1st scream

3.3K 45 7
                                    

PROLOGUE

"Tulong!"

"Tulungan nyo ako!!!!"

Halos hindi na nya makita ang dinadaanan nya sa sobrang bilis ng pagtakbo nya. Napakadilim ng paligid na sinabayan pa ng pag buhos ng malakas na ulan kaya hirap na hirap syang malaman ang daan palabas ng gubat na ito.

"Tulungan nyo ako!". muling sigaw nya. Pero kahit anong lakas ng sigaw nya imposibleng may makarinig sakanya. Nasa gitna sya ng kagubatan.

Hindi nya alam kung paano sya.. sila napunta sa gubat na yun. Ang natatandaan nya lang ay nagpunta silang magbabarkada sa resort na pag aari ng best friend nyang si cassie.

>FLASHBACK<

Nagulat ako ng may mga kamay na pumulupot sa leeg ko at pabiro akong sinakal.

"What are you doing sitting alone and sulking like a broken hearted bitch?" nakangising bungad sa akin ng best friend kong si cassie.

"Alone and sulking my ass ! No way bitch !  I just want to be alone and drink my tequila". sabi ko sabay tungga ng iniinom ko, gumuhit ang init sa lalamunan ko na para bang sinusunog ito kaya dali dali akong dumutdot ng asin sabay sipsip ng lemon.

narinig ko nalang na tumatawa si cassie, kulang nalang matumba sya sa tabi ko sa kakatawa. OA MUCH !

"Look at your face middy. You look like a fucking monkey!". tatawa tawang sabi nya. inagaw nya sakin yung panibagong shot na binigay ng bartender sakin at sya na ang uminom

"gimme me that bitch!". mabuway na sabi ko sakanya. lintik tinamaan na yata ako, as far as i remember nakaka tatlong shot palang naman ako. pinilig ko ang ulo ko para mawala yung pagkahilo ko pero nagmistulang carousel ang paningin ko.

"Huwag ka kasing feeling strong bes, Di ka naman umiinom". nakairap na sabi nya.

"Huwag mo ipakita sa bitch na si donna na apektadong apektado ka sakanila ni Ace"

Napatingin ako sa mag jowang naglalambingan sa swimming pool. Parang tinarakan ng kutsilyo ang dibdib ko.

Sobrang sakit.

Ace and donna

The hearthrob and the real bitch..

napaismid ako, ewan ko ba kung anong nakita ni ace sakanya. Mayaman din naman ako, Sexy, matalino at higit sa lahat Maganda.

Ako lang naman ang nanalo this year bilang Ms. Veletian 2020.

at si donna? ayun di manlang pumasok sa top 10 !!!! tapos malaman laman ko na sila na ni ace !

nakakainis, ang sarap patayin !

"Hoy!" malakas na alog sakin ni cassie

napahikbi ako, masakit kasi talaga eh. mahal na mahal ko si ace. Kung ano ano ng pagpapapansin ang ginawa ko mapansin lang nya pero wala ! He treats me as if i'm his little sister.

Yun lang ! wala manlang syang nararamdamang libog sa akin.

"Bes move on kana". sabi nya sa akin. tuluyan na akong napaiyak, kaya agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Ayokong makita nila akong umiiyak, i'm not weak.

"sagutin mo na kasi si Ryder, di hamak naman na mas gwapo sya kaysa sa ace mo" dagdag pa ni cassie.

Niyakap nya ako.

"Kaya nga kita niyaya dito eh, para kahit papano makapag enjoy ka at makalimutan mo yang  ace na yan".

Yes, yun ang plano, pero sa hindi inaasahang pangyayari, pagdating namin sa meeting place nadatnan na namin si ace at donna dun na nagyayakapan. Nawala sa isip ni cassie na mag bff nga pala ang boyfriend nyang si shane at ang irog ko.

Kaysa awayin ng bestfriend ko ang jowa nya, sinabi ko nalang na okay lang at nangakong mag eenjoy at hindi magpapaapekto.

pero heto ako ngayon drinking alone and sulking like a fucking idiot. My bestfriend was right, i look like a brokenhearted bitch.

ganun pala ang pakramdam pag nakakainom, wala ka ng maramdaman, manhid kana, wala ka ng pakialam sa nakapaligid sayo. inom lang ako ng inom. dahil gusto ko na lunurin ang sarili ko sa alak, gusto ko na makalimutan ang sakit. Gusto ko na makawala sa nararamdaman ko. ayoko na, suko na ako. kaso yung puso ko bakit sya pa din yung sinisigaw nito? syet ! it rhymes diba pero napakakorni pero yun ang totoo.

No Escape(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon