“Kingina niya pala! So, anong tingin niya sa’kin, assuming?!”
Tanghalian na at pauwi na kami dahil half day lang ang exam.
“Relax ka lang, gurl!”
“Aray! Bakit ka nangungurot?!” Inirapan lang ako ng gaga’ng Jamira na ‘to.
“Tama naman kasi si Rhum, assuming ka!” Umiinit lang ang ulo ko dahil sa panggagatong ni Leanne.
“So, masaya kayong asar-asarin ako? Don’t me, may araw din kayo sa’kin!” Saad ko at nagmartsya palayo sa kanila.
Nakakatampo naman ‘tong mga bruhang ‘to, imbis na i-comfort ako, parang dino-down pa ‘ko. Mga bruha talaga!
“Huy, Yzeah!” hindi ko sila nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad para hindi nila ako mahabol.
“Tampo ka na nyarn?” sigaw ni Jamira habang tatawa-tawa pa.
Sarap niyang iuntog sa pader.
“Hindi ka mahal ng mama ko!” sigaw ko pabalik sa kaniya.
“Matagal ko ng alam yan!” sigaw niya rin pabalik.
Nasa may daan kami ngayon at maraming tao ang nakakarinig sa amin, pero kahit saang public place naman wala kaming paki.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Rhumsel na nakatayo sa may tindahan ng siomai kasama ang mga barkada niya. Kaagad akong huminto at hinila sina Jamira at Leanne palayo roon.
“Ano ba! Bitaw nga!” binitawan ko sila at dumeretaso sa paglalakad.
“Anong nangyari dun?”
“Nandon sina Rhum sa may siomai-yan.”
“Tara na kasi, uwi na tayo!” nagpapadyak pa ako sa sobrang inis dahil ayaw nilang umalis sa kinatatayuan nila.
Parang mga tanga naman ‘to, oh!
“Huy, Zea! Tanga ka ba? Kung d’yan tayo dadaan mas malayo pa lalakarin natin.” Saad ni Leanne. “Atsaka na kita na rin naman ako ni Rhum, nagka eye-to-eye kami!”
“How dare you!”
Inirapan ko lang siya. Ayokong makita yung Rhumsel na ‘yon!
“Masyado ka kasing affected! Dapat kasi relax ka lang kahit na sasabog na ya g puso mo sa sobrang kaba. Parang ‘di ka naman namin naseminar! Dapat chill ka lang!” saad naman ni Jamira habang niyuyogyog ako.
Eh kasi naman!
Nakasunod lang ako sa dalawa habang binabaybay ang dating daan. Nanlaki ang mga mata kong singkit ng huminto yung dalawa sa paglalakad. Kingina, alam ko na ang kasunod nito.
“Bili tayo siomai,” pagyayaya ni Jamira.
“Tara, nagugutom na rin ako.” At sinang-ayunan naman ni Leanne.
YOU ARE READING
Strangers Again (Again Series #1)
Teen Fictionalam ko po na hindi ko na naman ito matatapos ༎ຶ‿༎ຶ