Chapter 2
KYRIE LIANN's POV
Pagkarating na pagkarating ko sa school, agad kong kinuha 'yung phone ko para contact-in 'yung bestfriend ko.
To: Manika
Where are you? Pakibilisan please. Ayokong maging grand entrance ang pagpasok ko sa first day dahil sa late ako.
Hays. Hindi naman ako shy type para hindi pumasok mag-isa eh. Pero alam ko kase na mas better magmukang naliligaw na ewan sa kakahanap ng room na mayroong kasama. Atleast di ka nag-iisa diba?
From: Manika
Bebs sorry. Nasa room na 'ko. Gaya ng dati, dinumog na naman ako kaya 'di na kita nahintay. Pagpasensyahan mo na, maganda lang. :*
Oh yeah! Alam ko na ang eksenang ito. So I have no choice. Kailangan ko na pumasok at hanapin ung room ko kahit mag-isa. This time madali naman na hanapin un, meron na 'kong clue eh.
Kung asan ung pinaka madaming crowd na room, un ung room ko. Syempre, dinudumog nanaman daw bestfriend ko eh.
Lagi naman nangyayare to, lalo na pag firstday.Habang naglalakad ako sa catwalk, may isang grupo ng mga lalaki ang naka agaw ng atensyon ko.
Nakatingin kase sila sakin at mukang pinag-uusapan nila ako.
Dahil sa pagkailang, nilapitan ko sila."Ah excuse me! Pinag uusapan niyo ba ako?" Tanong ko sa kanila.
"Miss easy ka lang! Ang ganda mo kase eh! " sagot nung isang lalake habang di mapigil sa kakatawa ung iba.
Aba. Bastos to. Baka gustong makatikim neto. Nako. Wag ako ha.
"Oy mga baliw to, wag niyo bastusin yan! Unang araw ng pasukan lakas agad ng trip niyo!" Sabat nung isa pang lalaki tapos tawa. "Miss pasensya na sa mga tropa ko, puyat lang ang mga yan." Dugtong pa niya.
Sus. Walang pasensya pasensya. Kaso, wala pala ko sa mood makipagtalo ngayon, gusto ki na pumunta sa room.
"Ah pakitigilan lang, nakaka ilang at nakakabastos kase." Sagot ko.
"O sige miss. Ako nga pala si Nicholo Angelo Ortiz. And you are?"
"I'm Kyrie Liann Yamasuki." Sabay shake hands.
Akala ko sa room lang ginagawa ang introduce yourself tuwing first day, pwede din pala dito sa catwalk ng school namin.
"Nice meeting you, Kyrie." Nicholo.
Yeah. Whatever. Daming sinasabi neto, ubos oras eh.
"Same. Una na ko." Zzz asar.
So ayun, finally, nandito na ko sa room.
Muntik pa kong malate ha. Punyemas na mga schoolmates kase yan.
'Di nagsasawa sa muka ng bestfriend ko.
Di tuloy ako makapasok sa pinto dahil sa kanila. Mga harang eh.I wonder kung di ba sila natatakot malate sa kani kanilang mga klase. Jusko.
Students nowadays nga naman.-----
Introduce yourself, blahblahblah.. breaktime.blahblahblah. uwian.
Hays. Walang makabuluhang nangyare, get to know each other lang ganun.
Ako iniisip ko na kung gano ko magiging busy kaka-aral ung mga classmates ko JS Prom agad? Aba. Edi sana di sila nag enroll. Nagpaparty na lang sana sila araw araw. Tsk.
"Bebs ung kilay mo tumataas nanaman! Anong kabitteran nanaman ba naiisip mo?" Manika.
"Ung mukha mo iniisip ko, ako umay na umay na jan sa loob lang ng isang taon na nakasama kita hanggang ngayong ewan ko kung pang ilang years na natin to, tapos sila magtatlong taon na di pa den? Anong gayuma ba yan?" Me
"Ano ba bebs! Parang timang to. Ano nga iniisip mo?" Manika
"Wala. Tara labas na tayo. Gusto ko na umuwi. Wala na atang taong dudumog sayo. Isang oras na tayo dito. Grabe to." Hays. Kung di ko lang kaibigan to kanina ko pa to iniwan eh. Nasobrahan kase sa ganda. Pwe.
"Sige na nga." Napilitang sagot ni gaga.
Paglabas, akala namin wala nang iba pang estudyante.
"Kyrie!" Sigaw ni Nicholo.
"Oh baket?" Hays. Ubos oras nanaman ba? I really want to go home. Tsk.
"Ayos lang ba sumabay sayo pauwi?" Nicholo.
"Bebs sino siya?" Manika.
"Nicholo, schoolmate." Sagot ko kay Manika.
"Ikaw bahala. Ni hindi mo nga ko kilala, alam mo lang pangalan ko, malay mo, killer ako." Sagot ko kay Nicholo.
Nagtawanan ung mga tropa ni Nicholo.
"Ok lang yon. Basta makasabay sayo." Sagot ni Nicholo sa akin. "Mga pre, una na ako ha." Sigaw niya sa mga tropa niya.
"Ge." Sagot ng mga tropa niya sabay tawa. Mga baliw ata tong mga to. Ewan ko ba.
Nagpaalam na din ako kay Bebs kase di kame pareho ng way pauwi.
--Tahimik akong naglalakad, iniisip ang mga pwedeng ilesson this year.
"Psst!" Ay palaka! Sino ba.. ay! May kasabay nga pala ako.
"Oh? ano ba yun?" Agaw eksena nanaman kase.
"Kausapin mo kase ko. Kaya nga ko sumabay para makausap ka eh." Ay ang drama. Zur.
"Oh tapos?" Me.
"Sungit naman Kyrie." Sabi niya sabay pout.
Kala naman neto madadaan niya ko sa ganyan. Di kame close. Duh.
"Ganon talaga." Me. Tss. "Una na ko. Eto na bahay namin." Nagmadali na akong pumasok.
Sa wakas. Wala na siya. Napaka feeling close kase.
"Dito na po ako." Sigaw ko.
"Maghahanda na ko ng makakain, magbihis ka na." Yaya.
"Opo." Sagot ko.
Pumunta na ko agad sa kwarto ko. Nagbihis tapos..
*notification; friend request.
Sino naman kaya to.
*click
*Friend request from Nicholo Angelo Ortiz
CONFIRM x DELETE
--
Sorry natagalan ang update.
VOTE. COMMENT. & FOLLOW ME!
Thanks
- Deyn
BINABASA MO ANG
DOES FOREVER REALLY EXIST? (On Going)
Teen FictionPROLOUGE. Forever. Infinite. Everlasting. Endlessly. sa talagalog~ Walang Hangan. Walang Katapusan. Iba't ibang salita pero iisa lang ang pinupunto. Kadalasan sa mga relasyon sa panahon ngayon maririnig ang mga salitang iyan. Mayroong couples na nag...