Elena's POV
Maaga pa lang ay sinundo na ako ng personal driver ni Kassandra kasama si Roxanne.
Puyat na puyat pa akong napapahikab habang bumibiyahe kami patungong penthouse.
Sino ba naman kasi ang hindi mapupuyat eh alas tres pa lang ng madaling araw sinundo na ako? Halos apat na oras lang ang tulog ko.
Hindi kasi ako nakakatulog kaagad kapag bago ang environment sa akin. Isa rin yun sa mga dahilan kaya ayaw kong nag-i-sleep over. Lalo lang kasi akong napupuyat. Isa pa, mababaw lang ang tulog ko, madali akong magising sa konting ingay at liwanag ng paligid.
Hayyyy. Kaya inggit na inggit ako dun sa mga taong konting lapat lamang ng likod ay talagang mahimbing na kaagad ang tulog.
Hindi ko akalain na ganoon pala kahigpit ang security sa Penthouse ni Kassandra. Kung anu-anong chine-check kasi sa akin at hinahanapan ako ng maraming identification. Mabuti na lang at palagi kong dala ang mga valid ID's ko.
"Napakahirap at ang higpit naman pala ng security rito." Himutok ko kay Roxanne nung nasa loob na kami ng elevator patungong floor unit ni Kassandra.
Natawa lamang ito ng mahina dahil sa narinig. "Yeah, right. Pinili niya talaga 'tong unit niya para iwas sa mga marites na netizens." Paliwanag nito sa akin.
Naka VIP floor ang unit ni Kassandra. Kaya naman pala ganoon na lang sila kahigpit rito, dahil bukod sa may isang sikat na superstar ang nakatira rito ay talagang yayamanin ang mga tao.
Grabe! Ang yaman na niya noon pa lang, ano na lang kaya ngayon na isang sikat na siyang artista? Tanong ko sa aking isipan.
Pagdating namin sa unit ni Kassandra ay napakatahimik ng buong paligid. Ni hindi mo aakalaing may nakatirang tao rito ngayon eh.
Ang sabi ni Roxanne tulog pa raw si Kassandra ng ganitong oras. Malamang dahil mag-aalas kwatro pa lamang ng umaga at sa biyahe namin kahapon siguradong puyat at pagod pa talaga ito.
Pinagbilinan lamang din ako ni Roxanne na wag na lang masyadong gumawa ng ingay kahit naka-soundproof naman ang kwarto ni Kassandra. Kailangan muna kasi niyang umuwi muli at may ibang errands pa siyang kailangang puntahan.
May mga maluluto naman na raw sa fridge at ako na lang ang bahalang mag-check. Pagkatapos noon ay iniwan na niya ako at muli nang umalis.
Hindi rin halatang nagmamadali siya eh, ano?
Kailangan daw kasi bago magising si Kassandra mamaya for breakfast ay nandito na siya.
Grabe! Ano kayang ginagawa niya, lumilipad? Eh ang traffic kaya!
Hay! Ba't ko pa ba pinoproblema ang trabahong hindi naman akin. Napailing ako at agad na dumiretso na sa kusina. Tuwang-tuwa ako noong unang bumungad sa mga mata ko ang dalawang naglalakihang fridge dito sa kusina ni Kassandra.
Excited na binuksan ko ang mga ito at mas namangha pa dahil naka-arrange talaga ang mga laman sa loob mula sa bottled water, soda, energy drinks, milk, fruits and vegetables. Ganoon din sa kabilang fridge kung saan ang nakalagay naman ay mga karne, isda at iba pang frozen foods.
Halatang hindi masyadong nagagamit ang kusina. Pero bakit punong-puno itong dalawang fridge niya? Nagtataka na tanong ko sa aking sarili.
Dahil sa pagkakaalam ko, hindi naman nagluluto si Kassandra. Lalo na sa siksik na schedule nito. Tsk. Tsk. Sobrang napakalabo.

BINABASA MO ANG
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) COMPLETED
De TodoI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...