KABANATA 11

1.8K 24 0
                                    

Hindi ko na hinintay si manang at agad ko nalang nilinis ang mga pinagkainan namin.

Pumasok ako sa loob ng dining at wala na sina gov doon at tanging ang mga kasambahay lamang ang naroon na nag lilinis.

“oh thiara nandito ka na pala” tuwang ani ni manang

ngumiti ako at nilapag sa lababo ang hawak ko bago bumaling kay manang

“opo manang”

ngumiti si manang sakin at lumapit

“pag pasensyahan mo na ang ugali ni stella, ha?”

ngumiti ako at tumango sa sinabi ni manang. naintindihan ko naman si stella kaya wala dapat silang ipagalala

“sobrang spoiled kasi ito tapos sobrang close sila ng sir daven mo” patuloy pa ni manang

umupo ako sa upoan ng ma upo si manang

“ayos lang po manang” panigurado ko rito

“alam ko namang maintindihin ka iha”

ngumiti ako sa sinabi ni manang pero medyo nahiya

“inispoil din kasi iyan ni daven kaya habang lumalaki ay mas lumala ang ugali”

napatango ako sa sinabi ni manang dahil halata naman na spoiled nga ito

“tanging ang mga tiya niya lang kasi ang nagpapalaki sakanya at siyempre kadugo ito ni sir daven ay palagi niya itong binibisita sa amerika kaya hanggang ngayon ay parang hindi sila mawalay walay”

“nasan na po pala ang mommy nila?” mahinang tanong ko

“namatày ang mommy nila ng pagkatapos manganak kay stella,  sabi kasi dati ng doctor ay hindi na kaya ng matres niya ang labasan ulit ng isang anak. akala nga namin huli na itong si sunshine”

kumunot ang nuo ko dahil sa sobrang curious sa mga nangyayari sa pamilya ni sir daven

“tatlong taon pa lamang kasi itong si sunshine ay nakipag hiwalay na si maam stacy kay david, bumalik ito sa dati niyang nobyo na iniwan niya noong highschool pa siya” paliwanag na naman ni manang at kita ko ang pait sa mukha nito

“nasan na po ngayon ang ama ni stella?”

“may asawa rin ang ama ni stella ng mag sama sila ng ni stacy at nang pumanaw si stacy ay iniwan nito sa mga kapatid niya si stella”

Sobrang gulo naman pala ng pamilya ni sir daven at alam kong sobrang sakit din ang dulot nito sakanila

“kaya hindi talaga mag kasundo iyang si sunshine at stella dahil alam mo na” kibit balikat na ani ni manang

“hindi niyo rin naman po masisisi si miss sunshine kung may sama ng loob pa rin ito” seryoso ako sa pagkasabi ko non

mag sasalita pa sana si manang ng may marinig kaming boses ng mga kalalakihan na sa tingin ko ay papasok dito

“ay nakalimutan kong nandito pala ang mga kaibigan ni daven”

pagkasabi non ni manang ay tumayo ito at sakto ring pumasok ang tatlong nag ga-guwapohang lalaki.jusko mga pinagpala

Nag tatawanan ang mga ito at napatigil lang ng mapansin ako

“oh my sino ang magandang binibining ito?” ngising tanong ng isang lalaking singkit

“hi miss” agad na bungad sakin ng isang lalaking naka salamin at ngumiting nag lahad ng kamay

ngumiti ako ng maliit at agad na tinanggap ang kamay nito. nakakahiya dahil baka marumi ang kamay ko

THE POSSESSION OF THE SON OF GOVERNOR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon