nung lalaki na pogi tumitili pa ung iba pagkatapos ay tinawag rin ako

"Omggg ang pogii niyaaa"

"hala teh! Ang pogi niya halatang hindi mapapasakin" sabi naman nung isa

"I'm Xhysia Alight C Temerez and Writing po" sabi ko

Nag umpisa na ang klase dahil first day palang naman ung mga tinuruan lang kami ng basic lesson bawat subject dahil first day palang naman daw

"HOY beh ang ganda mo" sabi nung bakla Nagulat ako dahil pamilyar ang mukha

"hello!!! Ali!!" sabi nung babae naaalala ko na sila grade 1 palang Ata nung naging kaklase ko sila Kaya hindi ko sila masyadong naalala

Silang tatlo ang naging close noon sobrang bait kasi nila hindi ka maa-out of place kasi kahit hindi ka nila ka close ay mabait na sila

Naghiwalay hiwalay na kasi kami nang school nung nag grade 2 dahil lumipat ako ng school

Tinatawag nga kami dati na Quadro dahil mag kaka close kami Actually dati na siang magkakaibigan 2 bakla 1 babae nung kinder pa Ata sila naging kasali lang ako

"Wah wah!!! Alight ang ganda muna huhu" sabi ni Aki ang tawag namin sakanya

"Namiss ka namin Ali" sabi ni Clea dalawa lang kaming babae

"Salamat at nakita kita rin tayo" sabi Kai ang tawag  namin sakanya

Lunch break ngayon Kaya nasa canteen kami walang upuan dito Kaya pagkatapos nila bumili is Babalik rin kami sa room

Kumain lang ako ng baon ko na niluto ni ate Reese at pagkatapos ng lunch break ay lesson ulit nag notes lang ako  para bukas ay medyo gets ko na aaralin ko na lang sa bahay

Tapos na ang klase Kaya ng linis lang kami ng room para maayos pag dumating naman ang grade 8 wala pa naman schedule kung boys ba or girls siguro bukas pa

Maaga nga na tapos ang klase Kaya papunta na kami sa tricycle HABANG naguusap usap

"Alam niyo ang pogi ng isa natin kaklase" kinikilig na sabi ni aki

"Sino naman dun ha? Sabi ni kai tinaasan pa nito ang kilay

"Si motion ang gwapo niya kaso mukang suplado" sabi niya at sumimangot na

"SA true ang pogi niya" humagikgik pa si clea

Tahimik lang ako dito sa Tabi ni Clea oo nga at pogi ung si motion ngunit suplado yata

Nang makarating kami sa tricycle ay nag ba bye nako sa mga to dahil magkakaiba kami ng bahay

Pumasok lang ako sa tricycle at nagbayad na sinabi ko lang kung saan ako bababa

Nang makarating naglakad pako papunta sa bahay dahil wala namang naghahatid na tricycle papunta samin pag galing sa school pag papasok lang

Dumating nako sa bahay pinagbuksan lang ako ni flea ng pintuan

"Kumain kana?" Tanong ko kay flea

"tapos na po ate meron napong pagkain diyan niluto ni ate Reese kanina bago siya pumasok sa klase

"si Kuya asan?"

"nasa trabaho ata ate"

"sige"

Kumain muna ako bago ako nag bihis at magbabantay ako ng tindahan dahil si flea kanina nag bantay

HABANG nagbabantay ako ay gumawa muna ako ng notes ko para pag nagparecite si mam ay may masagot ako

Nang makauwi sila Kuya at ate ay Kumain na kami nagluto lang ako para hindi na sila magluto dahil galing pa sila sa trabaho

Natulog lang ako ng maaga para maaga magising bukas dahil may pasok nanaman


                             ________


Hello everyone salamat ay na tapos na tong chapter nato huhu anyways guys 1000+ tong chapter nato so yeah Un pala 1000+ na ang bawat update ko kasi antagal ko mag update hehe para sulit

Don't forget to Vote, Comment, and share this to your friends, tiktok thankyouu!!!

Follow me here on wattpad also sa twitter hehe @flaeuws on twitter!

:>

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Homerez Series (HRZ) #1 Safe Of Our Skies Where stories live. Discover now